Share

CHAPTER 3: Escape

“You’re not perfect, sport, and let me save you the suspense. This girl you met? She isn’t perfect either. The question is whether you’re perfect together."

-ANONYMOUS

****

‘Nang dalhin ako ng mga tagapagsilbi sa silid ng lalaking manyak, ay talaga namang masasabi ko na struggle is real! Dyusme. Pahirapan pa talaga bago nila ako mahubaran at mabihisan. King ina naman! Paano ba naman kasi, kanina ko pa pinipilit sa kanila na hindi na naman nila ako kailangan bihisan dahil kaya ko naman bihisan ang sarili ko, ang kaso ay talagang mapilit sila para gawin ang inuutos ni Kamahalang Manyak.’

‘Nakakaurat! Wengya.’

Nang matapos sila na bihisan at ayusan ako ay iniharap nila ako sa isang malapad at malaking salamin na bilog. Sobrang classic ng itsura nito, at maganda ang sequence sa gilid. Kulay gold ang kulay nito na talaga namang nagsusumigaw ng karangyaan. Nang aking titigan ang aking sarili ay halos hindi ko na ito makilala.

I look so different in the red tube gown, na may mga gold rose na sequence sa may bandang laylayan. Nilagyan din nila ako ng kulay gold na kwintas na may nakalagay na maliit na ibon bilang desenyo ng pendant, at isang kulay gold na parang tali na hikaw. Nakataas ang kalahati ng aking buhok into a beautiful bun, na nilagyan nila ng desenyo na mga bilog-bilog na pearl na nakaikot sa aking bandang noo, at nakakabit ang kulay white and gold na rose na kanilang itinusok sa gitna ng bun. Habang sobrang light naman ng pagkakalagay ng make up sakin, na ginamitan nila ng mga natural na pampakulay.

‘I freaking look like a fucking Princess in red gown, sa itsura ko ngayon. And I really like it.’

Wala sa sarili akong napangiti habang inaabot ng sariling daliri ang salamin sa aking harapan.

"I look…”

“Different." wala sa sariling turan ko habang inaabot ang sarili sa salamin.

"Kakaiba po ang inyong taglay na kagandahan binibining..." hindi na nagawang maituloy ng isa sa mga tagapagsilbi ang kaniyang sasabihin ng maalalang hindi nga pala nila alam kung ano ang aking pangalan.

Kaya naman nakangiti kong sinalubong ang kanilang mga mata, na nagpapakita na talaga namang nagustuhan ko ang kanilang ginawa sa akin.

"Zia. Ako si Celizia Alcantara. Isang karangalan na makilala kayo." nakangiti kong saad, na nagpapula ng kanilang pisngi bago nila ibaling sa ibang direksyon ang kanilang mga paningin.

"Napakaganda mo sa iyong kasuotan binibining Celizia" puri ng isa sa mga babaeng tagapagsilbi.

Maya-maya pa, ay kusa ng nagsilabasan ang mga ito sa silid ng lalaking manyak, ng mula sa isang engrande at malaking pintuan ay pumasok ang napakagwapong lalaki na nakita ko sa paliguan. Nakasuot siya ng kaniyang pang-royalty na damit. Kulay itim ito, at napapalibutan ng mga palamuti at butones. Nasa kanyang gilid ang kanyang espada, habang matamang nakatitig sa akin.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam, Dyosa ng Balon?" kapagdaka ay tanong ng lalaki, saka marahang hinawakan ang aking mga pisngi, habang matamang nakatitig sa aking mga mata. Ayun na naman ang kanyang mga titig na halos higupin ako sa kung saan.

"Maayos na ang aking pakiramdam. Wala ka ng dapat ipag-alala pa." saad kong iniiwas ang tingin sa kanya.

Na-awkwardan talaga ako sa klase ng kanyang pagtitig. Para bang sa bawat titig nya ay pinahihiwatig nitong ako lamang ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin.

"Hindi ko akalaing babagay din pala saiyo ang kasuotan ng isang mortal na prinsesa, Dyosa ng Balon. Napakaganda mo sa iyong suot na pulang saya." wala sa sariling turan niya habang mataman pa ding nakatitig sa akin.

His words took my full attention which made me look into his direction, only to see him an inch away from my face.

Mas lumalapit pa lalo ang kaniyang mukha at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natutuliro ako sa samyo ng kanyang amoy at ng mabango niyang hininga. Hindi ako magkamayaw sa aking kinauupuan.

‘Ilalapit ko din ba dapat ang sarili ko? Itutulak ko ba dapat siya? Sasapakin? COME ON CELIZIA! GET BACK TO YOUR FREAKING SENSES! DON'T GET FUCKING DROWND IN THIS GUY’S GOD-LIKE SEX APPEAL!’

Kastigo ko sa aking sarili na halos malunod na sa sariling kabaliwan. Mukang magpapamanyak na naman ata ako sa lalaking ito, ng walang kalaban laban.

‘Eh pano ba naman kase, masisi nyo ba ako? Sobrang gwapo at bango niya! Ayun pa naman ang weakness ko! Yung mabango! Eh idagdag mo pa na ang gwapo niya, tapos ang cute niya pa ngumuso, parang pato!’

Ilang inches na lang at talagang maglalapit na ang labi naming dalawa. At sa sobrang toliro ko, wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit ng mariin ang aking mga mata.

Inantay kong maglapat muli ang aming mga labi, ng biglang may kumatok mula sa may pinto sa labas ng silid. Kaya walang pasabing bigla ko na lamang naitulak palayo saakin ang lalaki sa sobrang gulat.

Maya-maya pa’y pumasok ang isang kawal na mukhang isa sa mga heneral. Binigyan lamang ako nito ng isang sulyap saka nagsalita.

"Pinapatawag po kayo ng mahal na Haring Thadeus, Kamahalan." ani nito, habang nakayuko.

"Sabihin mo, susunod ako" wika ng lalaki, saka hinimas-himas ang pwetang nasaktan dahil sa pagkakatulak ko.

"Intayin mo na lamang ako rito Dyosa ng Balon, kakausapin ko lamang ang Mahal na Hari." Nakangiti niyang saad sakin saka tumayo na sa pagkakaupo sa sahig, at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Hindi ako sumagot, bagkus ay itinango ko na lamang ng isang beses ang aking ulo.  Nang makalabas ang lalaking manyak, ay dun ko palamang nagawang makahinga ng maayos.

‘Kailangan ko na talaga makaalis rito!’

Inilinga-linga ko ang aking paningin para makita ang kabuuan ng paligid, nang makita ko ang kama, at mga telang nagkalat na nakapatong sa mga lamesa ng silid ay pinagbugol-buhol ko ang dulo ng mga kumot, kobrikama at mantel, saka itinali ito sa may paa ng kama. Habang ang kabilang dulo naman ay inihagis ko sa may bintana. Naghagis ako ng pinggan sa baba, para makabuo ng ingay, bago ako nagtago sa isa sa mga dresser.

Nang marinig kong nagkakagulo na sila sa loob sa paghahanap sakin at pag aakalang tumalon ako sa may bintana, ay kinuha ko ang pagkakataon na yun upang makalabas sa mismong front door ng silid at ikulong sila rito.

Nagtatakbo ako sa pasilyo ng palasyo. Hindi alintana ang dami ng mga kawal at tagapagsilbi na humahabol saakin. Muli akong tumakbo at lumiko sa isang pasilyo, ng mapansin na mukhang pamilyar ang daan na dinaraanan ko.

Bago ko pa maiisip na eto rin ang kastilyo na pinagbagsakan ko noong unang bagsak ko ay nakita ko na ang balon. Agad-agad akong tumakbo papalapit dito, saka walang pagdadalawang isip na tumalon sa loob nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status