Share

CHAPTER 47

Halos lumipad na sa pagmamadali si Victoria sa pasilyo patungo sa opisina ng kaniyang asawa dahil sa labis na pag-aalala matapos makarating sa kaniya ang balitang may nagtangka sa buhay nito kaninang umaga.

" Mahal! " ang bungad niya nang buksan ang pinto ng opisina nito.

Napahinto sa pag uusap sina Logan at ang mga kaharap nitong tao. Nagulat sa biglang pagdating ng Doña na maluha-luha dahil sa takot at pag aalala sa asawa.

" Mamaya na lang natin ituloy ang diskusyon. Iwanan niyo muna kami, " ani Logan sa mga kausap niya na agad ding lumabas upang sundin ang sinabi nito.

Mabilis na lumapit si Victoria sa asawa na natatarantang sinusuri ang bawat parte ng katawan nito kung mayroon bang tama ng baril. " Mahal ko, a-ano bang nangyari? Kararating lang saakin ng balita tungkol sa pagtatangka sa buhay mo kanina sa ibaba. Kumusta? Ayos ka lang ba? "

" Victoria, huminahon ka. Ayos lang ako at wala akong tinamong kahit na ano, " ani Logan.

Nakahinga nang maluwag kahit papano si Victoria.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status