Share

CHAPTER 56

Mula sa labas ng silid, tanaw ni Hugo ang kaniyang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang bisita. Kita niya ang galak sa mga mata nito na ngayon na lamang ulit lumitaw. Matagal na itong nakakulong sa silid at hindi magawang kumilos nang walang tulong ng iba. Minsan lamang din itong makakita ng ibang tao kaya ganito na lang ang pagkasabik nang malamang ngayong gabi ang pagdating ng dalagang ipagkakasundo nila sa kanilang unico hijo.

" Papà. " Napalingon siya sa kaliwang bahagi ng pasilyo nang marinig ang boses ng anak. " Puwede ko ho ba kayong makausap saglit? "

Batid na ni Hugo kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan. Binalik niya ang tingin sa silid kung saan naroroon ang asawa at si Lucine na nakikinig sa mga kuwento nito bago siya naglakad palayo patungo sa salas. Kasunod niya ang anak na nag ipon ng lakas ng loob bago mag desisyon na kausapin ang ama.

" Ano ba ang gusto mong sabihin? " tanong ni Hugo saka naupo sa sopa at inangat ang tingin kay Claude.

" Gusto ko po
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status