Share

Kabanata 37: Painful Truth

Napatanga si Joy nang huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant ang sinakyang taxi ni Rhiya. Pagbaba nito ay dire-diretcho itong pumasok doon.

Alanganin namang sinundan ni Joy ang babae. Nahiya pa siyang pumasok sa loob dahil sa itsura niya. Nakasuot lang kasi siya ng simpleng bestida samantalang ang mga taong nakikita niya sa loob ng restaurant ay mga elegante tingnan. Naka bihis ng pormal ang mga ito samantalang siya ay para lang katulong 'pag dumikit sa mga ito.

"Do you have any reservations ma'am?" magalang na tanong ng waiter kay Joy nang makapasok siya sa bungad ng restaurant.

Alanganing-ngiti ang sinukli niya sa waiter.

"Ah.. may hinahanap lang kasi akong isang tao." sagot niya habang palinga-linga sa paligid.

"May I know who is the person your looking?" tanong ulit nito.

"Ricks Gregorio." maikling sagot niya, hindi siya mapakali dahil hindi niya matanaw sa pwesto niya ang hinahanap.

"Yes, we have customer named Ricks Gregorio here, family member po ba kayo?" tanong ulit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status