Share

CHAPTER 44

Pula at asul na ilaw ang bumungad kina Owen at Morriss pagkababa nila ng kotse. Ang kalsada ay napapalibutan ng mga sasakyang dala ng polisya habang may inilalagay na kulay dilaw na bagay sa labas ng bahay. May ilang mga taong nakikiusyoso sa nangyayari at mababakas sa mga mukha nito ang reaksyong hindi kayang tignan ni Morriss.

" Pasensya na pero bawal pumasok—"

" Nakatira ako dito...kapatid ko ang mga nasa loob ng bahay, " ani Morriss sa pulis na humarang sa kanila.

" Ganoon ho ba? " Lumingon ito sa likuran kung nasaan ang bahay. " Pasensya na ho pero mamaya na ho kayo pumasok sa loob. Nasa ilalim pa ho ng imbistigasyon ang kaawa-awang sinapit ng mga kapatid niyo kaya—"

" Ano ibig niyong sabihin? " Hinablot ni Morriss ang kuwelyo ng pulis at matalim itong tinignan sa mata. " Anong pinagsasasabi niyo? "

" Morriss, " sinubukan siyang pigilan ni Owen subalit sinangga niya ito ng braso saka itinulak palayo ang pulis upang makapasok sa loob ng bahay nila.

Pagkapsok na pagkapasok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status