Kinabukasan ay maagang gumayak si Ricks dahil naatasan siya ng manager niya na sumama sa pag-aasikaso sa isang business party ng mayamang negosyante sa Mandaluyong.
Bukod kasi sa isa siyang crew sa restaurant ay kinukuha din sila kapag may'roong nagpapa-food service na mga customer sa kanila para sa mga party gathering's.Alas cuatro pa lang ng hapon ay nasa venue na sila at naka-prepare na kasama ng iba pang mga crew na kasamahan niya.Alas sais ginanap ang party at sobrang busy siya sa pag-asikaso ng mga guest's.Panay ang paroo't-parito niya sa pagdadala ng mga wine sa mga bisita, karamihan ng mga tumatawag sa kaniya ay mga kababaihan at ang iba sa mga ito ay alam niyang nagpapapansin lang sa kan'ya paano ba naman kahit mahirap lamang siya ay mukha siyang mayaman. Makinis ang kaniyang balat, maputi din siya at bukod sa malaki ay maskulado din ang kaniyang pangangatawan dahil bata pa lamang siya ay batak na batak na siya sa trabaho.Panganay siya sa tatlong magkakapatid at siya lang ang nag-iisang lalaki, ang dalawa n'yang kapatid na babae na sina Rhiya at Reyca ay pareho pang nag-aaral, nasa high school si Reyca na 15 years old at si Rhiya na 18 years old naman nasa kolehiyo na. Mula nang makapagtrabaho siya ay siya na din ang sumusoparta sa mga ito dahil ang mga magulang niya ay parehong may mga edad na at naawa siyang pagtrabahuhin pa ang mga ito kaya siya na ang umako sa responsibilidad ng mga ito.Pero ang kaniyang ama na si Remi Gregorio ay sadiyang matigas ang ulo dahil kahit na sinusuportahan na niya ang mga ito ay pumapasada pa din ito sa edad na 60 years old.Sabi nga nito ay ito ang padre de pamilya kaya dapat lang na ito ang magtaguyod sa kanilang pamilya dahil siya ay may sarili na ding pamilya-- ang nobya niya.High school lang ang natapos niya dahil mahirap lamang sila at sumabay pa na nagkasakit ang kaniyang inang si Rosie Gregorio noon kaya sa batang edad ay napilitan siyang magtrabaho.Kung hindi nga lamang siya nakasuot ng pang waiter na uniform ngayon ay aakalain ng iba na isa siya sa mga bisita.Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang may maka-bangga siyang isang babae at natapunan pa ito ng dala-dala niyang mga wine."Oh my God! What did you do?! Don't you know that this is an expensive dress!" tili ng babaeng nabangga niya habang nakatingin ito sa nabasa nitong damit.Iniiwas niya ang tingin doon dahil nakita niyang bumakat ang dibdib nito ng mabasa iyon at wala itong suot na bra."How dare you--"At nabitin sa ere ang iba pa sana nitong sasabihin nang mapatingin ito sa kan'ya at nakita niyang natulala ito na akala mo ay nakakita ng isang anghel, bigla ding nawala ang katarayan sa mukha nito."I'm sorry ma'am, hindi ko po sinasadya.. hindi ko po kasi kayo nakitang dumaan, pasensiya na po talaga." hinging-paumanhin niya dito.Pero nakatulala pa din ito sa kaniya."Ma'am?" tawag niya sa natulalang babae.Kaagad naman itong natauhan at mabilis na nagsalita."It's okay.. ako naman ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." hinging-paumanhin din nito na tila na starstruck sa kaniya.Napailing na lang si Ricks sa nakitang inasal ng dalaga, ganitong-ganito sa kaniya ang mga kababaihan. Ang iba ay sadyang nagpapapansin lang kaya naman ninais na niyang makaalis sa harapan nito."I'm really sorry ma'am." hinging paumanhin ulit niya dito bago nagpa-alam na aalis na."Wait!" pigil nito sa kan'ya habang pinupunasan ang damit nitong natapunan ng wine. Wala na din ang katarayan sa boses nito. Parang kanina lang ay galit na galit ito nang matapunan ng wine ang mamahalin nitong gown pero ngayon ay napakahinhin na ng boses nito.Napabaling naman siya ulit dito subalit iniwasan niyang tingnan ang lantad na lantad na dibdib nito. Maliit lamang ang dibdib nito kumpara sa dibdib ng nobya niyang si Joy na umbok na umbok at tayong-tayo, sukat ng maalala ang nobya ay kaagad siyang nakadama ng init.Hindi talaga siya nagsasawa sa nobya kahit pa araw-arawin niya ito."By the way, i'm Jade Isavedra, and you?" pagpapakilala nito habang inilalahad nito ang palad sa kaniya."Ricks Gregorio po." alanganin man ay nakipag-kamay din siya rito.Hindi kasi niya nakakalimutan ang golden rule ng kanilang restaurant na huwag babastusin ang kanilang mga customer at makitungo ng maayos sa mga ito."Nice to meet you.." mapang-akit na inabot nito ang palad niya habang malagkit na nakatitig sa kaniya."Can I ask you one more thing? Do you have a girlfriend?" diretcho at walang ligoy na tanong pa nito sa kaniya."Yes ma'am, meron na po." walang pag-aalinlangan na sagot niya.Iyon ang bagay na hindi niya ikinakaila sa lahat ng mga babaeng nagtatanong sa kanya-- ang madalas nga n'yang sinasabi sa mga ito ay may asawa na siya dahil asawa na naman talaga ang turing niya sa kaniyang nobya kahit mag live-in palang sila.Nakita naman niya ang disappointment sa mukha nito at iyon ang kinuha niyang pagkakataon para tuluyang makapagpaalam dito."If you don't have any questions ma'am, I have to go dahil marami pa po akong gagawin." magalang na paalam niya dito bago nagmadaling umalis sa harap nito. Hindi niya kasi matagalan ang malagkit na mga titig nito sa kaniya.Maganda ang babae para sa kaniya, matagkad ito at sopistikada.Ang katawan nito ay parang sa isang modelo pero para sa kaniya ay mas maganda pa din at mala-anghel ang nobya niyang si Joy at ito lang ang pinaka-sexy na babae sa paningin niya.Samantalang ngiting-ngiti naman si Jade habang nakatingin sa papalayong waiter, sobrang kinikilig siya dahil napakaguwapo nito. Na love at first sight na yata siya rito.Ito pa naman ang mga tipo ng lalaking gustung-gusto niya, cheerful type at chinito kaso lang ay naalala niya ang sinabi nitong may nobya na ito.Napaka-straight to the point nito, ni hindi man lang nito itinanggi ang tungkol sa bagay na iyon.Hindi katulad ng ibang lalaki na kapag wala ang girlfriend o kaya ang asawa sa tabi ng mga ito ay nagiging single bigla bagay na nagustuhan niya dito kaya lamang ay mukhang hindi man lang ito na-attract sa kaniya dahil hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at iwas na iwas itong mapatitig sa kaniya.Sa isip niya ay napakaswerte ng nobya nito dito dahil hindi man lang ito tumitingin sa iba. Siguro ay napaka-loyal nito sa girlfriend nito.Sukat sa naisip ay nakadama siya ng inggit para sa girlfriend nito. Siguro kung siya ang mapapangasawa nito ay magiging ganoon din ito sa kaniya, kaya isang plano ang nabuo sa kaniyang isip.Aakitin niya ito hanggang sa makuha niya ito at mapangasawa dahil ito ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Maya-maya pa ay hinanap niyang muli ang waiter sa buong venue subalit sa malas ay napag-alaman niyang nakauwi na raw ito kaya tinawagan niya ang restaurant na pinagtatrabahuhan nito at inalam ang mga impormasyong alam ng mga ito tungkol sa lalaki.Hindi naman siya nabigong kunin ang ibang detalye sa buhay nito dahil isa siyang Isavedra at lahat ng bagay na gusto niya ay nakukuha niya dahil maraming siyang pera.Ang kaniyang ama ay isang Don na nagmamay-ari ng mga buildings at lupain sa buong Pilipinas.Napag-alaman niyang 25 years old din ito at panganay ito sa tatlong magkakapatid at bread winner din ito sa pamilya.At totoo nga'ng may nobya na ito na nagngangalang Joy Fuego-- hindi lang basta nobya kun'di live-in partner na matagal ng kinakasama nito subalit hindi pa kasal ang mga ito at sa kung anong dahilan kung bakit hindi pa din kasal ang mga ito ay hindi niya alam at wala na siyang balak pang alamin dahil one of these days ay alam niyang siya ang pakakasalan nito hindi pa man nito alam ang kaniyang hangarin ay ipinangako na niya sa sarili na makukuha niya ito at pagdating ng araw na iyon ay sisiguraduhin niyang iiwanan nito ang nobya nito.Pagod na pagod si Ricks na umuwi kinagabihan galing sa trabaho subalit nang makita niya ang nobya na nakangiting sumalubong sa kan'ya ay kaagad napawi ang pagod niya."Hi babes kumusta sa trabaho? Mukhang pagod ka ah." malambing na salubong ni Joy sa kan'ya.Kahit pagod na pagod siya sa trabaho ay nginitian niya ito ng ubod ng tamis at saka niyakap ito ng buong higpit."Medyo lang babes pero dahil nakita na kita ay nawala na ang pagod ko, pa kiss nga!" at saka niya ito dinampian ng masuyong halik sa labi."Okay na, nawala na agad ang pagod ko! Ikaw kaya ang gamot ko." paglalambing pa niya dito."Hmm.. napakabolero talaga nitong future husband ko!" biro naman nito."Hindi naman ako nagbibiro babes eh dahil ikaw talaga ang gamot ko, makita lang kita ay ayos na ayos na ako." seryosong sabi niya sa nobya."O' siya sige na nga! Naniniwala na po ako sayo babes kaya tara na at pumasok na tayo sa loob at baka lumamig na ang mga pagkaing inihanda ko sa'yo." pag-aaya nito sa kan'ya."Teka meron
Maagang nagpunta si Jade sa restaurant na pinapasukan ng waiter na nakilala n'yang si Ricks, hindi niya alam kung bakit parang gusto niya ulit makita ang binata.Nagsuot pa siya ng pinaka-sexy niyang damit para kaagad na mapansin nito.Pagpasok pa lang niya sa restaurant ay marami na agad na mga waiter ang nagkakandarapang pagsilbihan siya pero wala man lang sa mga ito ang hinahanap niya."I will order later." maarteng sagot niya sa isang waiter na unang lumapit sa kan'ya.Matagal tagal din siyang nakaupo bago niya nakita ang pakay, mukhang kadarating lang nito dahil fresh na fresh pa ito-- lalo tuloy siyang naglaway dito.Pinakatitigan niya ito kahit sa malayo ay napakaguwapo talaga nito at nang mapadako ito malapit sa gawi niya ay kaagad na kinawayan niya ito."Waiter!" Agad naman itong lumapit sa kan'ya. Mas guwapo talaga ito sa malapitan. Napakakinis ng natural na kutis nito, sobrang tangos ng ilong at mapula ang labi-- na parang ang sarap lamukusin ng halik. Hindi bagay dito ang
Nagmamadaling nagtungo si Ricks sa opisina dahil bigla siyang ipatawag ng kanilang manager.Sa isip niya ay ano kaya ang nagawa niya at kailangan s'yang ipatawag nito? Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang customer complain ngayong araw at kahit na kailan ay wala pang customer ang nag-complain sa kaniya at sa serbisyo niya pero maya-maya din ay bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay nangungulit sa kanya.“Posible kayang ito ang nagreklamo sa kanya?” Sa isip niya.Nakatatlong katok muna siya sa pinto bago niya narinig na nagsalita ang manager niya."You may come in." narinig n'yang sabi nito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa loob ng opisina. Pagpasok pa lang niya doon ay tinanong agad niya ito."May customer complain po ba sa akin ngayong araw ma'am?" kinakabahang tanong niya dito. Kadalasan kasi ng mga ipinapatawag nito sa opisina ay ang mga crew na may mga customer complain at palpak ang trabaho.Saglit na tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita."Wala naman kaya
Ricks POV"Babes, ang aga mo naman yatang nagsundo ngayon? Hindi ba dapat ay mamaya pang 7pm ang out mo?"Nagulat pa si Ricks nang makitang nasa harapan na pala niya ang nobyang si Joy, sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayang nasa harap na pala niya ito.Tiningnan niya ang relong pambisig-- alas singko pa lang ng hapon, hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari kung bakit maaga siyang nag out sa trabaho kaya naman ay nagdahilan na lang siya dito."Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina babes kaya maaga akong nagpa-alam na umuwi sa manager ko." pagdadahilan niya dito.Nakita naman niya ang pagrehistro ng pag-aalala sa magandang mukha nito."Masama pala ang pakiramdam mo babes eh bakit sinundo mo pa ako? Dapat ay nauna ka ng umuwi sa bahay at doon mo na lang ako hinintay." nag-aalalang sabi nito habang sinasalat ang noo niya.Bahagya naman siyang nakonsensiya sa ginawang rason pero mas okay na iyon kaysa magselos pa ito."Okay na ako babes, naki
-- SPG --Pagpasok ni Ricks sa loob ng bahay ay kaagad niyang hinanap ang nobya, nakita niya itong nakahiga sa kama kaya tinabihan niya ito at niyakap ng buong higpit."Akala ko ba ay bibili ka ng snacks babes? Nakabili ka ba?" pagod na tanong nito sa kan'ya."Wala ng bukas na tindahan babes kaya hindi na ako naghanap." sagot niya dito habang dinadampian ng masuyong halik ang ulo nito.Lalo naman itong nagsumiksik mga bisig niya."Babes? Magpakasal na tayo.." maya-maya ay bulong niya dito.Gulat itong napatingala sa kaniya habang nagniningning ang mga mata."Hindi ka naman nagmamadali niyan babes?" nagtatakang tanong nito.Dati kasi ay gustong-gusto muna niyang makaipon at magkaroon sila ng sariling bahay bago magpakasal pero ngayon ay desidido na siyang maikasal sila dahil inaalala niya na baka guluhin pa sila ni Jade-- ang babaeng desperada na makuha siya. Baka kapag nalaman nitong kasal na siya ay tigilan na siya nito at hindi na guluhin pa."Hmm.. hindi naman babes, gusto ko lang
Ricks POV Linggo ng umaga, naghanda si Ricks ng sorpresa para sa nobya niyang si Joy. Ngayon kasi ang araw na magpo-propose siya dito kaya naman ay nag-request siya sa nobya na sabay na silang mag day off. Wala itong kaalam-alam sa binabalak niya at kinontiyaba din niya ang manager ng paborito nilang restaurant para sa gagawin niyang proposal mamaya-- nagpapasalamat siya at napapayag niya ito.Sa totoo lang ay isang simpleng restaurant lang ang paborito nilang puntahan na magkasintahan sa tuwing yayayain niya itong magkipag date at ito ang restaurant na pinuntahan nila ngayon-- may live band din ang restaurant dahil paborito nila ang makinig sa banda.Hindi ito maluho at wala din itong hilig sa mga mamahaling restaurant at pasyalan bagay na nagustuhan niya dito. Ang kasimplehan nito ang lalong minahal niya.Ang tanging alam lang ng nobya niya ngayon ay kakain lang sila kaya hindi na siya makapaghintay na mag propose dito at makamit ang matamis nitong oo.Nakangiti si Ricks habang pin
Samantalang labis ang inggit na nadama ni Jade habang pinapanuod niya ang video ng proposal ni Ricks sa nobya nito. Naroon siya sa loob ng kaniyang opisina nang hindi sinasadyang marinig niya ang ilang empleyado na kinikilig habang pinag-uusapan ang viral na video ngayon sa social media kaya naman na curious siya at pinanuod niya ang nasabing video at ganoon na lang ang galit at inggit na nadama niya para sa babae dahil kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang labis na pagmamahal sa isat-isa. Bigla ay nawalan siya ng ganang magtrabaho. Ang init ng ulo niya ay naibuntong niya sa mga empleyado. Naisip niyang kung hindi rin naman niya makukuha si Ricks ay pahihirapan na lang niya ang mga ito. At dahil sa napanuod niyang video ay hindi na siya makapag-focus sa trabaho kaya naman tinawag niya ang kaniyang sekretarya para magpa-alam dito pagkatapos niyon ay tinungo niya ang daan palabas ng opisina. Naabutan pa niya ang daddy niya sa elevator habang palabas ito. "And where are you go
Jade's POVNagngingitngit ang kalooban ni Jade kay Joy habang nakatingin dito na masayang nag-aassist ng mga customers, kulang na lang ay patayin niya ito sa mga titig niya.Naroon kasi siya sa Mall na pinapasukan nito. Sinadya niyang pumunta doon dahil mayroon siyang balak gawin dito. Bigla ay napangisi siya sa naisip.Nang makita niyang mag-isa na lang ito sa kinatatayuan nito ay kaagad siyang kumuha ng pinakamamahaling wine at saka niya ito nilapitan. "Hey!" mataray na tawag niya dito.Nakangiti naman itong lumapit sa kaniya."Yes ma'am, ano pong hanap ni'yo?" magiliw na tanong nito.Lalo lang siyang nagngitngit dito dahil kahit pakitaan na niya ito ng katarayan ay nakangiti pa din ito sa kaniya. Bagay na lalong ikinaganda nito at naiinis siya sa isipang iyon."Can you check how much is this?" tanong niya sa babae habang inaabot dito ang bote ng wine pero hindi pa nito nahahawakan ang bote ng wine ay binitawan na niya iyon kaya basag na bumagsak iyon sa paanan nito. Nagulat naman