Share

Prologue

Best friend 

Nakakahilong ilaw na panay ang patay-sindi, mga usok na galing sa mga sigarilyo, nag sisigawang mga tao habang sumasayaw at ang nanghihinang aircon sa club.

Dito ako nag tra-trabaho bilang isang waitress. Dalawang taon na akong nag tra-trabaho dito.  Wala ehh hindi naman ako nakatapos ng pag aaral kaya wala akong makitang medyo marangal na trabaho. 

Hindi naman sa sinasabi kong hindi marangal ang pagiging waitress, pero kasi kahit na waitress kalang sa club ay iba na ang tingin ng ibang tao sayo.

Wala na akong mga magulang dahil namatay na sila 3 years ago dahil sa isang aksidente na hindi parin na lulutas hanggang ngayon. Sabi naman ng ate ko ay sya na ang bahala dun dahil wala naman akong maitutulong dahil nga hindi ako nakapag tapos ng pag aaral. 

at ang dalawang kapatid ko naman ay may sari- sarili nang buhay, kaya naman ayokong umasa sa kanila

Maraming beses  ko na rin sinubukang mag apply bilang isang secretary ngunit kailangan ay naka pagtapos ka kaya hindi ako na tanggap.

Sinubukan ko rin mag apply ng janitres ngunit kulang naman ang makukuha kong sweldo doon dahil umuupa ako sa isang apartment.

" AIRI!!  Hatid mo to sa table 7" Napatigil naman ako sa pag iisip ng may tumawag ng pangalan ko. Tumayo naman ako sa inuupuan ko at pumunta sa counter tsaka kinuha ang order ng table 7

"Hatid mo na yan love! May hahatid kapa sa table 2" sabi ni Renz at kinindatan ako. Bartender namin. 

Best friend ko yan si Renz at sanay na ako sa pag tawag nya sakin. Sobrang joker nito ni renz at sya lang ang nag papagaan ng loob ko kapag sobrang pagod ako dahil sa trabaho.  Iisa lang din ang building na unuupahan namin kaya sabay na kaming umuuwi minsan. 

Nginitian ko naman sya bago pumunta sa table 7 para ihatid ang order nila 

" Here's your order mga sir"  nakuha ko naman ang atention nila at nilapag ko na ang mga order nila sa table nila

" Mag kano ka miss? " tanong ng isa sa kanila na naka black v-neck .

" Sorry sir, but waitress lang po ang trabaho ko dito. Pero pwede naman po akong mag tawag ng ibang kasama ko para jan." saad ko sa kanila habang naka ngiti "Thank you sir!" sabi ko at umalis, ngunit nagulat naman ako ng biglang may humawak na mahigpit sa kamay ko. pinigilan akong umalis. Kaya naman wala na akong nagawa at hinarap ko kung sino man yun.

"Wag kanang pakipot miss! Sisiguraduhin ko naman na mag eenjoy ka rin at do-doblehin ko yung bayad. Just name your price " aniya habang naka ngiting nakakaloko.

" Don't worry miss my friend is really good about that, he won't disappoint you" sabi naman ng isang lalaki na naka gray T-shirt

"Sir tatawag nalang po ako ng mga nagtra trabaho para jan" sabi ko at sinubukang alisin ang pag kakahawak nya sa kamay ko ngunit lalo nya lamang itong hinigpitan.

"Ehh ikaw nga gusto ko! " pamimilit nya pa.

"Mang Lando!! " pasigaw kong tawag sa isa sa mga bouncers namin.

" Hey stupid girl this is opportunity!" pagalit na saad nya sakin. Maya maya naman ay dumating na si mang lando kaya binitawan na nya ako. Tinignan ko naman sya ng masama.

"IKAW ANG BOBO!! " pasigaw na sabi ko sa kanya bago umalis. Hindi ko na muli sila nilingon para makita kung anong reaction nila. Wala na akong paki kahit costumer sila nohh!  

"Love ok ka lang?  Sinaktan kaba nila?" Pagkadating ko sa counter sinalubong agad ako ni renz at nag aalalang nag tanong.

"Ok lang ako.  Buti nga dumating agad si mang lando ehh kundi baka kung ano na nangyari sakin. " saad ko at umupo sa upuan ng counter kaharap nya.

"buti nalang talaga dumating si mang lando. Teka, sabay ulit tayong umuwi mamaya huh! " 

" Lagi naman ehh hahaha. Saan na pala yung para sa table 2?" tanong ko sa kanya nung maalala ko na may isa pa pala dapat akong ihatid.

" Kay dana ko nalang pinahatid, ayoko kasing mapagod ka masyado ehh" aniya na kinatawa ko naman.

"Kahit kelan sira ka talaga! " saad ko at hinampas sya sa braso.

"Hoy tama na masakit! " aniya kaya natawa ako.

"Bagay lang sayo yan Hahaha" saad ko at nag tawanan kami hanggang sa meron muling om-order at ako ang nag dadala sa kani-kanilang table.

Dumating na ang oras ng uwian at nakita ko si renz na hinihintay ako habang naka sandal sa gilid ng pintuan. Pag kakita nya sakin ay ngumiti agad sya at sinalubong ako.

"Tara na love " aya nya sakin at kinuha naman ang gamit ko tsaka kami nag lakad palabas. 

Tahimik lang kaming lumabas dahil madaling araw na rin at pagod talaga kami dahil sa trabaho.

" Kumapit ka sakin love" aniya nung sumakay na ako sa motor nya. Ginawa ko naman kung ano ang sinabi nya tsaka pinaandar nya na ang motor para umuwi.

Sobrang swerte ko kay renz dahil lagi syang nanjan kapag may problema ako. Tsaka hindi ko na kailangan mamasahe para sa pag uwi o pag pasok sa trabaho dahil lagi nya akong sinasabay gamit ang motor nya.

Nang makarating na kami sa labas ng apartment  ay huminto na sya at bumaba na ako.  Hinintay ko naman sya hanggang sa mai-park nya ng tama ang motor nya.  Pagkatapos nyang masiguradong ayos na ang lahat ay lumapit na sya sakin at Hinuha ang gamit ko at sya ang nagbitbit nito. 

Sa third floor ang room ko habang ang kanya naman ay sa second floor, pero kahit na ganun ay hinahatid nya parin ako hanggang sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

"Good night Reid " saad ko ng makarating na kami sa tapat ng kwarto ko. Kinuha ko naman na ang mga gamit ko sa kanya bago pa makalimutan

"Goodnight Love!  Bukas huh sabay ulit tayo! " aniya 

" Sge² mag pahinga kana dun at mag papahinga na rin ako" saad ko sa kanya habang naka ngiti kaya naman nginitian nya rin ako bago sya umalis, ngunit humarap ulit sya kaya naman hinintay ko kung anong sasabihin nya.

" I love you Love! " aniya, kala ko nakalimutan nya na ehh.

" I love you too renz" saad ko habang natatawa. Pati sa part na yan ay sanay na rin ako.  Kasi alam ko naman na parang kapatid na ang turing nya sakin at ganun din ako sa kanya.  

Pumasok na ako sa kwarto ko at binuksan ang ilaw tsaka ko nilagay ang mga gamit ko sa table na katabi ng kama ko. Nag pahinga muna ako saglit bago mag linis ng katawan.

Pagkatapos ko mag linis ng katawan ay humiga na ako sa kama at tumitig muna sa ceiling . 

"Kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit naaksidente ang mga magulang ko ay sisiguraduhin kong mag babayad sila o sya! " mariin kong saad. 

"Bibigyan ko ng katarungan ang pag kamatay nila" pangako ko sa sarili dahil kahit anong mangyari ay hinding hindi ko kakalimutan ang pangakong yan. 

Mabait ang mga magulang namin.  Si mama ay nag tra trabaho bilang isang secretary at si papa naman ay driver. Halos lahat ng  ka trabaho nila ay sinasabing mabait at matulungin ang mga magulang namin.

Kaya naman sobrang nag tataka kaming magkakapatid at nagagalit sa walang pusong tao ang gumawa nun sa mga magulang namin.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status