Share

Kabanata 34: Simone secretly likes her

"My gosh, ate! Napakaguwapo naman ng dating manager mo!" kinikilig na sabi ni Rhiya habang nakatingin kay Simone. Nasa counter ito at umo-order ng pagkain nila.

Hindi na nakatanggi si Joy dito nang sabihin nitong ito na ang magbabayad ng kakainin nila.

"Mas guwapo pa din ang kuya mo para sa akin Rhiya at walang makakahigit sa kaniya." nakangiting saad niya dito.

"Inlove na inlove ka talaga sa kuya ko ate. Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?" curious na tanong nito.

"Hmm.. simple lang, iba siya sa mga lalaking nakilala ko at alam kong kailanman ay hindi niya ako magagawang lokohin." seryosong sagot niya kay Rhiya na biglang ikinatahimik nito.

"Pero ate, paano kung--

Hindi na natapos ni Rhiya ang iba pa sanang sasabihin dahil biglang dumating si Simone kaya nabaling ang tingin nila dito.

"Here's our food." nakangiting sabi nito bago umupo sa tapat ni Joy.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina Rhiya?" tanong ni Joy sa babae pagkaupo ni Simone.

"Ha? Ah.. wala ate Joy, hindi naman importante
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status