Share

CHAPTER 54

" Pasensya na po, Madame, pero mukhang butas ang sasakyan, " hindi akalain ni Venice na may mas sisira pa ng araw niya matapos sabihin ng kaniyang drayber ang problema kung bakit hindi agad sila makaalis.

Padabog siyang bumaba ng kotse at napasuklay pataas sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri niya. Wala siyang mapagbuntungan ng inis.

" Kung ganoon maglalakad ako? " kunot-noong tanong niya saka napatingin sa isang kotseng nakaparada sa garahe. " Kaninong kotse 'yan? "

" Ah, ito po 'yong kotseng pinanghahatid-sundo kay Señorita Lucine. Gusto niyo ho bang—"

" 'Di bali na. " Tumalikod na lang siya at naglakad palabas ng garahe. Mas gugustuhin niyang mamasahe kaysa sumakay sa kotseng ginagamit ng taong kinamumuhian niya.

Nang makarating sa labas, naabutan niya ang isang sinaryong pumukaw ng atensyon niya. Malayo siya subalit ramdam niyang may namumuong tensyon sa tatlong taong naroroon mismo sa tapat ng mansyon. Hindi niya alam kung dala ng kuryusidad ang paglapit niya subalit na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status