Share

CHAPTER 50

" Bye, Lucine! Happy birthday ulit sa'yo! " paalam nina Janina at ng kaniyang mga kasama nang maihatid niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate.

" Salamat ulit sainyo. Mag-iingat kayo pauwi. " Kumaway siya pabalik habang pinanonood ang mga itong maglakad paalis. Naunang umuwi ang mga madre at bata sa bahay ampunan dahil hindi sila maaaring gabihin sa daan lalo na't may karpiyo na pinatutupad sa lugar para sa mga kabataan. Isang oras nakalipas, nagpaalam na rin ang mga kasama niya sa karinderya kaya naman ngayon ay mag-isa na lang siya.

Alas siyete na ng gabi, may ilang oras pa bago matapos ang kaarawan niya subalit para kay Lucine, masasabi niyang perpekto na ang araw na ito dahil pinaramdam talaga ng mga tao sa paligid niya na ang araw na ito ay para sa kaniya. Magaan sa dibdib, animo'y ngayon na lamang siya ulit nakangiti at nakatawa dahil sa pagsasama-sama ng mga taong malapit sa kaniya.

Nang makabalik sa hardin, naabutan niya ang mga kasambahay na nagliligpit. Sinubukan niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status