ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO
Una pa lang ay alam na pala ni Lucas na maghihiwalay rin sila pero, pinili pa rin nito ang pakasalan siya.
"Magsasama tayo hanggang tatlong taon at susubukan kong mahalin ka, pero kung sa loob ng tatlong taon na iyon at wala pa rin akong naramdaman ay gusto kong ikaw na mismo ang magsabi kay lolo na gusto mo ng makipaghiwalay para hindi kami magkaproblema."
--------
Sa dalawang taong pagsasama nila ni Lucas ay akala ni Annie ay unti-unti na itong nagkakaroon ng pagmamahal sa kaniya, akala niya ay tuluyan na nitong nakalimutan ang babaeng pinakamamahal nito na nang-iwan rito bago pa man silang ikasal na dalawa.
Ngunit sa mismong second wedding anniversary nila ay bigla na lamang nitong inabot ang divorece agreement sa kaniya, hindi pa natatapos ang tatlong taong usapan nila at wala ng balak itong tapusin pa dahil ang pagiging mag-asawa na nila ang gusto ng tapusin nito.
"Gusto mo akong hiwalayan?" Puno ng sakit na tanong niya rito.
"Bumalik na si Trisha."
Trisha, ang babaeng pinakamamahal nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lang sa gusto nito kahit na hawak-hawak na niya ng mga oras na iyon ang ultrasound picture ng magiging anak nila na surpresa niya sana rito sa napaka-espesyal na araw naniyon.
Ngunit dahil sa nangyari ay wala na siyang balak sabihin rito ang totoo at napagpasyahan na aalis na lamang siya at bubuhayin mag-isa ang anak niya.
Ngunit bigla na lamang namatay ang lolo nito at hiniling nito kay Lucas na huwag ng iwan si Annie at talikuran na ng tuluyan ang Trisha na iyon.
Matututunan kaya ni Lucas na mahalin si Annie sa loob pa ng isang taon? Katulad ng huling hiling ng lolo nito?
1016.7K viewsOngoing