Share

CHAPTER 40

Limang taon na ang nakalilipas subalit ang lahat ay malinaw pa rin sa matandang babae na nag ngangalang Cecilia. Ang nangyaring sunog sa mansyon at ang naging bunga nito. Bawat detalye ng kaganapan sa nakaraan, hindi niya malilimutan sapagkat dito niya naranasan ang kabayaran sa lahat ng mga ginawa niya sa taong tumulong sa kaniya subalit nagawa niyang talikuran dahil sa pera.

" Baba na, " sambit ng taong nagbukas ng sasakyan. Maangas ang dating nito, hindi kagaya kanina na animo'y isang tuta na maamo.

Sumunod siya sa sinabi nito at bumungad sa kaniya ang isang lumang gusali. Napapalibutan ng bandalismo ang halos lahat ng dingding at ang ilan sa mga salamin ay basag-basag na.

" Sige, lakad lang. Wala hong multo diyan sa loob, " pagbibiro ng lalaking isa sa mga sumundo sa kaniya saka siya marahang tinulak-tulak papasok sa loob.

Ipinagsaklob niya ang parehong kamay, lihim na nagdarasal para sa kaniyang kaligtasan. Mayroon na siyang ideya kung anong naghihintay sa kaniya sa dulo nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jason Miraballes
update po pls....ang ganda na po eh..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status