Share

Kabanata 61: Insults her with lies

"Sinungaling ka!" duro ni Jade sa babae ng asawa niya.

"Hindi ka na nga nakuntento sa pakiki-apid mo sa asawa ko ay balak mo pa kaming sirain!" dagdag pa niya na hindi na napigilan ang matinding galit na biglang lumukod sa dibdib niya.

Oo nga at hindi siya mahal ng asawa pero ang ipamukha pa mismo sa kaniya ng kabit nito ang bagay na iyon ay sobrang napakasakit para sa kaniya.

"Hinding-hindi ko sa'yo ibibigay ang asawa ko! Ni ang makipaghati sa iyo ay hindi ko mapapayagan!" galit na sigaw na niya dito. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan na sila ng mga taong dumaraan sa hallway ng condo niya, walanghiy* ang babaeng ito para puntahan pa siya mismo nito sa sarili niyang bahay at sabihan pa nitong hiwalayan na niya ang asawa niya.

"Please nakiki-usap ako sa'yo, ibalik mo na sa akin si Ricks.. tutal ay ikaw naman ang umagaw sa kaniya sa akin. Masaya kaming nagsasama kung hindi ka lang dumating at pumasok sa eksena, kung hindi mo siya inagaw sa akin ay baka kami na ang kasal at mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status