Share

Kabanata 7

Inis na inis si Hailey habang nakaupo pa rin sa upuan ng opisina ni Killian, habang ang binata naman ay halatang tuwang tuwa dahil sa nakikitang itsura ng dalaga.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Hailey na babawiin ng binata ang sinabi nito pero ilang minuto ang nakalilipas ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

Habang ang binatang si Killian naman ay labi ang saya na nararamdaman dahil sa nakikitang reaksyon sa dalaga, alam niya no'ng una pa lang na hindi niya agad mapapapayaga ito pero dahil sa matalino siya ay gagamitin niya ang nalaman niya tungkol sa dalaga kung sakaling hindi ito pumayag.

Maya maya pa ay tumingin ito ng mataman kat Killian. "Seryoso kaba talaga sa sinasabi mo?" tanong nito sa binata

"Do you think I am joking?" sagot naman ng binata

"Bakit ako? Sa dinami dami ng babae riyan na yayain mong magpakasal, bakit ako pa? At paano kung hindi ako pumayag?" seryosong tanong ni Hailey

"It's none of your business! Take it or leave it. Iyan lang ang maooffer ko sa'yo. Ang bayaran mo ako pagkatapos ng tatlong araw o ang pumayag na magpakasal sa akin." sagot naman nito at tumayo sa kanya upuan. "I know you Hailey, alam kung hindi kita mapapayag basta basta sa alok ko at hindi ako ang taong papayag na basta na lang ayawan." dagdag la nito habang nakangisi sa kanya

"W-what do you mean?" utal utal na tanong ng dalaga

"Hmm, let say na may alam akong sekreto mo lalo na ang ginawa mong pamemeke para lang makapasok sa resturant ng tita ko right Hailey Dominique?" nakakalokong turan ng binata

Ilang beses na lumunok si Hailey dahil sa narinig, hindi niya lubos maisip na malalaman ni Killian kung sino ba talaga siya. Ang tagal niyang itinago ang kanyang apelyido para walang makaalam na iba pero sa isang iglap lang malalaman ng binata ng walang kahirap hirap.

Ilang minuto na ang nakalilipas ngunit walang kumibo sa kanilang dalawa, gusto ng sabunutan ni Hailey ang kanyang sarili dahil kung hindi sana siya nagpunta dito ay hindi siya mahihirapan pero wala din naman siyang ibang pagpipilian dahil alam niyang hindi niya matataguan ang isang bilyonaryong kaharap niya.

Mataman niya itong tiningnan. Hindi niya lubos na maisip kung ano ang mangyayari pag naging mag asawa silang dalawa. Malalim na buntong hininga ang kanya pinakawalan.

"Fine, papayag na akong magpakasal sa'yo, but tell me the truth Killian. Alam kung may utang ako sa'yo pero imposibleng 'yon lang ang dahilan mo para yayain ako ng kasal dahil napakaimposible ng bagay na 'yon. Tell me ano ang totoong dahilan?" 

"You don't need to know, ikaw ang may utang at sekretong itinatago kaya dapat sumunod kana lang sa sinasabi ko. Got it?" wika ni Killian

"That's not fair! Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko pa nga lubos na kilala tapos hindi ko din alam ang totoong dahilan? Malay ko ba kung may binabalik kang masama sa akin." aniya ng dalaga sabay yakap sa kanyang sarili na nagpatawa sa binata

"A-anong nakakatawa? Nakadrugs kaba?" dagdag oa ng dalaga.

"Nagtatanong kapa talaga sa akin kung ano ang nakakatawa? Ikaw! Ang dumi ng utak mo hindi ako pumapatol sa flat chested." diretsong saad ni Killian

Halos mamilog naman ang mata ng dalaga sa kahihiyan. "Ang kapal mo din! Hindi ako flat chested, may laman ito kahit papaano." depensa ng dalaga

"Paniwalain mo ang sarili mo, libre naman ang mangarap." pang aasar ng binata at bumalik sa pagkakaupo. "So what's your decission? You know busy akong tao kaya wala akong oras para maghintay." dagdag pa nito.

"Atat lang? Akala mo ba madali lang itong gusto mong mangyari?" taas kilay na anas ng dalaga

"Tou can decline my offer basta magbayad ka sa akin after three days or else mawawalan ka ng trabaho." pananakot sa kanya ng binata at bumalik na ito sa pagpirma ng mga papeles

"Fine!" pagmamaktol ng dalaga

Mabilis naman sumilay ang ngiti sa labi ng binata dahil sa narinig.

"Good decission Hailey." aniya

"I don't have any choice! Basta ipangako mo na walang makakaalam kung sino talaga ako." 

"No problem with me, kagaya ng sinabi ko pumayag ka lang magpakasal sa akin at safe ang sekreto mo. Hindi ko ilalaglag ang sarili kung asawa." seryosong turan ng binata

Saglit na napatigil naman si Hailey dahil sa narinig mula sa bibig ng binata. Ngunit mabilis niya rin agad iwinakli sa kanyang isipan 'yon at pinapaalala sa sarili na walang patutunguhan ang lahat ng 'to.

Maya maya pa ay may kinuha na isang folder si Killian at inilapag ito sa kanyang harapan.

Kumunot naman ang kanyang noo at tumingin sa binata na wari'y nagtatanong.

"Open it." maiksing turan ni Killian

Sinunod naman agad ni Hailey ang sinabi nito ay binuksan ang folder at kinuha ang laman nito. Tumabad sa kanya ang isang papel na may nakasulat na Fake Marriage Contract.

"P-para saan naman ito?" naguguluhang tanong ni Hailey

"As you can see, niyaya kita to have a fake marriage. Kaya pinagawa ko iyang kasunduan." sagot nito. "Makakuha ka ng pera sa akin as payment para sa pagpapanggap natin at pagkatapos ng fake marriage ay hindi na tayo magkikita o mag uusap pa." dagdag nito

Noong una ay hindi pabor si Hailey sa usapang pera na sinasabi ng binata dahil ayaw niyang ibaba ang kanyang dignidad pero iniisip niya rin na malaking tulong na din 'yon sa kanya kaya kailangan niyang maging praktikal.

Pinakatitigan niyang mabuti ang mga nakasulat sa kontrata at maayos naman ang lahat maliban lang sa isang nakasulat doon.

"B-bakit kailangan pa akong tumira kasama ka? Hindi ba pwedeng doon na lang ako sa apartment ko?" tanong nito

Umiling naman ang binata. "Saan ka nakakita ng mag asawa na magkaiba ng bahay? At isa pa mas mabuti na 'yon para masigurado kung hindi ka tatakas sa kasunduan." sagot naman ni Killian

"Anong akala mo sa akin walang isang salita? Psh!" turan naman ng dalaga at ibinalik ang tingin sa papel na hawak

Nang makasiguro siyang maayos naman ang nakasulat doon at walang magiging problema ay nagpasya siyang pirmahan na ang kontrata.

Pagkatapos niyang pirmahan ito ay ibinalik niya sa loob ng folder at ibinigay kay Killian.

"Siguro naman hindi mo ako papakialamanan sa mga gusto kung gawin diba?" tanong niya sa binata

"Wala naman akong pakialam sa kung anong gusto mong gawin pero siguraduhin mong maayos ang pagpapanggap mo sa tuwing magkasama tayo para walang makaalam na pagpapanggap lang ang lahat at isa pa huwag kang magkakamaling dumihan ang pangalan ko." seryosong habilin ni Killian na sinang ayunan naman ng dalaga.

Maya maya pa ay nagpaalam na si Hailey na uuwi na dahil may mga gagawin pa siya at tango lang naman ang sinagot ng binata sa kanya.

'Napakaungentleman naman nito, hindi man lang ako hinatid. Anong klaseng asawa ito. Psh!' bulong niya habang papalabas ng opisina.

'Duh! Asawa agad? Hindi pa nga kayo kasal nagfefeeling kana agad. Fake marriage lang 'yan - kontra naman ng isip niya

Padabog na naglakad si Hailey palabas ng opisina ng binata at diretsong sumakay sa elevator pero laking gulat niya ng makita si Killian nakasunod sa kanya.

"A-anong-----" hindi na natapos ni Hailey ang kanyang sasabihin dahil pumasok na din ito aa elevator at tumabi sa kanya

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan narinig ata ni killian kung ano ang binubulong mo hailey
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status