Share

CHAPTER 48

Dala ang mga bulaklak, ibinaba ito ni Lucine sa puntod ng kaniyang ina. Inalis niya ang ilang mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid ng puntod bago sindihan ang kandilang dala niya.

Alas singko pa lang ng umaga ay umalis na siya upang magtungo sa sementeryo. Madalim pa noong lumabas siya kanina ng mansyon ngunit ngayon ay unti-unti ng napapalitan ng liwanag ang kulay asul na kalangitan. Nagsisimula na ring humuni ang mga ibon sa sementeryo na para sakaniya ay payapang mapakinggan.

" Kumusta po kayo? " aniya habang inilalandas ang mga daliri sa puntod kung saan nakaukit ang pangalan, ang petsa ng kapanganakan at kamatayan ng ina. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano kaya ang buhay niya kung hindi namatay ang ina. Nasaan kaya sila ngayon? Marahil wala sila sa puder ng mga Banville at naninirahan sila sa isang tahimik na lugar. Malayo sa gulo ng mga mayayaman, hindi kailangan makisama sa mga taong naka-maskara at wari niya'y masaya siya kahit sila lamang dalawa mag-ina.

Nasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status