Share

CHAPTER 57

" Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? " ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Lucine habang nakakunot ang noong nakatingin kay Amadeus.

" Hindi ba ako puwedeng pumasok? " balik nitong tanong saka lumakad palapit sakaniya. " Sabihin mo lang kung ayaw mo, lalabas ako. "

Naiyukom niya ang kamao. " Ano bang kailangan mo? Kung hinihintay mo 'ko, puwede mo naman akong hintayin sa labas ng kuwarto ko. Hindi naman tama na pumasok ka na lang dito ng basta-basta...lalo na't mayroon kang asawa. "

Nakatingin lamang sa kaniya si Amadeus. Nawala ang matigas nitong ekspresyon sa mukha nang mapagtantong tama ang sinabi ni Lucine.

" Pasensya na, " anito, " Hindi kita puwedeng hintayin sa labas dahil maraming mga mata si Logan dito sa mansyon. Itong kuwarto mo lang ang nakikita kong ligtas para makausap ka—para makapag usap tayong dalawa. "

Si Lucine naman ngayon ang natauhan. Nawala saglit sa isip niya ang kalagayan ni Amadeus sa mansyong ito. Magulo ang isip niya at nadala siya ng damdamin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status