Share

Kabanata 6: Jade's Insistence

Nagmamadaling nagtungo si Ricks sa opisina dahil bigla siyang ipatawag ng kanilang manager.

Sa isip niya ay ano kaya ang nagawa niya at kailangan s'yang ipatawag nito? Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang customer complain ngayong araw at kahit na kailan ay wala pang customer ang nag-complain sa kaniya at sa serbisyo niya pero maya-maya din ay bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay nangungulit sa kanya.

“Posible kayang ito ang nagreklamo sa kanya?” Sa isip niya.

Nakatatlong katok muna siya sa pinto bago niya narinig na nagsalita ang manager niya.

"You may come in." narinig n'yang sabi nito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa loob ng opisina.

Pagpasok pa lang niya doon ay tinanong agad niya ito.

"May customer complain po ba sa akin ngayong araw ma'am?" kinakabahang tanong niya dito. Kadalasan kasi ng mga ipinapatawag nito sa opisina ay ang mga crew na may mga customer complain at palpak ang trabaho.

Saglit na tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita.

"Wala naman kaya lang ay may isang babaeng customer kanina na nagbayad ng araw mo kaya makakauwi ka na." pabuntong-hiningang sagot nito.

"And by the way, gusto n'yang i-entertain mo siya nandoon na siya sa labas at hinihintay ka." dagdag pa nito.

Biglang napa tiim-bagang si Ricks sa sinabi ng kanyang manager. Sabi na nga ba at may kinalaman ang babaeng nangulit sa kaniya kanina kung kaya’t ipinatawag siya nito sa opisina.

"Ano pong ibig n'yong sabihin ma'am?" kunot-noong tanong niya dito dahil sa pagkaka-alam niya ay napaka-higpit ng manager niya pagdating sa trabaho at hindi nito pinahihintulutan ang ganoong mga pangyayari.

"Kilala niya ang may ari ng restaurant na ito at ang gusto niya ay payagan kitang mag half day ngayong araw para samahan mo siya. You may leave now-- ayaw kong mawalan ng trabaho." sa halip ay taboy nito sa kanya kahit ramdam niyang napipilitan lang itong paalisin siya.

Hindi lingid kay Ricks ang pagkakaroon ng gusto sa kaniya ng manager niya pero dahil alam nitong may nobya na siya ay normal lamang itong nakikipag-usap sa kaniya kung baga manager at employee lang ang turingan nila.

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya pagkuwa'y napatiim bagang siya.

Napaka-kulit talaga ng babaeng iyon hindi niya akalaing magagawa pa nitong kausapin ang manager niya para lang masunod ang gusto nitong samahan niya ito, napaka-childish! Sa isip niya.

Kaya naman kahit labag sa loob niya ay inis na lumabas na siya ng opisina.

Mabibigat ang hakbang na nilisan niya ang opisina at dire-diretso s'yang lumabas ng restaurant at sumakay sa motor niya, uuwi na lang siya dahil wala siyang panahong makipaglokohan sa kahit na sinong babae.

Pero hindi pa man niya napapaandar ang motor niya ay may humarang na sa daraanan niya at pagtingin niya dito ay ito ang babae kanina.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita dito, ayaw niyang maging bastos lalo na sa harap ng mga babae pero ang isang ito ay inuubos ang pasensiya niya.

"What exactly do you want from me ma'am?" nagtitimping tanong niya dito. Kahit paano naman ay marunong siyang magsalita ng English dahil nakapag-aral naman siya hanggang high school at halos karamihan ng kumakain sa restaurant na pipapasukan niya ay mga foreigner kaya naman naging confident na din siyang magsalita ng English.

Naalala niya bigla ang nobya n'yang si Joy. Kapag nalaman nito ang nangyari ngayon ay natitiyak niyang magseselos ito at ayaw na ayaw niyang mangyari iyon.

"Masyado ka namang formal sa akin, wala na tayo sa loob ng restaurant kaya pwede mo na akong tawagin sa pangalan ko." sabi nito na hindi pinansin ang pagsusuplado niya dito.

"Hindi ko sinasayang ang oras ko sa mga walang kwentang usapan kaya sabihin mo na kung ano ang pakay mo." prangkang sagot niya dito.

"Okay, I want you." taas-noong sabi nito habang nakikipagsukatan ng titig sa kanya.

"Did I make it clear to you ma'am na mayroon na akong girlfriend at magpapakasal na kami?" diretso at walang ligoy na tanong niya dito.

"I don't care! I just want you and you can't just leave me here, remember bayad ko ang araw mo ngayon." tila hindi nagpapatinag na sagot naman nito.

Kaya naman hindi na siya nakapag timpi pa at pinakawalan na niya ang kanina pa ay inis na nararamdaman niya dito. Akala siguro nito ay isa siyang laruan na kung kailan nito gustuhin ay pwede siya nitong laruin.

"Araw at serbisyo ko lang ang binayaran mo ma'am pero hindi ang buong pagkatao ko at wala akong sinabi sa'yo na bayaran mo ang araw ko sa restaurant na pinapasukan ko lalong wala akong panahon sayo." Tiim-bagang na sabi niya dito dahil lantaran itong nakikipag-flirt sa kaniya at hindi niya gusto ang bagay na iyon.

Nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha nito pero maya-maya din ay napalitan iyon ng galit.

"You can't just resist me! I'm Jade Isavedra, I like you and I want you! At kahit na anong mangyari ay mapapasa akin ka!" nagpupuyos sa galit na sabi nito.

Nagulat naman siya sa sinabi nito. Bibihira lang ang babaeng katulad nito na lantaran at napakataas ng confidence sa sarili at ang mga katulad nitong babae ang pinaka-ayaw niya.

Hindi niya akalaing makakakilala siya ng ganitong uri ng babae na gagamitin ang pera makuha lang ang gusto-- sa isip niya ay nababaliw na ito.

"Pasensya na ma'am pero hindi lahat ng tao ay mabibili mo ng pera, maganda ka at mayaman kaya nasisiguro kong marami kang makikilalang lalaki na kauri mo at magugustuhan ka, salamat na lang sa pagbabayad mo ng araw ko ngayon, ito at ibabalik ko na lang sa iyo." mahabang litanya niya bago siya dumukot ng dalawang libo sa wallet t'saka inabot dito ang pera.

Natulala naman ito sa ginawa niya at iyon ang ginawa niyang paraan para makaalis.

Pupuntahan na lang niya si Joy sa trabaho nito at doon hihintayin ito tutal ay hindi na siya pwedeng bumalik sa restaurant at bayad na ang araw niya ngayon.

Nagpupuyos naman sa galit ang naiwang si Jade. Napakalaking kahihiyan sa kaniya ang pagtanggi ng lalaki dahil ngayon lang niya naranasan ang matanggihan ng ganoon.

Halos lahat ng lalaki ay sinasamba siya pero ang isang ito ay tahasan s'yang tinanggihan.

Lolo siyang nagngitngit ng maalala ang sinabi nitong ikakasal na ito-- hindi siya makakapayag na hindi ito makuha kahit gamitin pa niya ang kaneksiyon niya sa ama makuha lang ito ay gagawin niya.

Nagdadabog siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon. Iniwanan pa niya ang trabaho niya sa sariling opisina, wala naman s'yang napala!

Samantalang maagang nakarating si Ricks sa department store ng Mall na pinapasukan ng nobya niyang si Joy. Closing ang duty nito pero hapon pa lang ay naroon na siya at naghihintay dito.

Naupo muna siya sa waiting shed na naroon at inilabas ang cellphone para maglaro.

Nasa kalagitnaan pa lang siya ng paglalaro nang may mag pop-up na text message sa cellphone niya at unknown number iyon.

Pagkabasa niya sa text message ay kaagad na namang nagsalubong ang mga kilay niya.

"You can't resist me, I will make you mine!"

From: Jade.

Dali-dali n'yang binura ang text message at binlock ang number nito-- hindi talaga siya tinitigilan ng babae.

Ngayon ay namumrublema siya kung paanong iiwasan ang babae ng hindi nalalaman ng nobya niya.

Ayaw niyang bigyan ito ng pagkakataon na makapasok sa buhay niya at pagselosan ito ng kan'yang nobya dahil alam n'yang napaka-vulnerable ni Joy at madaling masaktan.

Sukat sa naisip ay isang plano ang nabuo sa isip niya.

Pakakasalan na niya si Joy. Hindi na muna niya iisipin ang magarbong kasal na gusto niya para dito, ang mahalaga ngayon sa kan'ya ay ang maikasal na sila para tigilan na siya ng mga babaeng umaaligid sa kaniya lalo na ni Jade na kakikilala pa lang sa kan'ya ay napaka-obsessed na at ayaw niya ng ganoong babae na walang pakialam sa dignidad at nararamdaman ng ibang tao makuha lang ang gusto.

Oo nga at aaminin niyang maganda at sexy ito pero para sa kanya ay wala itong dating dahil may nagmamay-ari na ng puso niya-- si Joy lang at hindi na magbabago iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status