Share

CHAPTER 53

Tila nakadikit na ang paningin ni Lucine sa isang purselas na iniregalo ni Amadeus sa kaniya. Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang mga regalo na kaniyang natanggap at ang kumuha agad sa atensyon niya ay ang purselas na batid niyang pinasadya dahil nakaukit ang kaniyang pangalanan dito. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong isuot o itago na lamang. Masyado nang malalim ang balon, hindi niya nais na lumubog pa dahil baka hindi na siya makaahon pa.

" Lucine? " Napaangat ang tingin niya sa pinto nang marinig ang boses ng ama na kumakatok. " Gising ka pa ba? "

Niligpit niya muna ang mga regalo na nasa ibabaw ng kaniyang kama bago pagbuksan ng pinto ang ama.

" Bakit po? " tanong niya.

" Ah, puwede ka bang makausap saglit? "

Segundo ang tinagal bago siya humakbang palabas ng pinto. Isinara niya ito at sumunod sa ama na nagsimulang maglakad sa pasilyo.

" Humihingi ako ng pasensya sa nangyari kaninang umaga, " panimula nito, " Alam kong mali ako na hindi ko agad sin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status