Share

CHAPTER 38

" Ako pa lang ang maghahapunan? " takhang tanong ni Venice saka tumingin sa puwesto niya sa lamesa. " Nasaan sina Mamà at Papà? "

" Kayo pa lang po ni Señorita Lucine ang tao dito sa mansyon. Wala pa po ang Don at Doña. Wala pa rin po dito ang inyong asawa, " sagot ng kasambahay habang hinahanda ang putahe sa mesa.

Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay naninibago ang tainga niya kapag naririnig ang salitang asawa. Wala naman siyang nararamdaman kundi kalituhan, pagkailang at kakatwang pakiramdam. Hindi rin niya alam kung dapat ba siyang masanay.

" Gusto niyo po bang tawagin ko ang Señorita sa itaas para may kasalo kayo—"

" Mukha bang gusto ko siyang kasabay? " tanong niya at napatungo na lamang ang kasambahay bago humingi ng tawad sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya. " Mas gusto ko ang kumain mag isa. "

Sa nangyari kaninang umagahan, batid niyang hindi na magkakaroon ng kapayapaan ang hapag kainan. Sa pagtira pa lamang ni Lucine dito sa mansyon ay hirap na siyang guma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status