Share

CHAPTER 59

" Don Banville, may ilan pong media ang nasa labas ngayon ng kompanya. Mukhang wala po silang balak umalis hanggat hindi kayo nakakapanayam, " hayag ng sekretaryo ni Logan. " Nakahanda na rin po ang inyong sasakyan sa main entrance kung saan nag aabang ang mga media. Kung gusto niyo po, sa likod po tayo—"

" Hayaan mo sila, " ani Logan habang inaayos ang kaniyang kurbata sa harap ng salamin. " Wala naman akong dapat katakutan sa mga taong 'yon. Hindi ako duwag para magtago sa kanila. "

Simula noong lumabas ulit ang eskandalo na kinasasangkutan ni Logan, hindi mawala-wala ang ilang mga medya na gustong hingin ang opinyon niya. Kadalasan ay ang kaniyang abogado ang humaharap sa mga ito para linawin ang mga bagay-bagay at tapusin ang mga haka-haka na ginagawa ng mga tao. Malaki ang kaniyang tiwala sa abogado niya, kasing laki ng perang inilalabas niya upang malusutan ang mga naglalakihang butas na nakikita sa kaso niya.

Taas-noong naglakad si Logan palabas ng opisina kasunod ang kaniyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status