I have so many questions, confusions lately. Hindi ako natutuwa na ganito ang nangyayari sa buhay ko. I thought my life would go through smoothly. I wasn't expecting this to become so full of obstacles.
One question leads to two or more, like it's a continuous growth of tree branches. Why does my family hate me? Why does he hate me? Is there a common denominator I should find out?But, what did I do for all these to happen? What? Am I a bad person? Have I committed a sinful thing to all of them at once? Like hitting two birds in one stone?Which is it? What was it?Kung nakakalunod lang ang mga tanong, matagal na akong patay at hindi humihinga. Kahit sa simpleng dinner lang na ito, marami na agad akong katanungan na nagre-resurface. And I need answers!Imbes na dumiretso sa tabi ni Creed na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Athena, dumiretso muna ako sa kabisera kung nasaan nakaupo si Papa. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at nagmano. Wala siyang naging kibo sa ginawa ko kaya lumapit na ako kay Mama na nasa parteng kanan niya at katabi ni Athena. Katulad kay Papa ay wala rin siyang naging reaksyon at pinaghahain na niya ang plato ng kapatid ko na para bang wala itong sariling kamay at hindi kayang pagsilbihan ang sarili.Sanay naman na ako na ini-ignora ako nang ganito ng pamilya ko, pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit.Sinulyapan lang ako ni Papa nang maupo ako sa kaliwang parte niya, tapat ko si Mama. Wala siyang kahit na anong sinabi nang magtama ang mga mata namin, bagay na sadyang nagpabigat ng damdamin ko.Patuloy lamang siyang kumu-kunsulta kay Creed, pinapahiwatig na na kay Creed lang ang interes niya. Hindi sa akin na anak niyang matagal na nawalay sa kaniya.Nabaling ang tingin ko kay Mama na lihim na nakikipag-bulungan kay Athena habang umuusal ng mga papuri at pagkamangha kay Creed. Hindi naman rinig ang mga pinaguusapan nila, pero halata namang iyon ang topic dahil titig na titig silang parehas kay Creed.Hindi talaga ako pinansin ni Mama, at nakita ko pa kanina ang palihim niyang pagpunas ng kamay nang hawakan ko iyon para magmano. Nangunot lang ang nuo ko doon, pero sa loob-loob ko ay ang sakit-sakit na. Bakit ba? May sakit ba akong nakakahawa? Madumi ba ako? May alam ba sila sa akin na hindi ko alam?Nang sa tingin ko ay naubusan na ng sasabihin si Papa at nagsimula na siyang kumain talaga nang tuloy-tuloy, 'tsaka naman nakahanap si Mama ng tiyempo na ulanin naman ng mga tanong si Creed. Na para bang napakatagal na ng panahon na huli silang nagkita at napakarami talaga nilang kailangang pag-usapan."Do you have plans to... err..." Bahagya pa akong sinulyapan ng tingin ni Mama. "Marry my daughter?"Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang bahagyang pagkakatigil ni Creed sa upuan niya. Nanatili din sa ere ang kutsarang hawak niya, na para bang hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon ni Mama.Right. Why would he?"Mama..." Tawag ko sa kaniya, pero hindi man lang niya ako nilingon. "Mama, wala pa po 'yan sa isip namin ni Creed. Pwede po bang huwag na lang po muna natin 'yan pag-usapa-""If not, hijo, I say you choose Athena. She deserves you more than..." Sinulyapan ako ni Mama, kumpletong ini-ignora ang sinabi ko. "My other daughter."Her other daughter? I'm an other daughter now?Gusto kong tumawa. Gusto kong itawa 'yung sakit. 'Yung gulat. 'Yung pagkalito.Hindi nakasagot si Creed sa sinabing iyon ni Mama. Bumaba na lang ang tingin ko sa aking plato at napakagat sa aking labi. Ang sakit. Sobrang sakit. Nangingilid na ang mga luha ko, but I was able to suppress it."We are not really discussing about such, Mom. And me marrying Ataisha should be a surprise. I don't think I should tell it to anyone just yet."Anong sinasabi ni Creed? Hindi niya ako tinatanggi? Akala ko ba, ayaw na niya sa akin? Akala ko ba, may babae siyang iba? 'Yung babae sa bahay.Ano 'to ngayon?Is he seriously still considering me to be his bride, to become his wife?"Oh." Namilog ang bibig ni Mama na para bang nagulat siya doon. "Of course, hijo! Haha. Don't mind me. Pero..." Naglandas ang tingin ni Mama mula sa aking leeg pababa. "May laman na ba kaya ka naii-stuck sa relasyong 'yan, hijo?"Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Mama. Gusto kong sumuka. Gusto kong mahimatay. Gusto ko na lang mawala. Naghalo-halo na lahat ng pakiramdam ko. Hiya para kay Creed na kahit minsan ay hindi ako tinrato na katulad ng iniisip nila. He never touched me, at mukhang wala naman kasi talaga 'yon sa isip niyang dapat niyang gawin."I strongly believe that the deed should be done with love and pleasure between two married people. We are not married yet, so any inappropriate advances towards your daughter committed by me is an act of sexual harassment."Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Creed. Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya kay Mama. Kaya pala kahit noong sinabihan ko siyang okay lang sa akin ay tumanggi siya. Iyon pala kasi talaga ang pananaw niya sa buhay.Marami akong kaibigan na lalaki, at walang ni isa sa kanila ang narinigan ko ng gano'ng pananaw. Usually at karamihan talaga sa kanila, mas gustong 'natitikman' muna ang babae. Baka raw kasi pagsisihan nila at wala na silang kawala dahil kasal na sila.Sa gitna ng lahat ng sakit at pagkalito, heto ako't lalong nahuhulog sa kaniya. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay naramdaman ko ang pagbalot ng mainit na pakiramdam sa puso ko.Nang matapos kaming kumain, kaagad na kumapit si Athena sa braso ni Creed."Tara, Kuya! May ipapakita ako sa'yo sa kwarto ko. Okay lang naman siguro kay, Ate." At sinulyapan niya ako. "'Di ba, Ate? Okay lang sa'yo?"Sasagot na sana ako na hindi pwede, pero nauna na sa akin si Mama."Oo naman, Athena. Go!" At bahagya pang minu-muwestra ang kamay na parang tinataboy na silang dalawa para magkasama na sila nang sila lang.Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. Hindi ko na sinulyapan ang mga magulang ko dahil nasasaktan lang ako na kinakaya nilang ganituhin ako. Umaakto silang parang wala lang ako doon. Na hindi ako nag-eexist.Nang mailapag ko sa lababo sa kusina ang plato ko, bahagya lang na yumuko ang katulong na naka-toka sa paghuhugas ng mga pinggan. Hindi katulad ng mga katulong sa ibang pamilya, mailap ang mga katulong na mayroon kami. Hindi ka nila kakausapin, parang kasama yata 'yon sa briefing nila nang magsimula sila ng trabaho dito. Hindi ka rin nila titignan mata sa mata. Laging nasa ibaba ang paningin nila kapag hinaharap kami.Kahit noon pa mang bata ako at naka-ilang palit na kami ng katulong, lahat sila ganiyan. Noon ay wala lang 'yon sa akin dahil hindi ko naman pwedeng pakialaman ang pamamahala ng mga magulang ko. Pero ngayon na naranasan ko nang tumira sa ibang bahay at magtrabaho talaga para may ipangkain ako, hindi ko mapigilang maawa sa mga katulong na narito.Malaki nga ang sweldo, ganito naman. Pero siguro nga ay titiisin na lang nila dahil malaki ang perang natatanggap nila.Ilang beses ko nang sinubukang makipag-usap sa isa sa mga naging katulong namin, pero hindi niya ako sinagot at umiling lang. 'Wag ko raw siyang kakausapin at bawal. 'Yon ata ang ibig sabihin noon.Agad kong tinungo ang hagdan papunta sa kwarto ko sa itaas. Kahit papaano ay nami-miss ko rin ang kwarto kong iyon.Nang matapat sa pinto ng kwarto ko, samu't-saring mga alaala ang bigla nalang nagsibalikan sa akin.Pinasadahan ng mga daliri ko ang bookshelf na dating naging sentro ng atensyon ni Creed noong unang beses ko siyang dalhin dito sa bahay. Alalang-alala ko pa ang ekspresyon niya sa mukha ng araw na 'yon. Talagang hindi niya siguro inaasahang may gano'n akong parte sa pagkatao ko.Ilang beses niya akong hiniraman ng libro noon. The books I read interests him, that's why. Hindi naman kasi puro novel lang ang laman ng bookshelf ko, there were non-fiction books as well. I read them whenever I need a breather.Kaya lang ngayon ko lang napansin, blangko ang isang parte ng bookshelf ko. Maraming libro sa parte na iyon. Hiniwalay ko talaga iyon at nilagyan ko pa ng label. Lahat kasi ng hinihiram niya sa akin noon ay lalong nagiging espesyal sa paningin ko dahil nanggaling na sa kaniya.Creed and I'Yon ang label na nilagay ko. It stands for the books both I and Creed had been able to completely finish.Walang ni isang libro ang natira doon. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba.Nanakawan ba ako? May kumuha ng mga librong espesyal sa akin.Nangingilid na ang mga luha ko sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko mapigilang maghabol ng hininga."N-Nasa'n..." Napaluhod ako sa sahig habang nakatitig doon. "Nasa'n na ang mga 'yon?"Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Isa iyon sa mga bagay na nagpapaalala sa akin sa masasayang alalang pinagsaluhan namin ni Creed noon at ngayo'y pati na din ang mga iyon ay nawawala.Isang kalabog ang nagpagulat sa akin. Agad na nalipat ang tingin ko kay Creed na may binagsak na kahon sa sahig sa may bandang pintuan ng kwarto ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya.Nalipat ang tingin ko kay Athena na nasa likod niya at ngising-ngisi sa nakikita."A-Ano 'yan?"Mabagal akong tumayo at pinahid ang mga luha na nagbabadya pa rin sa mga mata ko."You're seriously asking me?" Sinipa niya ang kahon at agad iyong natumba sa harap ko. Lumabas doon ang mga librong pinakaiingatan ko.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Paanong nangyaring nariyan ang mga 'yan? Dito ko 'yan huling nilagay!"Athena told me everything, Ataisha. Hindi ka na makakapagsinungaling pa.""H-Ha?" Nanatili sa mga libro ang paningin ko. Basa ang mga iyon at nangangamoy gasulina. Lalo kong naramdaman ang pagbabadya ng mga luha ko.Anong nangyari sa kanila? Bakit ganiyan na ang lagay ng mga 'yan?"Athena said you dumped these outside. Muntik na raw makuha ng basurero kung hindi lang niya napigilan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Creed. Pero wala akong ginagawang gano'n! Bakit ko itatapon? Hindi ko 'yon magagawa!"C-Creed... I didn't-""Was it because I borrowed them? Kaya gusto mong itapon? Tangina, Ataisha." Galit niyang pinasada sa buhok niya ang mga daliri niya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya sa galit. "You want to dump them, don't worry. Ako na ang nag-adjust. Sinabuyan ko na 'yan ng gasulina, ikaw na lang bahalang sindihan 'yan. Then bury it after, I don’t fucking care anymore."Nanatili akong titig na titig sa mga librong iyon habang napapakinggan ko ang mga malalalim na paghinga ni Creed, senyales na galit talaga siya. Nakita ko pa ang librong binigay niya sa akin noong 8th monthsary namin.Dahan-dahan kong pinulot ang librong iyon mula sa mga librong nagkalat sa sahig ng aking kwarto. Basang-basa iyon at mabaho ang amoy, masakit sa ulo.Ininda ko ang hindi magandang epekto ng gasulina sa akin at binuhat ang libro nang may pag-iingat. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig doon.Ang sakit at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay galit ang mundo sa akin at pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao. Na kahit ang pinakamalalapit sa akin at mga mahal ko sa buhay ay pinagkakaisahan rin ako.Nanatili akong ganoon, nakayuko't nakaluhod habang tahimik na lumuluha. Niyakap ko ang libro habang pilit na iniisip kung ano ba ang ginawa ko sa buhay ko para maging ganito kasaklap ang pagdadala nito.Isang malamig na kamay ang madiin na pumisil sa
Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek."Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng
Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have
Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong itanong iyon."Saan pa ba?" Tanong niya na para bang ang tanga-tanga ko para itanong pa iyon. "We're going home." Nanahimik nalang ako, takot na baka lalo ko siyang magalit kung magsasalita pa akong muli. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at napakagat sa aking labi.Sobrang sakit na."Saan tayo pupunta nanaman, Creed?" Tanong ko habang inaayos ang mascara ko sa maliit na salamin sa harap ko.Niliko niya muna ang sasakyan pa-kaliwa bago niya ako nilingon. "Guess where, baby?""Guess where ka diyan." Umirap ako, natawa naman siya dahil nahuli niya pala. "Saan nga!"Sasakmalin ko na'to. Kung 'di ko lang mahal, e.Bahagya kong natigil ang pagma-mascara nang maramdamang lumapat ang labi niya sa siko kong nakaangat sa ere. "Just any guesses will do, baby.""Tch!" Siniringan ko siya. "Wala akong alam. Saan nga?""Sa puso mo kasi 'yon, baby."Nangunot ang nuo ko. "Anong puso ko? Napra-praning ka nanaman diyan, Creed.""Sa puso m