Ilang beses na nag-ring ang phone ng Mama ni Serrie pero ayaw sumagot. Nasaan na ba ito? Gusto niya itong kausapin pero hindi ito sumasagot. Kailangan niyang tanungin ang ina niya tungkol sa mga narinig niya. Ang ina niya? Ang dahilan ng pagpapakamatay ng ina ni Hidan? Halos hindi siya makapaniwala.Hindi kailanman nakwento iyon ng Mama niya. Ngayon ay siya ang paghihigantihan ni Hidan. Hindi lang siya ang mapapahamak ngayon. Maging ang batang nasa sinapupunan niya, madadamay. “Dyusko po...” mahinang sambit niya nang matapos ang ilang ring ngunit hindi pa rin sumasagot ang Mama niya.Hindi siya pwedeng magtagal doon. Kailangan niya nang kumilos.Agad siyang nagtungo sa closet niya at pinagmasdan ang mga damit niya doon. Ang madalas na dinadala niyang bag ay iyong maliit. Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang magdala bukas ng medyo malaki-laking bag. Pinili niya ang mga damit na madalas niyang dalhin. Iiwan niya ang damit na hindi niya naman madalas gamitin. Makakabili pa siya ng
“Tatlong araw na siyang natutulog, 'di ba? Ayos lang kaya siya?”“Buntis siya. Asawa kaya ito ni Sir? Nagtataka ako. Ngayon lang nag-uwi ng babae si Sir. Ngayon ko lang siya nakita.” “Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yan.”Nakarinig si Serrie ng usapan sa paligid. Iyon ang dahilan para dahan dahang magmulat ang mga mata niya. Ang mataas na kisame ng isang kwarto ang bumungad sa kaniya.“Dyusko! Gising na siya! Dali magtawag tayo ng kasama.”“Gising na nga siya!”Sinundan iyon ng mga mabibilis na yabag palabas. Halatang tumakbo ang mga babaeng iyon matapos malaman na gising na siya.Nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan kaya muli niyang sinara ang mga mata. Nagising na lang ulit siya may nagche-check na ng BP niya. Nang magmulat siya ng mata ay isang pigura ng lalaki ang naaninag niya. Hanggang sa naging klaro ito.Sandro Alvarez?Kahit masakit pa ang katawan at namimigat pa ay bumangon siya. Agad siyang nilapitan ni Sandro at ng doktor na nasa tabi.“Huwag mong pilitin ang sarili mo,
Malaki ang pasasalamat ni Serrie kay Sandro at tinulungan siya nito hanggang sa maka-recover siya. Pinanindigan ng binata ang pagtulong sa kaniya alang-alang sa kahilingan ng namayapa nitong ama.Nasa isang probinsiya ngayon sila. Property ni Sandro ang malaking hacienda na ngayo'y naging pinakamalaking banana plantation sa buong lugar. Anim na taon na ang nakakaraan. Nanganak siya sa pangangalaga ni Sandro. Upang kahit papaano ay masuklian niya ang kabutihan ni Sandro. Nakipagkasundo siya rito na payagan siya ng lalaki na magtrabaho sa bahay. Walang ibang bakanteng trabaho na mai-offer kundi ang kasambahay. Wala ring kaso sa kaniya. Ang importante ay hindi siya magmukhang walang silbi sa bahay na 'yon.Natanaw niya ang batang lalaki na may bitbit na balde na maliit. Napabuntong hininga siya. Ilang beses niyang sinabi rito na huwag na itong tumulong. Pero ang tigas pa rin ng ulo.“Maglaro ka na lang doon, Edann. Sabi ko naman sa'yo kaya ko na 'tong mag-isa, e. Madisgrasya ka pa diya
Sa ngayon, tama si Sandro. Mas makapangyarihan si Hidan kaysa sa kanila. Magagawa nitong kunin sa kaniya ang anak nila pag nagkataon. Kahit gustong gusto niya na itong harapin at sumbatan ito sa mga ginawa nito sa kanila noon, hindi niya magawa. Dahil wala siyang laban dito. Nakikitira lang siya sa poder ni Sandro. Maging si Sandro ay walang laban kay Hidan. Kaya ano pa ang saysay ng paglaban kung alam nilang talo rin sila sa huli?Bago mag-eight ay nakasakay na sila sa sasakyan nina Sandro tungo sa planta sa kabilang bayan. “Aalis po tayo? Saan tayo pupunta?”Hindi niya na halos napansin ang mga tanong ni Edann. Nagmamadali na sila. Ang sabi'y mga bandang ten ng tanghali ang dating ni Hidan.Base sa narinig niya'y biglang nagkaenteres si Hidan sa banana plantation ni Sandro. Ayaw talaga ni Sandro kay Hidan. Pero kailangan itong pakisamahan ni Sandro dahil na rin sa utang na loob ng ama ni Sandro sa ama ni Hidan. Nakahinga lang ng maluwag si Serrie nang umandar na ang sasakyan. Nak
“Ano naman ngayon? Baliw na kung baliw pero wala akong pakialam. Tapos na, nagawa ko na!” sigaw ni Amara. Nagtagis ang bagang ni Hidan matapos marinig ang mga sinabi ni Amara. Tila saglit siyang nawala sa katinuan nang lapitan niya si Amara at hawakan ito sa leeg. Natagpuan niya na lang ang sariling sinasakal na si Amara at dinidiin niya na ito sa pader ng silid.“What did you say?” mariin niyang tanong sa babae.Nakakatusok ang mga titig na pinukol niya kay Amara habang puno ng pagtataka at gulat sa mga mata ng babae. Halatang naguguluhan ito dahil sa inakto niya ngayon. “H-Hidan, baby. Hindi ako m-makahinga...” nahihirapang sambit ni Amara. Tila maiiyak na rin ito at nagsisimula nang mamutla.Mas dumiin pa ang hawak niya sa leeg nito. Habang nag-aalala siya at hinahanap si Serrie biglang susulpot sa harapan niya sa Amara para sabihing ito ang nag-utos na sirain ang break ng sasakyan ni Serrie. Sinong hindi madedemonyo sa narinig niyang 'yon? For fvck sake! Ang buntis na si Serrie
Umaasa si Serrie na sa sagingan siya ilalagay. Kahit maghahakot ng saging ayos lang kaniya. Pero nagulat siya nang malaman na sa opisina siya ilalagay. Nandoon ang secretary ni Sandro para ituro sa kaniya ang mga dapat gawin. Hindi ito ang first time niyang magtatrabaho sa mismong opisina.Nagtrabaho na siya noon sa kompanya ni Hidan kaya hindi na siya hirap na magsimula ngayon doon. “Ang bilis mong matuto. Sana dito ka na lang noon kaysa sa mansyon. Masakit sa ulo pero hindi kasing hirap noong trabaho mo sa mansyon,” ani Trixie ang kasama niya.Ngumiti lang siya. Si Trixie ay anak ng cook sa mansyon. Nang makapagtapos ng college ay sa plantasyon kaagad nina Sandro nag-apply. Ayaw niya rin sapawan pa ang mga tauhan ni Sandro sa mga trabaho nito. Hindi na siya magde-demand. Tinanggap niya ang maging katulong ni Sandro dahil sa utang na loob. Kaya ayos lang sa kaniya ang trabaho sa mansyon. Ngayong na-mention iyon ni Trixie ay na-miss niya tuloy ang trabaho niya sa mansyon.“Balita ko
Ilang beses siyang napalunok bago lumingon kay Hidan. Sinikap niyang ipakita ang pormal niyang awra. Kailangan niyang kumalma. Dapat makita nitong hindi siya apektado. Dapat isipin nitong wala lang iyon sa kaniya.“Po?” aniya nang tuluyan nang makalingon.Nakita niya kung papaano gumalaw ang bagang ni Hidan nang magsalubong ang mga mata nila. Gusto niya nang umatras pero hindi pwede. Gusto niya nang tumakbo palayo rito pero kailangan niyang manatili doon at harapin ito. “Serrie...”Sinikap niyang manatiling kalmado matapos marinig ang pangalan niya sa bibig nito. “Hindi po ako ang sekretarya ni Sir Sandro. Si Trixie po ang sekretarya niya. Tatawagin ko ho si Trixie para sa inyo.”Inignora niya ang binanggit ni Hidan. Umaktong hindi big deal iyon. “How are you Serrie?” ani Hidan nang akma na siyang tatalikod para umalis sana at tawagin si Trixie.Kunot noong nilingon niya si Hidan. “Bakit niyo ho ako kilala?”Tama! Ang pinaka unang sumagi sa isipan niya ay... magkunwaring may amnesi
“Hindi ko alam ang gagawin, Sandro. Bakit biglang ganito? Bakit bigla niyang naisip na gawin akong secretary?”Nanginginig ang kamay na kausap niya sa kabilang linya si Sandro. Tapos sabihin ni Hidan iyon ay agad niyang sinabi kay Sandro ang desisyon ni Hidan.“Hahanap ako ng paraan para makumbinsi siyang huwag kang kunin na-”“Hindi! Hindi! Huwag mo siyang kausapin ng tungkol doon. Pagdududahan niya tayo!” agad niyang sansala.Malaki ang tsansang magduda si Hidan kapag si Sandro pa ang kukumbinsi kay Hidan para sa kaniya. Matalino si Hidan. Tiyak na bibigyan agad nito ng kahulugan ang lahat ng mapapansin nito. “Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya. Sa ngayon... iyon na lang ang tanging magagawa ko.” Tensyunadong napalunok siya.“Oobserbahan ka niya, Serrie. Kaya ka niya kukuning secretary at kaya gusto niyang malapit ka sa kaniya. Mag-iingat ka.”Mas lalo lang siyang kinabahan sa huling sinabi ni Sandro. “Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagpalit ako sa'yo. Wala namang k