Share

X. Started with a Kiss

Napagkasunduan naming magkita ni Jae sa restaurant malapit lang sa opisina ng kompanya namin. He was already sitting at a table na nireserve raw nito sabi ng waiter na sumalubong nang dumating ako and he was all smiles upon seeing me, iyong tipo ng ngiti na akala mo eh nakakaloko.

"Alam mo ngayon pa lang gusto ko nang alisin iyang nakakalokong ngiti sa mukha mo." nagbabantang sabi ko pa habang umuupo ako.

Wala na akong pakialam kung kliyente namin siya, he is not JYB to me at this very moment. Para sa akin, siya ngayon si Jae. Ang lalakeng pinagsisisihan kong iniligtas noon kina Chris at Gim.

"Why the long face, babe?" nagpatuloy siya sa pagngiti hanggang sa makaupo ako kaya lalo lamang akong nainis.

"Huwag mo akong ma-babe babe diyan kung ayaw mong maligo ngayon diyan sa pwesto mo." nagbabanta lang sabi ko habang hinahawakan ang baso ng tubig sa harapan ko.

Nakita ko siyang napalunok as he directed his gaze towards my hand. At tuluyan nang naging defensive nang iangat ko iyon oara uminom.

"Huwag kang praning, nakakapagpigil pa naman ako." Sabi ko pa sabay tungga ng baso. "Pero malapit ng hindi."

"Ano bang kasalanan ko? Ililibre na nga kita ng dinner, bakit parang nagagalit ka pa sa akin?"

"Should I be happy sa mga ginagawa mo? Should I be thankful na sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh kailangan kong tiisin na makita ang dalawang taong nanloko sa akin? Iyong mismong mga taong pinagmukha akong tanga?"

Sumeryoso siya habang umaayos ng upo, hindi ko sinasadyang basagin ang mood ng dinner na iyon pero naiinis ako at masyado iyong matindi para pigilan ko o kimkimin.

"I just don't get it, hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ang bagay na ito."

"Tapos ka na ba?" Siya naman ang seryosong tumingin sa akin, uminom rin siya ng tubig na nasa baso niya baho nagpatuloy. "I told you, I am helping you out."

"And how exactly seeing the people who betrayed me everyday helping me at all. Lalo mo lang pinapamukha sa akin kung gaano ako katalo 'coz the fact that I am seeing them both together? All I can feel is pain and hatred and this makes me loose my mind."

"At hahayaan mo na lang na ganyang pakiramdam ang ibigay nila sa iyo? I am giving you an chance to get even on them."

"How?" matigas pa na tanong ko as I am seeking reasons to make sense of the senseless. Pero kahit anong isip ko ay wala akong mapala.

"You have me, I am here to help you at kung kinakailangan nating magpanggap sa kanila just to make you feel better, that is what I am going to do."

"Sa tingin mo nakatulong ka?"

"I know how much you wanted to take revenge on them, from hurting you and from the injustice na sa tingin mo eh dinanas mo sa lalakeng iyan. I wanted you to see your worth, and I wanted you to redeem yourself again. Its not the end of the world, Elijah."

"It is for me, at kung patuloy mong gagawin iyang gusto mo, I might end up hating you too."

"You can hate me all you want, Eli. Just get better after and don't let them destroy you. Don't let them make you a different person."

"I hate you."

"For now, but later you'll realize that I am only doing this for you."

Hindi na ako kumibo at nanatili na lamang na nakayuko habang siya namang pagdating ng waiter dala ang order namin.

Jae served me with everything. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko, he even cut the steak for me and peeled off some shimp bago iyon inilagay sa plato ko.

Suddenly, hindi na ako galit.

I looked at him as I recall everything he said to me.

"At saka ka na magalit sa akin. Kumain ka ng marami para naman sumaya iyang puso mo."

Matapos ang hapunan ay nagpresinta siyang ihatid ako. Noong una ay tumanggi pa ako pero nangulit lang siya lalo, bagay na wala na akong nagawa pa.

I can't help but think that he is being extra sweet, bagay na ikinalilito ko dahil wala naman sina Kim at Ryan sa paligid at walang dahilan para magoanggap kami.

Gusto ko siyang kwestyunin pero sa kabilang banda ay masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya. I can still see him taking care of me habang naghahapunan kami kanina. I can feel his sincerity at dahil doon ay tila ba gusto ko nang maniwalang tama nga ang sinasabi nito, he just wanted to help. 

"Feeling better?" Mayamaya pa ay tanong niya habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay ko. I was caught off guard dahil paminsan-minsan ay tinitignan ko siya habang siya naman ay nakafocus sa pagmamaneho.

"Ha?"

"Tinatanong ko kung okay ka na ba?"

"Ah, o-oo. Ayos na ako."

"Good,"

Tapos ay tumahimik na ulit ako at hindi na nagsalita. Ganoon rin ang ginawa niya, ibinaling nitong muli sa pagmamaneho ang atensyon habang paminsan-minsan ay napapatingin pa rin ako sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating namin ang bahay ko. I was about to get off his car nang bigla siyang lumabas mula sa pwesto niya then went to where I am and opened the door for me.

Nahiya pa ako noong una ngunit sa huli ay hinayaan ko na lang rin siya.

"Para naman maramdaman mong boyfriend mo nga ako."

"Magtigil ka, walang ganon. Walang tayo!"

"Says who?"

"Sabi ko?"

"Okay, if you say so."

"Yes, I said so."

I was about to enter my house when he stopped me as he calls my name. "Eli."

Mabilis ko siyang nilingon sa pag-aakalang may sasabihin siya sa akin ngunit iba ang nangyari. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa pwesto ko, there was only few inches between us na lalo namang nagpalaki ng mga mata ko.

I was leaning backwards hoping na makalayo ako sa kanya kahit papano pero namali ako ng tapak at nawala ang balanse ko nang dahil doon. He then pulled me by my waist as he grabs me towards him, naramdaman ko pa ang pagbangga ng katawan ko sa katawan niya habang pinipigilan niya ang pagbagsak ko.

And he succeeded.

We were in a very awkward position at that very moment, atleast for me. Kaya ko nga sinubukang umiwas dahil masyado siyang malapit kanina pero mas matindi pa pala ang nangyari ngayon at wala na akong magawa kung hindi ang hayaan siya. Kung hindi ay malamang na sa semento ako pulutin.

Napatitig ako sa mga mata niya as I involuntarily place my hands on his chest. Halos mabingi pa akonsa pagkabog ng dibdib ko habang nasa ganoon kaming posisyon at hindi ko man lang magawang gumalaw.

Until such time na siya mismo ang kusang humiwalay sa akin, I was patiently waiting na gawin niya iyon ngunit ikinagulat ko nang husto ang sumunod na nangyari.

He kissed me, slowly tasting my lips habang hawak pa rin niya ako sa beywang ko. Kumilos ang isa pa niyang kamay upang hawakan ako sa isang pisngi para malayang niyang maipagpatuloy ang ginagawa. Nadoble ang pagkalabog ng puso ko na ngayon ay daig pa ang tambol sa ingay nito.

I was stunned for a moment habang lalo naman niyang pinag-igihan ang ginagawa niyang paghalik sa akin.

What is he doing?

My mind and my heart are in an argument at that very moment. Ang isa ay nagdidikta na patigilin siya habang ang isa naman ay gustong magpaubaya.

At ginawa ko ang huli, I was feeling his lips on mine, not minding that we were still outside my house at na pwedeng ma ibang taong makakita sa amin.

I was blinded by the sensation his kiss is giving me, para iyong nangingiliti at kinakalma noon ang inis at galit na nararamdaman ko sa puso ko.

Suddenly, I don't feel upset anymore at ang tanging pinagtutuunan ko na lamang ng pansin ay ang mga halik niya.

Tapos ay kusa siyang bumitaw, gusto kong magprotesta pero hulinay hinayaan ko na lang siya. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha habang nakayuko dahil alam kong nakatingin siya sa akin.

Paano ko pa siya haharapin?

Masyado ka, Elijah! Nagluluksa pa iyang puso mo umaarya ka naman!

Ilang saglit pa ay narinig ko siyang nagsalita. "I am here, just trust me."

Hindi ko alam kung paano ako napatango sa mga sinabi niya. Nakita ko na lamang ang sariling pumapayag sa suhestiyon niya na magpanggap kaming dalawa.

Thinking na posibleng makaganti ako kay Ryan while I am letting my heart heal.

"G-gusto mong pumasok?" hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko para yayain siya sa loob. Napakagat-labi pa ako dahil ginusto kong bawiin iyon pero huli na ang lahat.

Mabuti na lang at tumanggi siya kaya sa huli ay hindi na ako nagpumilit.

"I'll see you tomorrow."

"Tomorrow? Anong meron?"

"Your final presentation, remember?"

I was expecting na yayayain niya akong lumabas ulit pero trabaho pala ang tinutukoy niya. Doon ko lang rin naalala na bukas na pala iyo, ang final presentation ng pinapagawa nila sa amin.

Tumango ako para kunwari ay alam ko talaga ang sinasabi niya. Then he kissed me by my forehead at saka nagpaalam na aalis na.

"Goodnight."

"G-goodnight"

Hindi ko na siya hinintay na makasakay muli sa kotse niya. Mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay dahil pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko nang mga oras na iyon.  I can still feel his kiss on my lips, still confuse kung para saan iyon at kung bakit niya ako gustong tulungan.

I was leaning on my closed door when suddenly I heared a few knocks from the outside. Thinking It was nothing, I immediately open the door and to my surprise, Jae is still there. Standing and looking at me with his soft stare.

I was about to ask him kung may kailangan siya pero bago ko pa man magawa iyon ay humakbang na siya mapalit sa akin at saka ako muling hinalikan. At sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa labi ko, he then began to caress me in the face making sweet gestures while doing his thing.

I was shocked at first, but as every second passes by I am beginning to follow his lead. Answering his kisses and letting go of any inhibitions I have at that very moment.

Isinandal pa niya ako sa isinarado niyang pinto matapos pumasok. Hindi ko alam kung paanong niyang nagawa iyon, abala siya sa ginagawa nuya sa akinat abala rin ako sa pagtugong ginagawa ko sa kanya.

Buong ingat niya akong iginiya paupo sa sofa, he's still kissing me at tumutugon pa rin ako, bagay na hindi ko mapigilang ipagtakha.

Alam kong normal ako ngayon at hindi nakainom tulad noong una pero hindi ko lubos maisip kung bakit nagpapaubaya ako sa kanya.

And then he stopped.

He was about to let go of me when I pulled him in and started kissing him first. Naramdaman kong natigilan siya saglit pero nawala rin ang iba pang pagpipigil niya lalo na nang ako na nang maramdaman niyang ayokong tapusin kung anuman ang namamagitan sa aming dalawa.

And as our kiss deepens, I lost control over myself and my being. Nagpaubaya lang ako, I just let him do everything and I allowed him to do everything.

Nasa huwisyo ako at alam ko ang ginagawa ko. Alam ko rin na pagtapos nito ay maaalala ko ang lahat ng nangyari.

Hindi tulad ng nangyari noong una, ngayon ay maalala ko ang bawat detalye. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status