Share

Chapter 29

Newcomer

“APO? May sakit kaba?” Nagtaka si Dynee nang pagpasok sa kusina ay sinalat agad siya ng kaniyang lola sa noo.

“Lola, okay lang ho ako.” Inilayo niya ang noo rito at nagtimpla ng kape.

“Wala nga. Eh, wala ka bang pasok apo? Kahapon ay absent ka, absent ka pa rin ba ngayon?” tanong ng kaniyang abuela habang nakasunod sa kaniya sa may lababo.

“Magre-resign na ho ako sa trabaho ko,” tugon niya at umupo sa hapag. Binuksan niya ang nakatakip na pagkain sa lamesa.

“Ano?” Sumunod pa rin ito sa kaniya at naupo. “Naku, apo, hindi ka ba nasasayangan sa trabahong maiiwan mo? Ang ganda ng trabaho mo, office. Tapos boss mo isang CEO. Tapos maayos din ang pasahod sa ’yo. Mas hamak na mas maganda ang trabaho mo ngayon apo ko."

“Ayoko na roon, lola. Tapos na ako sa paninilbihan sa boss ko.” Ngumunguya ng siya ng pandesal habang kausap ito.

“Eh. . . apo—”

“Lola, aalis ho ako ngayon. Maghahanap ho ako ng trabaho.”

“Ah, sige ikaw ang bahala. Hiling ko na maliwanagan ang utak mo.”

“Lola. . .”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status