Salamat po sa lahat ng nga sumusuporta at sa mga nag iintay ng update. I love you all🫶
29Nakarating kami sa lugar nila Misha, agad naming ipinagtanong kung saan ang kanilang bahay. Malapit sa dagat ang mga kabahayang pinagtanungan namin at rinig na rinig ko ang alon na humahampas sa dalampasigan."Tsk, hindi niyo naman sinabi na ganitong lugar pala ang pupuntahan natin." Nagmamaktol na sabi ni Sir Xyver, nakasoot pa kasi ito ng pang opisina kaya halos siya ang pinagtitinginan ng mga taong nadaraanan namin.Pare pareho naman kaming natawa dahil sa sinabi niya."Sana kasi nagtanong ka." Pang aasar naman dito ni Sir Kyros. Napailing na lamang si Lucian at Sir Helios.Tatlong sasakyan ang ginamit namin. Magkasama kami ni Lucian sa kotse niya, si Jessie at Kyros naman ang magkasama. Samantalang kasama naman sa kotse ni Shiela sila Sir Helios at Sir Xyver. Ayaw niya raw sumabay sa amin dahil baka masuka lang daw siya. Tinawanan nga lang siya ni Jessie kanina."Dito na ata iyon." Sabi ni Jessie ng marating namin ang tapat ng bahay na itinuro sa amin. Isa itong tipikal na baha
30Hanggang sa makarating kami sa bahay ng magulang ni Misha ay hindi na ako kinibo ni Lucian, mukhang napikon nga talaga siya dahil sa biro ko kanina. "Tay, andito na kami. May mga kasama nga pala ako." Kita ko ang saya sa mukha ni Misha kaya naman napangiti ako."Magandang tanghali po." Bati ko sa kanila, nagmano ako sa magulang ni Misha. Nang makita iyon ng aming mga kasama ay agad din nila iyong ginawa saka bumati sa mga ito.Napatawa naman si Misha at Sir Darius dahil doon."Hindi mo naman sinabi Misha na may darating ka palang bisita." Sabi ng nanay nito.Napatikhim naman si Jessie bago umimik."Nagpagpasyahan po naming isurprise itong kaibigan namin Inay Iska.""Hay nako, kayo talagang mga kabataan. Tingnan mo itong anak ko, sinurprise din kami sa pag uwi niya. " Tumatawang sabi ni Nanay Iska, napasimangot naman si Misha dahil doon."Si nanay talaga." "Aba, natuwa pa nga ako noong sinabi mong buntis ka. Akala ko ay hindi na ako magkakaapo sa iyo Misha." Nasamid naman pareho
31Nagulat na lang ako sa mga sunod sunod na tawag at chat ni Mildred ng magbukas ako ng aking cellphone.From:MildredLyrica? Anong nangyari sa inyo diyan ni Marco? Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Marco?Lyrica? Nag away ba kayo?Lyrica? Magreply ka naman. Nag aalala kami kay Marco. Hindi niya kami pinapansin.Lyrica, ano bang pinaggagagawa mo? Inaway mo ba si Marco? Nakaluwas ka lang ng Maynila sisirain mo na ang pagkakaibigan natin. Magreply ka naman. Ikaw ang magpaliwanag dahil hindi namin makausap si Marco.Mapait naman akong napangiti. Tinawagan si Mildred."Mabuti naman at naisipan mo ng tumawag. Ano bang nangyari sa inyo ni Marco? Inaway mo ba siya?" Tanong sa akin ni Mildred."Hindi naman kami nag away Mil, nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan. Sinubukan ko naman din siyang kontakin kaso hindi niya ako sinasagot." Malumanay na sabi ko."Ano ba kasing ginawa mo? " Paangil na sabi nito sa akin."Mil, sa chat mo pa lang sa akin kanina ay iniisip mong a
32Nasaan na kaya iyon? Hindi ko pwedeng mawala iyon. Hinalungkat ko na lahat ng gamit ko ngunit hindi ko pa rin makita ang litratong ibinigay sa akin ni Nanay Lucing. Hindi ko naman maalalang tinanggal ko iyon sa aking wallet. Bago kami umuwi kaninang umaga ay naririto pa iyon. Inabot rin kami ng ilang araw sa Batangas dahil ayaw pang umuwi ng mga kaibigan ni Lucian."Hey, Lyrica? Anong hinahanap mo? " Nagtatakang tanong sa akin ni Jessie."Yung litrato sa pitaka ko Jes. Nawala kasi e, hindi ko maalala kung tinanggal ko ba iyon dito." Namomoroblemang sabi ko."Huh? Paano naman iyon mawawala kung nasa wallet mo naman? " Nagtatakang tanong niya."Ayun nga rin ang iniisip ko, kumpleto naman ang laman. Yung picture lang talaga ang nawawala. " "Baka namisplace mo lang Lyrica. Halika na, kumain muna tayo. Mamaya tutulungan ka namin ni Shiela maghanap." Tumango na lamang ako at saka sumunod sa kanya.Habang kumakain ay sunod sunod na tumunog ang aking cellphone. Tinapos ko muna ang pagkai
33THIRD PERSON'S POVPumasok sa VIP 002 si Xyver at Shiela."Gago ka Helios, anong ginawa mo kay Lyrica?" Nagtatakang tanong dito ni Shiela."Oo nga, inaano ka ba niya? " Padaskol namang naupo si Xyver sa sofa na naroroon."Huwag mong sabihing type mo rin si Lyrica? Matagal ko ng napapansin ang kakaibang titig mo sa kanya. Alam kong napakabait ni Lyrica but your friend like her, remember? " Tanong ni Shiela habang nagsisindi ng yosi niya. "The fuck people, I don't like her. Here, nakita ko iyan sa wallet niya. " May inilabas na litrato si Helios mula sa kanyang wallet."He's...""Yeah, kaya iniisip ko kung bakit na sa kanya ang litratong iyan.""Baka hindi talaga siya ganun kabait Shiela." Nakangising sabi ni Helios."Sa ilang buwan kong kasama siya sa bahay, masasabi kong she's really like that. Walang halong pagpapanggap Helios." Umirap pa si Shiela kay Helios bago nagbuga ng usok."Wait, baka iyan yung litratong hinahanap niya kanina sa bahay. Bakit sobrang importante niyan sa kan
34"Lucian...""Lyrica, anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? May nanakit ba sa iyo? C'mon, tell me darling." Niyakap niya ako ng makalapit ako sa kanya."Payag na ako Lucian, wala ka pa namang nahahanap na mapapakasalan di ba? Payag na ako Lucian. Tulungan mo lang ako Lucian, please. Si tatay nasa ospital ngayon at kailangan niyang maoperahan. Please Lucian, tulungan mo ako. Pangako gagawin ko lahat. Wala na akong malalapitan. " Umiiyak na sabi ko sa kanya, halos lumuhod na ako sa harap niya dahil sa sobrang pag iyak at panghihina."Sshhh, don't cry Lyrica. Calm down. Tutulungan kita, okay? Huminahon ka..." Inalo ako ni Lucian hanggang sa kumalma ako. "Huwag na muna nating pag usapan ang deal, Lyrica. Magpahinga ka muna, pinapaasikaso ko na kay William ang pambayad sa ospital. Kapag may sapat ka ng pahinga, uuwi tayo sa inyo para bisitahin ang tatay mo." Tumango lamang ako sa kanya."Maraming salamat Lucian. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung tinanggihan mo pa ako." Naiiling
35"Ate Lyrica." Tumayo si Annika mula sa kanyang pagkakaupo at patakbong lumapit sa akin."Annika, kumusta si Tatay?" "Naipasok na siya sa operating room kanina Ate." Umiiyak na sabi nito."Huwag ka ng umiyak, magiging maayos na rin si tatay." Pag aalo ko rito. Tumayo rin si Boyet at saka bumatin sa akin. Si Ate Cynthia naman at kuya Roy ay nakatingin lamang sa amin.Lumapit kami sa kanila."Ang bilis niyo namang nakarating Lyrica? " Nagtatakang sabi ni Ate."Uhm kasi ate...""Pinahiram kami ng kaibigan ko ng helicopter." Pormal na sabi ni Lucian sa mga ito."Sino iyang kasama mo Lyrica?" Tanong agad sa akin ni Kuya Roy."Si Lucian po kuya. Lucian, siya ang kuya Roy ko at si Ate Cynthia." Hinagod naman ito ng tinging ng dalawa."Magandang hapon, I'm Lucian Drivas. I'm Lyrica's boyfriend."Para naman akong nasamid sa sarili kong laway habang si Annika at Boyet ay nakakanganga lamang sa aming dalawa habang palipat lipat ng tingin."Boyfriend?""Wala namang naikwento sa amin si Lyrica
36"Uh, pasensiya ka na sa bahay namin Lucian.""Its fine darling.""Tita! " Sumalubong agad sa akin si Bingo at saka yumakap, sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kapatid."Mga pamangkin ko. Oh, mag hi kayo kay Tito Lucian ninyo. Rico, halika." Pag aya ko sa anak ni Kuya Roy. Hindi kasi ito nalapit sa akin dahil na rin siguro sa ayaw ni kuya Roy. Tumingin ito sa kanyang ina na parang nahingi ng permiso. Tumango lamang si ate Mila kaya agad naman itong lumapit sa amin."May pasalubong kami sa inyo ni Tito Lucian ninyo." Si Lucian na ang nagbigay ng binili naming pagkain sa isang sikat na fastfood chain. Tuwang tuwa naman sila Bingo kaya natawa na lamang ako. Sa tagal na kasi nila dito sa bahay ni Tatay ay ngayon lang ako nakabili nito. "Ate Mila, kumain na rin po kayo.""Sige Lyrica, salamat." Ngumiti lamang ito sa akin. Maayos naman makitungo si Ate Mila sa akin. Hindi niya lamang ako masyadong pinapansin kapag naririyan si Kuya Roy dahil inaaway siya nito."Ate, nalinis na namin