NANG natapos ang meeting ni Manuel ay hindi na niya nagawa makipag-usap at nagpaalam sa mga ka meeting niya. Hindi ba siya nag- aksaya ng sandali para bumalik doon sa loob ng opisina niya Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin na sinusundan siya ni Celine.Nang na nasa loob na siya ng kanyang opisina ay nilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang folders at laptop na bitbit niya. Hinubad niya na rin ang suot niya coat, atsaka isinampay sa may likod ng swivel chairs niya. Awtomatikong napatingin siya roon sa may pintuan nitong opisina niya ng magsalita ang babae. Nakikita niya si Celine na naglalakad palapit dito sa lamesa niya.Nakatingin lang siya sa babae. Ano naman ang pakay nito sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos maisip na representative ito ng company ni Senior Hercules.“What are you doing here?” Tanong niya na hindi na nakatiis. Hindi na siya dapat makipag-usap sa babaeng ito dahil alam niya na gulo lang ang hatid nito sa kanya at sakit ng ulo.“We need to talk,Man
AWTOMATIKONG napatingin siya sa cellphone niya ng umalingawngaw iyon na nakapatong sa ibabaw rin ng lamesa niya.Number ng house telephone niya ang naka registered sa caller ID ng cellphone niya. Bigla siya nabuhayan ng loob ng inaakala niya ay si Yza ang tumatawag. Ngunit ng sagutin niya ay dismaya na lamang siya ng nagsalita si Manang Salod nasa kabilang linya ng tawagan. Biglang napatayo siManuel sa swivel chairs na inuupuan niya. “Ano ang sabi mo Manang Salod? Nawawala si Yza?” Tanong niya na pilit pinoproseso sa kanyang isip ang sinabi ni Manang Salod nasa kabilang linya ng tawagan. “Sigurado ka bang nawawala siya?” Binagsak niya sa lamesa ang nakakuyom niyang kamao.“Pagdating ko dito,Sir. Nakabukas na ang maindoor at wala na si Yza dito sa bahay,” saad ni Manang Salod.Hinilot niya ang kumikirot niyang sentido. “Sigurado ka bang nawawala siya? Hinanap mo ba siya sa buong bahay, baka nandiyan lang siya at natutulog na hindi mo napansin,” aniya pilit pinapakalma ang kanyang sar
LIHIM nagtatangis si Yza, dahil sa pagkamatay ng kanyang Daddy Franco niya. Bakit nagawa ni Manuel na ilihim sa kanya. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay katulad siya sa kandila na paunti-unting nauupos. Wala na rin siyang sapat na lakas dahil sa nagpupumiglas na ginawa niya para lang makawala sa pagkakatali sa ksnya. Ngunit sa halip ay nagkakasugat lang ang balat niya at naging kulay violet na rin. Pilit niya pinoproseso ang mga nangyayari sa kanyang isip. Ngunit kahit ang isip niya ay gusto na rin sumuko. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya at hopeless para sa kanyang sarili.Nanlalabo ang mga mata niya na napatingin doon sa pinto na pabalya binuksan. Pumasok si Mr Wong na nanlilisik ang mga mata nito sa galit na nakatingin sa kanya. Nagulantang na lamang siya ng binunot nito ang baril mula sa bewang nito atsaka tinututukan siya ng baril sa ulo. Pakiramdam niya ay mas lalong tinakasan siya ng lakas. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang takot nang mga sandali
Natawag niya na yata ang lahat ng santo nang mga sandaling iyon. Para sa kaligtasan ni Yza at ng baby nasa sinapupunan ng dalaga. Sakaling may masamang mangyari sa kay Yza at sa pinagbubuntis nito. Siya ang dapat sisihin. Hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Kasalanan niya ang nangyari kay Yza. Kung hindi niya na lang sana iniwan na mag-isa ang dalaga. Sana hindi ito nangyari kay Yza, sana nagawa niya itong protektahan. Marahas siya napabuntong-hininga ng malalim, inipon niyon sa kanyang dibdin pagkatapos ay pinakawakan niya rin ang hangin. Pakiramdam niya sobrang bigat ng nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.“Drive faster, Raider. Wala tayo sa prosesyon,” angil niya pakiramdam niya kasi sobrang bagal ng pagpapatakbo ni Cm sa kotse minamaneho nito at ang tagal nila makarating ng ospital.“Hindi tayo p'wedeng over speed,” palatak sabi ni Cm. “Relax, sandoval malapit na tayo sa ospital.” “Paano ako mag-relax, Raider?” nagpapagot ang ngipin sabi ni Manuel. “Nasa p
KANINA pa nalipat ang dalaga dito sa private room ng hospital.Matalim na napabuntong-hininga si Manuel habang pinagmamasdan si Yza. Hindi pa rin ito nagkamalay-tao. Sabi ng Doctor ay natural lamang ang nangyayari sa dalaga at walang dapat ikabahala. Ngunit bakit hindi pa rin ito nagigising? Ilang oras na rin ang nakalipas buhat ng nawalan ito ng malay. Hinawakan niya ang kamay ni Yza, hindi pa rin nawawala ang marka sa bandang pulsuhan nito gawa ng mahigpit na pagkakatali at nagkaroon din ng maliliit na sugat ang makinis nitong balat. Nagtatagis ang bagang niya sa tuwing maalala ang ginawang kahayupan ni Mr Wong. “Sweetheart,wake up please. Nag-aalala na ako sa’yo,” aniya kinakausap si Yza kahit na nanatili tulog ito at hindi sigurado kung naririnig nito ang mga sinasabi niya.“Im sorry, hindi kita nagawang protektahan. Sorry kung iniwan kita mag-isa, Im sorry…” dinala niya sa kanyang mga labi ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likod ng palad nito. Awang-awa siya sa itsura ng d
NANG naramdaman niya na umalis na si Manuel. Tahimik siya umiiyak sa ilalim ng kumot na nakatalukbong sa kanya. Marami siyang katanungan sa kanyang sarili. Mga katanungan na gusto niya itanong sa kay Manuel na tanging ito lang ang makakasagot sa kanya.Ngunit paano niya simulan ang maraming tanong niya? Dahil duwag at natatakot siya sa magiging sagot ni Manuel. Kaya niya bang tanggapin ang mga sasabihin nito sa kanya.Gayon pa man ay alam niya sa kanyang sarili na hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa binata. Pero bakit nagawa nitong ilihim ang kaugnayan nito sa Daddy Franco niya? Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ng Daddy niya? Gayun palagi naman sila magkakasama. Aaminin niya na masama rin ang loob niya para sa Daddy Franco niya pero sa loob ng labing-siyam na taon ay nagiging mabuting ama ito sa kanya at pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Kaya nga hindi siya nagduda noon na ampon lang pala siya ng mag-asawang Calvajar. Ni
TAHIMIK si Yza habang kumakain. Naasiwa rin siya sa uri ng mga titig sa kanya ni Manuel. Tila may gusto itong sabihin ngunit hindi nito maisatinig. Deadma lang siya. Dahil hindi pa siya nakakapag-isip ng mabuti. Talagang hindi pa nag sick in sa kanyang isip ang mga rebilisasyon nalalaman niya.Higit sa lahat alam niya sa kanyang sarili at kapag nagsalita siya ay hindi niya na kontrolado ang kanyang sarili. Tiyak makapagbitaw siya ng salita na hindi nila ni Manuel magugustuhan pareho. Nagrereklamo na gutom ang kanyang alaga sa kanyang tiyan. Ngunit pakiramdam niya ay bumabara ang pagkain sa kanyang lalamunan. Pinipilit niya lang ang kanyang sarili na lunukin ang pagkain. Pagkatapos ng ilang subo ay hindi niya na ginalaw ang pagkain nasa plato niya.“Busog na ako,” sabi ni Yza,binitawan ang kurbertos hawak niya “Sweetheart, kaunti lang ang nakain mo. Kailangan mong kumain ng marami para sa gan'on bumalik ang lakas mo,” sabi ni Manuel para subuan ng pagkain ang dalaga.“Sabing ayoko
WALANG tigil pa rin ang impit na pag-iiyak ni Yza. Tina dinudurog ng pinakamatalim na kutsilyo ang kanyang puso habsng pinagmamasdan ang dalaga na hilam ng luha ang mga mata nito.Hindi niya kayang titigan na lamang si Yza, sa gan'on sitwasyon. Tumayo siya mula sa stool na inuupuan niya. Napasabunot siya sa sariling buhok.Kuyom ang mga kamay niya, nagpapagot ang kanyang mga ngipin sa galit na tinitimpi niya at sa awa para sa dalaga.Tiim ang bagang niya habang naglalakad siya paroon parito sa loob ng silid. Galit na nararamdaman niya para kay Mr Wong at higit sa lahat para sa kanyang sarili. He's given Yza’s so much pain and betrayal.Pilit pinapakalma ni Yza ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay namamanhid na ang buong katawan niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay napakasama niyang anak. Hindi man lang niya nadamayan ang Daddy Franco niya sa mga huling sandali nito ng nabubuhay pa ito. Sa halip nagrerebelde siya at lumayas pa siya. Kung sumunod kaya siya sa