Malapit na ang kasal nila Ricks at Joy kaya naman napakasaya nila habang naghahanda sa nalalapit nilang kasal. Subalit isang umaga ay isang masamang balita ang dumating sa kanila. Sinugod ang nanay ni Ricks sa hospital dahil bigla na lamang daw itong bumagsak mula sa ginagawang pagluluto."Ano Rhiya?! Nasa hospital si inay at isang linggo na?! Bakit hindi ni'yo man lang ipina-alam sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Ricks sa kapatid habang kausap ito sa cellphone.Naroon sila ni Joy sa botique dahil nagsusukat ito ng gown na isusuot nito para sa kasal nila sa susunod na linggo nang biglang tumunog ang cellphone niya at pakiramdam niya ay para siyang sinabugan ng bomba sa mga narinig mula sa kapatid. May colon cancer daw ang kaniyang ina at isang linggo na itong nasa hospital. Ayaw nitong ipasabi sa kaniya ang kalagayan nito dahil alam nitong abala sila ni Joy sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang kasal pero hindi na nakatiis ang kapatid niya at tinawagan siya dahil wala daw pera ang mga
Ricks POV Habang nasa byahe ay madaming iniisip si Ricks, papunta siya ngayon sa hospital para palitan doon ang nobya niyang si Joy, ito kasi ang bantay sa inay niya ngayon.Nahiraman na niya lahat ng mga kakilala at kaibigan niya pero kulang pa din ang perang nalilikom niya para sa operasyon ng kaniyang ina.Ilang araw na din siyang hindi nakakapasok sa trabaho. Siya kasi ang palaging nasa hospital para magbantay sa nanay niya dahil ang dalawa niyang kapatid ay nag-aaral at malapit na ang exam ng mga ito. Ang tatay naman niya ay matanda na at ayaw na niya itong nagpupuyat sa pagbabantay sa hospital at si Joy naman ay pa minsan-minsan lang humahalili sa hospital dahil pumapasok ito sa trabaho.Hindi ito makaliban ng matagal sa trabaho dahil may mga naka-abang pa silang bayarin sa upa ng bahay, tubig at kuryente. Kung tutuusin ay nahihiya na siya sa nobya dahil mas malaki ang perang naibigay nito kaysa sa kaniya. Marami ang mga nagbigay ng tulong dito para sa operasyon ng kaniyang ina
Matamang tinitigan ni Ricks ang napakalaking gusali na nasa kaniyang harapan. Naroon siya ngayon para pumunta sa opisina ng lalaking tumawag sa kaniya kahapon. Susugal na siya at magtitiwala sa sinabi nitong matutulungan siya nito. Tinapat na kasi siya ng doktor kaninang umaga na kung hindi pa maisasagawa ang operasiyon ng kaniyang ina sa lalong madaling panahon ay baka hindi na kayanin ng katawan nito kaya wala na siyang ibang choice kung hindi ang magbakasakali sa inaalok ng lalaking tumawag sa kaniya. Tinawagan muna niya ito at sinugurong naroon ito bago siya tuluyang pumasok sa gusali. Pagpasok pa lang niya sa loob ng gusali ay namangha na siya sa laki at ganda niyon at ang mga taong nasa loob noon ay mukhang mga kagalang-galang at talagang may mga sinabi sa buhay. Bigla ay nakaramdam siya ng panliliit sa sarili pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya dahil biglang nahagip ng paningin niya si Jade! Naka-corporate attire ito habang taas noong naglalakad sa pasilyo n
-- SPG --"Mabuti naman at nakahanap ka na ng pera para sa operasyon ni inay babes." natutuwang sabi ni Joy ng sabihin ni Ricks dito na maipapa-opera na nila ang inay nito.Pilit na ngiti ang isinukli ni Ricks sa nobya. Nasasaktan siya habang nakikita niya ang kasiyahan sa mukha nito."Sa wakas ay maipapa-opera na natin si inay." dagdag pa nito sabay yakap sa kaniya."Saan ka nga pala nakahiram ng ganoon kalaking pera babes?" tanong pa nito habang nakatitig sa kan'ya.Biglang naging mailap ang mga mata ni Ricks sa tanong ng nobya. Ayaw niyang salubungin ang titig nito dahil nasasaktan siya sa isipang ilang buwan na lang ay iiwan na niya ito."Ah.. iyon ba babes? Nakahiram ako sa boss ko, huwag kang mag-alala at ako na ang bahalang magbayad doon kapag nakaluwag tayo." parang may bikig sa lalamunang sagot niya sa nobya."Ano ka ba babes! Tutulungan kitang makabayad sa mga utang mo. Para saan pa na naging future wife mo ako kung hindi tayo magtutulungan." sabi pa nito na lalong ikinaduro
"Saan ba tayo pupunta babes? Bakit kailangan nating mag empake ng mga gamit natin?" naguguluhang tanong ni Joy sa nobyong si Ricks habang nagmamadali ito sa pagliligpit ng mga gamit nila."Basta babes malalaman mo na lang kapag nakalipat na tayo." sagot nito na hindi man lang siya nililingon kaya wala ng nagawa pa si Joy kun'di ang tulungan na lang din ito sa ginagawa.Mahabang biyahe din ang ginugol nila bago nakarating sa lugar na sinasabi nito. Batid ni Joy na nasa probinsiya sila dahil na rin sa naamoy niyang sariwang hangin at natatanaw na mga puno."Nandito na tayo babes." saad ni Ricks habang ipinapasok sa loob ng two storey house ang kanilang mga maleta pero sa loob niya ay sobrang nasasaktan siya dahil ito na ang umpisa na mawawalay siya sa pinakamamahal niyang si Joy.Nagtataka namang nakasunod lang si Joy sa nobyo, ni hindi man lang niya nahalata ang kalungkutan sa tinig ng nobyo."Nasaan pala tayo babes? At saka kaninong bahay ito?" takang tanong niya dito, hindi naman kas
Abala si Joy ngayon sa pag-aayos ng mga gamit sa bagong bahay nila ni Ricks. Maagang umalis ang nobyo dahil ang sabi nito ay dadaan muna ito sa trabaho bago pumunta ng hospital.Tuwang-tuwa siya ng sa wakas ay natapos na niya ang pagliligpit at pag-aayos sa buong kabahayan. Habang inilalagay niya ang litrato nilang dalawa ni Ricks sa ibabaw ng tokador ay biglang bumagsak iyon at nabasag-- biglang kinabahan si Joy na hindi niya mawari kaya kaagad niyang tinawagan ang nobyo para sana kamustahin ito pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil un-attended ang number nito at labis siyang nagtaka dahil hindi naman ito nago-off ng cellphone nito at wala rin itong text sa kaniya mula pa kaninang umalis ito kaya labis-labis ang pag-aalala niya sa nobyo dahil baka kung ano na ang nangyari dito.At dahil hindi niya ma-contact ang nobyo ay ang kapatid nitong si Rhiya ang tinawagan niya pero nag-riring lang ang cellphone nito, naka-ilang dial na siya ay hindi pa din nito sinasagot ang tawag ni
Kanina pa hindi mapakali si Ricks habang nasa loob eroplano-- hindi niya inaasahang pupunta sila ng ibang bansa ni Jade ora mismo para doon mag honeymoon. Nagulat na lamang siya nang abutan sila ng plane ticket ni Don Julio papuntang Maldives at sabihin nitong enjoy-in nila roon ang kanilang honeymoon ni Jade. Kanina pa din naka-off ang cellphone niya at alam niyang nag-aalala na ang nobya niyang si Joy sa kaniya kaya gumawa siya ng paraan upang makausap ito. Nagpa-alam siya sa asawa na niyang si Jade na pupunta muna ng banyo. Pagbukas pa lamang ni Ricks ng cellphone ay agad na tumambad sa kaniya ang 20 texts messages at 10 miss calls na galing sa nobyang si Joy. Sobra siyang nakonsensiya ng mabasa ang mga text messages nito. "Ingat sa biyahe babes." "Babes nakarating ka ba sa trabaho mo ng maayos?" "Kumusta pala ang operasiyon ni inay?" "Wag kang mag-alala kasama ako sa pagdar
Jade's POV Unang gabi matapos ang kasal nila ni Ricks ay sobra siyang na-excite sa kaisipang ito ang magiging simula ng mainit nilang pagsasama kaya pinili niyang isuot ang pinaka sexy niyang lingerie, kulay black iyon na sobrang nipis at wala siyang suot na bra at panty sa loob niyon dahil ngayon ang unang gabi nila bilang mag-asawa ay balak niyang akitin ito at alam niyang wala na itong magagawa pa dahil asawa na niya ito.Napaka-cold nito sa kaniya simula nang makarating sila ng Maldives. Ni hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin at basta na lang siya nito iniwan sa hotel na inokupa nila. Nang hanapin niya ito ay nakita niya itong nasa loob ng bar ng hotel at mag-isang umiinom ng alak kaya hinayaan na lamang niya ito doon at hinintay ito na makabalik sa room nila.Naroon siya sa kwarto at nagpapahid ng lotion sa hita nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang kaniyang lasing na lasing na asawa kaya kaagad siyang napatayo at ni