Share

Kabanata 4: Memorizing every inch of you

Pagod na pagod si Ricks na umuwi kinagabihan galing sa trabaho subalit nang makita niya ang nobya na nakangiting sumalubong sa kan'ya ay kaagad napawi ang pagod niya.

"Hi babes kumusta sa trabaho? Mukhang pagod ka ah." malambing na salubong ni Joy sa kan'ya.

Kahit pagod na pagod siya sa trabaho ay nginitian niya ito ng ubod ng tamis at saka niyakap ito ng buong higpit.

"Medyo lang babes pero dahil nakita na kita ay nawala na ang pagod ko, pa kiss nga!" at saka niya ito dinampian ng masuyong halik sa labi.

"Okay na, nawala na agad ang pagod ko! Ikaw kaya ang gamot ko." paglalambing pa niya dito.

"Hmm.. napakabolero talaga nitong future husband ko!" biro naman nito.

"Hindi naman ako nagbibiro babes eh dahil ikaw talaga ang gamot ko, makita lang kita ay ayos na ayos na ako." seryosong sabi niya sa nobya.

"O' siya sige na nga! Naniniwala na po ako sayo babes kaya tara na at pumasok na tayo sa loob at baka lumamig na ang mga pagkaing inihanda ko sa'yo." pag-aaya nito sa kan'ya.

"Teka meron nga pala akong pasalubong sa'yo babes." biglang sabi niya dito nang may maalala.

"Ano naman iyon?" tanong ni Joy sa nobyo.

"Ito oh nag-uwi ako ng maraming pagkain galing sa trabaho ko." nakangiti n'yang itinaas ang dalang supot ng pagkain na kanina pa niya hawak.

Nagningning ang mga mata nito, alam kasi n'yang mahilig itong kumain pero kahit na matakaw ito ay hindi naman ito tumataba, medyo chubby lang ito at mabilog ang katawan kaya palagi s'yang gigil na gigil dito dahil maumbok ang lahat dito at napaka-sexy nito sa kan'yang paningin.

"Sana pala ay hindi na ako nagluto, marami ka pa lang dalang pagkain." nanlulumong sabi nito.

"Ano ka ba babes, kakainin nating lahat ang mga pagkain na iyan. Ako ang kakain ng mga niluto mo at ikaw naman ang kakain nitong dala ko." natatawang sabi niya dito para pagaanin ang loob nito. Ayaw na ayaw kasi nitong may nasasayang na pagkain at isa pa ay wala din naman silang ref upang paglagyan ng mga tirang pagkain.

"Sigurado ka bang mauubos mong lahat ang mga niluto ko?" paninigurong tanong nito.

"Oo naman! Hindi kaya ako kumain! Tara na nga babes at magkainan na tayo este kumain na pala." biro pa niya sabay akbay dito.

"Ang pilyo mo talaga!" At kinurot siya nito sa tagiliran.

Tawa naman siya ng tawa sa ginawa nito. Ito ang pinaka-gusto n'yang bagay dito dahil sa tuwing babanggit siya dito ng tungkol sa mga kapilyuhan ay agad na pinamumulahan ito ng mukha na para bang na-eeskandalo ito dahil napaka conservative nito kung hindi nga lamang sa kan'ya ay baka hanggang ngayon ay wala pa din itong nobyo at malamang ay virgin pa din ito.

Napaka-swerte niya at nakilala niya ito dahil hindi ito katulad ng ibang babaeng nakilala niya na basta na lang lumulundag sa kama pakitaan lang niya ng kaunting interes ang mga ito.

Pinaghirapan din niya ang panliligaw niya dito at napakasaya niya nang sagutin nito dahil sa dami ng lalaking nanligaw dito ay siya ang pinili nito kaya ipinangako niya sa kan'yang sarili na pakamamahalin niya ito ng wagas at kailanman ay hinding-hindi sasaktan dahil siya na lang ang natitirang pamilya nito.

"Babes say ah--

Naputol ang kan'yang pagmumuni-muni nang subuan siya nito ng pagkain, awtomatikong naibuka niya ang bibig para kainin ang pastang isinusubo nito sa kan'ya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang hapag at busog na busog sila pareho pagkatapos kumain.

Kasalukuyan silang nakahiga sa kama ng mag-offer itong hilutin siya.

Nakadapa siya habang minamasahe siya nito, nakaupo naman ito sa kan'yang likuran.

"Babes?" sabi nito.

"Hmm..?" paungol na sagot niya dito, nasasarapan kasi siya sa pagmamasahe nito.

"Wala ka namang na-encounter na mga babaeng nagpapansin sa'yo sa restaurant at doon sa venue na pinuntahan mo?" curious na tanong nito.

Saglit s'yang natigilan sa tanong nito. Sa totoo lang ay napakadami pero hindi na niya alintana ang bagay na iyon dahil ang puso't isip niya ay nakatuon lamang dito at wala ng iba.

"Wala naman babes at kung mayroon man ay wala akong paki-alam." sagot niya sa nobya.

Kahit na ang totoo ay may isang babaeng gustong kunin ang number niya at tinanong pa nito kung may girlfriend na siya pero ayaw na n'yang banggitin pa dito ang tungkol sa bagay na iyon dahil ayaw niya itong bigyan ng rason para magselos at isa pa ay wala naman itong dapat ikaselos dahil wala naman talaga s'yang tinitingnang ibang babae bukod dito.

"Talaga?" nasisiyahang tanong nito.

"Oo naman babes!" sagot niya habang humaharap dito.

"Wala kang dapat ipangamba babes dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko at pakamamahalin hanggang sa pagtanda natin." madamdamin pang sabi niya dito.

"Hindi pa man tayo kasal ay pag-aari mo na ako, sa'yo lang itong puso ko, sabay kuha n'ya sa kamay nito at iginiya iyon sa tapat ng dibdib niya.

"Sa'yo lang din itong kaluluwa ko, ginaya pa niya ang sinabi nito sa kan'ya noong nakaraang araw.

"At lalong sa'yong-sa'yo lang din itong alaga ko." sabay hawak n'ya ulit sa kamay nito at iginiya naman n'ya iyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Pinanlakihan ito ng mga mata pagkuwa'y pinamulahan ng mukha.

Tawang-tawa naman siya sa naging reaksiyon nito, talagang napaka-cute nito kapag namumula kaya gustung-gusto n'yang lagi itong binibiro ng ganoon eh.

Nang makabawi ito ay pinaghahampas siya nito.

"Ikaw talaga babes! Kotang-kota ka na sa kapilyuhan mo sa akin!" namumulang sabi nito.

Natatawa lang na niyakap niya ito sabay pabagsak na inihiga sa kama at dinaganan. Pinakatitigan niya ang magandang mukha nito at kinabisado iyon.

Mula sa makakapal nitong mga kilay, sa malalantik nitong mga pilik mata, sa kulay tsokolate at mapang-hipnotismo nitong mga mata, sa matangos nitong ilong, sa cute nitong dimple sa pisngi at sa manipis nitong labi na kay pula at kay sarap halikan.

Inangat niya ang kan'yang palad para hawakan ang mukha nito at masuyo niyang dinampian ng halik ang mapang-akit na labi nito.

"Mahal na mahal kita babes, palagi mong tatandaan iyan." bulong niya dito.

"Mahal na mahal din kita babes." sagot ni Joy na buong pagmamahal ding nakatitig sa kan'ya.

Sa isip ni Joy ay sana palagi silang ganoon at walang magbago sa pag-ibig nila sa isat-isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status