Share

CHAPTER 51

Kinabukasan, kumpleto ang lahat habang nagsasalo-salo sa hapag kainan. Ang kalansing ng mga kubyertos sa plato ang tanging ingay na bumabasag sa katahimikan na bumabalot sa komedor, hanggang sa magsalita si Logan.

" Anong masasabi mo sa selebrasyon na naganap kahapon, Lucine? Masaya ka ba? Ang mga bisita, natuwa ba sila? "

Ngunit walang sagot na nakuha si Logan sapagkat tila wala sa realidad ang isip ni Lucine. Nakatingin ito sa kawalan habang may nginuguyang pagkain sa bibig. Nalulunod sa lalim ng iniisip matapos ng nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Claude.

" Lucine? " muling pagkuha ng atensyon ni Logan sa anak, tumingin siya sa isang kasambahay na malapit sa gawi nito at inutusang tapikin si Lucine dahilan para ito'y matauhan.

" Señorita, kinakausap po kayo ng inyong Papà, " bulong ng kasambahay kaya napatingin si Lucine sa kabilang dulo ng mesa at sinalubong siya ng tingin ng ama.

" Bakit po? Ano po bang sinasabi niyo? "

Kumawala ang sarkastiko at maiksing tawa mula kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status