Isang taon na lang ay graduate na sa kolehiyo si Lorelei Carpio ngunit ayaw ng sustentuhan ng kanyang Tita Agnes ang kanyang pag-aaral simula noong magkaroon ang Tita niya ng live-in partner. Ito ang nagpalaki sa kanya simula noong mamatay ang mama niya ngunit ngayon ay pinapaalis na siya nito sa pamamahay nito. Sa kagustuhang makapagtapos ay pumayag siyang sumali sa isang Sorority na nangakong tutustusan ang pag-aaral niya. Ngunit hindi niya alam na ang pagtanggap sa kanya ay may kapalit na mainit na gabi mula sa leader ng kasapi nilang Fraternity. At mas hindi siya handa matapos magbunga ng kambal ang pangyayaring iyon. Kambal mula sa lalaking hindi niya kilala at ni minsan ay hindi nasilip. Paano niya sasabihin ngayon sa bagong amo niyang si Hector Montanier na isa siyang single mother gayong ang gusto nito ay dalagang sekretarya? "I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque.
View More"Kasi ano, Miss Melia?!" kabado at hindi makapaghintay niyang tanong. "Ma'am, kasi patay na... patay na po si Miss Crizaa," naiiyak na balita nito na kinalamig ng kalamnan niya. "What did you say?" hindi makangiting tanong ni Sir Hector. "N-asa balita po tsaka tumawag din po ang sa mental hospital kanina para sabihan kayong patay na ang in-admit niyo doon. Nasunog ang mental hospital at kalahati ng pasyente ay nasunog din..... kasama po si Miss Crizaa sa mga... nasunog." "Oh God," naibulalas niya at napatakip ng bibig. Nangilid din ang mga luha niya. Hindi niya hinahangad na mamatay ang kaaway niya. Isa pa, siya ang naglagay kay Miss Crizaa doon. Kinukurot ang konsensya niya. Naalala niya pa si Mikael, ang bata pa nito. Marahan siyang niyakap ni Sir Hector, "It's not your fault, Kitty," suyo nito kahit na wala pa man siyang sinasabi. Nanginig ang labi niya, pakiramdam niya ay kasalanan niya at nang dahil sa kanya ay nawalan ng Mama ang musmos na bata. "Si M-ikael tsaka si Alej
"Kahit ikakasal tayo ulit, wala pa rin ako sa plano?" pangungulit ng asawa niya.Paano'y hindi na ito naka-move on kahit linggo na yata ang lumipas. Nasa loob ito ng opisina niya, nakahalukipkip na nakasandal sa mesa habang nag-aayos naman siya ng folder na gagamitin sa meeting nila."Bakit ka isasali sa plano? Walang plano, Sir Hector." Ngumisi siya dito.Umungol ito ng protesta, "Bakit wala? We're family. Hindi ba pwedeng magplano para sa mga anak natin?""Hindi. Let them be. Ang trabaho ng magulang ay gabayan ang anak at hindi planuhin ang buhay niya. Ang ibig kong sabihin, hindi tayo makikialam sa kung ano'ng gusto nilang gawin depende na lang kung nakasasama na sa kanila—" "Baka mag-boyfriend sila ng maling tao," katwiran nito kaya tinaasan niya ng kilay."F*ck, Kitty. Ayokong makitang umiiyak ang mga anak ko," problemadong sambit nito.Hindi niya alam kung tatawanan ito. Seryosong-seryoso ba naman."Baka ikaw pa ang umiyak nang dahil sa kanila, Sir Hector," pang-aasar niya.Sas
LORELEI'S POV"Hindi na siya makalalabas doon. Even Crizaa. Hindi na rin makalalaya," mahinang sambit niya.Agad na umikot ang braso ni Sir Hector sa bewang niya. Pareho silang nasa barandilya ng balkonahe ng kwarto. May hawak na wineglass. Sumimsim siya ng redwine."It's too early to celebrate pero sana pagbayaran nila ang parehong kasalanan nila," muling sambit niya sa asawa bago humilig sa d*bdib nito.Naramdaman niya ang h*lik nito sa buhok niya. Maging ang mainit nitong balat. Mahina niya pang pinagsalubong ang mga wine glass nila bago mahinang humagikhik."Ang galing mo kanina, Sir Hector. Paano mo nalamang pupuntahan niya si Crizaa?"Tiningala niya ang asawa. Halos maduling siya sa pulido nitong panga. May papatubong balbas ngunit bagay na bagay dito. Para siyang binalik noong nakita niya ito sa larawan. Ang titig ay matalim kagaya ngayon, matalim pero alam niyang hindi galit."From my investigator. Kung nagising ako nang mas maaga, maaga din siyang nakulong, Kitty."Kunwari si
HECTOR'S POVNag-igtingan ang mga panga niya. Hindi niya palalagpasin ang ginawang iyon ni Arnold."Siya pa rin ba ang superior leader sa Alpha Omega?" tanong ng asawa niya. Nilubog niya ang mukha sa balikat nito. Marahas siyang huminga sa galit na nararamdaman."Siya pa rin. Maybe he planned that accident to stay in the position," nanggagalaiting konklusyon niya.Dinig niya ang pagsinghap ng asawa, "Baka... nagsabwatan sila ni Crizaa para maghiwalay tayong dalawa."Mas lalong umigting ang panga niya. Sinusubok ng mga ito ang pasensya niya. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang imbestigador niya."Sir—""Sent me the new and exact address of Arnold. I will file a case against him," malamig niyang utos. "Noted, Sir!"Mariin siyang pumikit. Gusto niyang magwala sa galit. Nasayang ang limang taong pagsasama nilang mag-asawa, nadamay pa ang mga anak niya, at nalumpo pa siya."I'm sorry, Kitty. I was so late. Hindi ko kayo nabantayan nang maayos," nanghihinang sambit niya at l
Masama ang titig ni Ody sa kanila ni Sir Hector noong magtipon sila sa sala. Si Achi ay nakasandal sa sofa at lipat-lipat ng titig sa kanila. Ang triplets ay nasa kandungan ni Sir Hector at inosenteng nakatingin sa kambal."Di kami bad, Daddy. Sigaw siya nang sigaw!" nakalabing reklamo ni Taki."Gulat kami may girl sa room na iyon. Gusto lang namin magplay sa kanya," katwiran ni Oli."Tapos nasigaw na siya. Ayaw niya mag-play samin," malungkot na dagdag ni Amber.Kita niyang napairap si Ody sa tatlo."Umiikot eyes niya! Bad bad siya, Daddy!" asik ni Taki.Napabuntong hininga siya noong kumunot noo si Ody."Can I talk to them?" bulong niya sa tainga ni Sir Hector.Yumuko pabalik ang asawa niya, hum*lik pa sa pisngi niya, "Hm, sumigaw ka kapag ayaw makinig ni Odessy," bulong nito pabalik bago tumayo at hinawakan sa kamay ang tatlo."Nooo, dito lang ako sa tabi ni Mama. Away-away siya!" Nagpabigat pa si Taki at ayaw sumama kay Sir Hector kaya't binuhat na ng huli."Gagawan ko kayo ng pan
LORELEI'S POV"Saang ospital sila dinala?" madiing tanong niya sa tauhan noong sabihin nitong nasa ospital na ang mga anak niya.Naramdaman niya ang paglapit ni Sir Hector ngunit hindi niya ito nilingon. Pinauwi pala nito ng hindi niya alam!Humawak ito sa bewang niya ngunit umiwas siya."Miss Melia, pakibantay po ang mga anak ko," habilin pa niya sa sekretarya niya bago magtungo sa parking lot ng bahay ni Sir Hector.Natigil siya noong hilahin nito ang kamay niya."You're doing it again, ignoring me," pagdidiin nito.Hindi siya umimik. Ayaw naman niyang magalit at sisihin ito. Sadyang gusto niya lang makita agad ang mga anak niya kung okay ba sila o kung napano ba."I'm just worried. M-alay ko ba kung ano'ng ginawa nila sa mga anak ko," muntik pa siyang pumiyok.Imbis na sagutin siya ay muli siya nitong hinila sa sasakyan nito at pinagbuksan siya ng pinto. Agad siyang pumasok at agad na nag-ayos ng seatbelt.Walang nagsalita sa kanila. Ramdam niya rin ang galit nito base sa namumutin
HECTOR'S POVMalamig niyang tiningnan si Phoenix. Hindi niya ito inaasahan na pumunta sa mansyon niya at kakausapin ang asawa niya.Mapang-angkin niyang inikot ang braso sa bewang ng asawa niya. Natitigilan ito at hindi makatingin sa kanya."I'm sure, alam ng asawa mo kung paanong napasok sa mentak hospital ang kapatid ko," muling pagdidiin ni Phoenix.Dumiin ang tingin niya dito bago balingan ang asawa."What is he saying, Kitty? Ano'ng ginawa mo kay Crizaa?" namimigat niyang bulong.Umiwas ito ng tingin sa kanya ngunit mariin ang titig kay Phoenix."Hindi ko siya palalabasin doon. Do you even know ano'ng ginawa ng kapatid mo sa'kin? Binabalik ko lang ang kasamaan niya, Phoenix—""Napakatigas naman ng puso mo. Nakalimutan mo yatang may anak din ang kapatid ko na talagang binigay mo kay Alejandro."Ramdam niya ang pigil na galit ng asawa niya habang siya ay nangunot noo. Hindi niya gusto na inaaway ito."You don't know a f*cking thing, Phoenix. Kung lalabas sa mental si Crizaa, ipapas
Napagkaisahan nga siya. Kaya naman pala hindi ganoon kagalit ang Daddy niya sa conference meeting na kasama si Sir Hector. Hmp!Tinulungan niya ang triplets na maglagay ng mga maleta sa likod ng sasakyan."Mama, malaki house ni Daddy?" excited pang tanong sa kanya ni Oli."Malaki—""Woah! May malaking garden, Mama?!" mas excited na tanong ni Taki na hindi man lang pinatapos ang pagsasalita niya."Rerequest ako isa-isa kwarto natin," dagdag pa ni Amber sabay hagikhikan ng mga ito.Naningkit ang mga niya sa tatlo. Mga paladesisyon din katulad ni Sir Hector!Bakit parang nagpalaki siya ng mga bata para kay Sir Hector? Naalala niya, nahuli din agad ni Sir Hector ang kiliti ng kambal noon lalo na si Ody. Ngayon, ganoon pa rin, kapag desisyon ng mga anak niya, talo siya."Pasok na kayo sa loob. Tatawagin ko ang Daddy niyo," utos niya sa mga ito na tumalima.Pagkasara ng compartment sa likod ay binalikan niya ng tingin si Sir Hector. Nawalan na siya ng lakas magreklamo o mag-inarte, ang endi
Makailang beses niyang inuntog ang sarili sa salamin. Katangahan at kaharutan niya kasi ang umiral imbis na utak!Ngayon hindi niya alam paano haharap sa Daddy niya mamaya. Parang kinain niya lahat ng sinabi niyang maghihiganti siya at hindi babalikan si Sir Hector!Sa muling pag-untog niya ng noo sa salamin ng kwarto ay sa malaking palad tumama ang noo niya. Napatigil siya at pagtingin sa salamin, nasa likod niya si Sir Hector na salubong ang mga kilay."What the hell are you doing? Sinasaktan mo ang sarili mo, Kuting." Hinarap pa siya nito at seryosong sinuri ang noo niya.Napalabi siya noong hipan nito at bigyan ng h*lik ang noo niya."Namumula na," igting ang pangang sambit nito, na tila nainis sa noo niya."Malayo sa bituka 'yan—" "Malapit naman sa utak."Nanliit ang titig niya dito, "Sinasabi mo bang ikababaliw ko?" "Ikababaliw mo sa'kin." Umangat pa ang gilid ng labi nito kaya natigilan siya at ang puso niya ay naging abnormal."Ewan ko sa'yo, Hector. Ano na naman nakain mo—"
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.