Share

Kabanata 71: Bring back her thing's

Joy's POV

Pag-alis ni Simone ay kaagad na inilibot ni Joy ang paningin niya sa loob ng kwarto nito. Konti lang din ang mga gamit na naroon at mukhang hindi naman masyadong tinutulugan iyon, sabagay ay nasa Maynila naman ang trabaho ng lalaki at nagbabakasyon lang ito dito, naisip ni Joy.

Nagtungo siya sa bintana at sumilip doon, tanaw na tanaw pala mula roon ang bahay at bakuran nila ni Ricks. Muli na naman siyang nakaramdam ng lungkot pagkakita niya sa bahay, naroon pa kasi ang mga gamit nila. Inisip niya kung paano niya makukuha ang mga iyon-- wala man lang kasi siyang mga damit na pamalit, kahit pera ay wala din siya ngayon dahil naiwan niya iyon doon sa loob ng bahay nang sugurin siya ng asawa ng nobyo at madala sa hospital. Sa naisip ay napabuntong hininga na lang ng malalim si Joy.

Paano nga ba siya makakapagpahinga ng maayos nito gayong napakadaming bagay ang gumugulo sa isip niya, isa na dito ay ang nobyo niyang si Ricks, sa naisip ay bigla niyang naalala na kailangan nga pala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status