BIGLA ay pakiramdam ni Yza ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Dala ng sobrang takot niya sa sinabi ni Manuel na kaya nitong pumatay alang-alang sa kanya kung sino man ang magtangkang kunin siya mula rito.Pakiramdam niya tila hindi ito ang Manuel na nakilala at nakakasama niya nitong mga nakaraan buwan. Tila bigla naging mabangis ito at naging ibang tao ang Manuel na nakatayo sa may harapan niya na may hawak itong baril.Kusa naman nalaglag ang kanyang mga luha at nagsilandasan sa kanyang pisngi. Randam niya ang panginginig ng buong katawan niya, sa sobrang takot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa baril na hawak ni Manuel.Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng phobia sa baril.Hindi pa rin tumitigil kung sino man ang kumakatok sa labas ng pinto.Hinakbang ni Manuel ang mga paa nito palapit doon sa tapat ng pintuan. Hawak pa rin nito ang baril at ang daliri nito ay nasa trigger ng baril. Sumulip muna ito roon sa peephole ng pintuan. Muli inilagay nito
SIGURADO ka na ba sa desisyon mong ito,Manuel?” Tanong ni Attorney Sanchez. Parehas nasa labas sila ng private room ni Yza, nang mga sandaling iyon. Lumabas siya kanina mula sa loob ng private room para abangan ang pagdating ni Attorney Sanchez.Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Wala ng dahilan para itago pa natin sa kanya ang katotohanan, Attorney. Alam na rin niya ang pagkamatay ni Franco Calvajar,” aniya kuyom ang kamay niya. “I don't have any idea how she'll accept the fact…” Hindi niya na ituloy ang ibang sasabihin.Mahina na tinapik siya sa balikat ni Attorney Sanchez. “Kilala ko si Yza at nasubaybayan din ang paglaki niya hanggang sa nagdadalaga na siya. Maunawain at mabait na bata ‘yan. She'll understand.”“Sana nga attorney, maiintindihan niya,” sabi ni Manuel na naghihirap ang kalooban niya. Nag-alala siya sa magiging reaksyon ni Yza kapag nalaman nito ang huling habilin ni Franco Calvajar. Hindi niya rin lubos maisip kung bakit ginawa iyon ni Franco. Ka
MATAGAL ng nakaalis si Attorney Sanchez. Nginit nakatitigal pa rin si Yza. Pakiramdam niya ay pinasabugan siya ng unclear bomb galing North Korea, sa mga rebilisasyon nalaman niya. Pilit pa rin nita pinoproseso sa kanyang sistema ang mga nalaman niya. Ang nangyari sa Daddy Franco niya, Ang Tita Farah niya. Sa isang milyon pag-iisip niya ay hindi niya naisip na si Tita Farah ang tunay niyang ina. Higit sa lahat si Manuel ang ginawa nitong paglihim sa kanya. Ang lalaking pakasalan niya dahil sa kagustuhan ng Daddy Franco niya. Ang lalaking naging dahilan kung ba’t siya lumayas sa kanila. Napakahirap tanggapin ang mga nalaman niya.Mababaliw na yata siya sa kakaisip. Wala na rin siyang may mai luluha pa dahil natuyo na rin ang mga mata niya sa walang tigil na pag-iyak. Pakiramdam niya ay namamanhid na rin ang buong katawan at sistema niya.Napakasakit lang isipin na ang mga taong nasa paligid niya at mga taong minahal niya ay nagawang mga lihim at magsinungaling sa kanya. Pakiramdam niy
“Pweeh! Maano ba naman na rape victim ang babaeng pakasalan mo Manuel? At ang dinidilaan mo ay naunang ng nadilaan ng hayop na lalaking iyon.” Pinukol niya ng matalim na tingin si Manuel. Wala itong imik at bigla na lamang natahimik na nakatitig lang sa kanya. May nakikita siyang emotions sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya na lamang binigyan ng pansin iyon.“Kasalanan ninyo ni Daddy kung bakit ako ginahasa noong gabing iyon,” Naiiyak niyang sabi. Hindi niya na kayanin na maging tapang-tapangan sa harap ni Manuel. “And the worst, dinadala ko ang kahayupan ng lalaking pinagsamantalahan ako,” aniya pinanghahampas ang maumbok niyang tiyan. “Stop it,Yza! Walang kasalanan ang anghel nasa sinapupunan mo!” sabi ni Manuel sa mataas nitong boses. Hindi niya inaasahan na sigawan siya ni Manuel. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya ng mahigpit. Nasasaktan siya sa mahigpit na pagkakahawak ni Manuel sa dalawang mga kamay niya. Tila katulad sa bakal ang mga kamay nito na naka
BUO na ang pasya ni Yza na huwag nang umuwi roon sa condo unit ni Manuel. Sa halip bumalik siya sa poder ng mag-inang Tiya Lucing at April. Ngunit hindi na nakatira sa dating tinitirhan squatters ng mga ito. Kung di sa bagong bahay na binigay ni Manuel nasa isang exclusive subdivision na pagmamay-ari rin ng pamilya ni Manuel.Ilang araw na rin siya nandito simula nang lumabas siya mula ospital. Kasalukuyang nasa veranda siya dito sa second floor, na nagpapahangin upang makalanghap ng sariwang hangin.Kailangan niya muna lumayo sa kay Manuel, para sa gan'on ay makapag-isip ng mabuti. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siya na tanggapin ang mga nalaman niyang rebilisasyon. Sa tuwing naiisip niya ang lalaking tinakasan niya na nakatakdang pakasalan niya dahil sa kagustuhan ng Daddy Franco niya. Ang lalaki nagbigay sa kanya ng bagong tahanan, bagong pag-asa sa kabila ng pagkakadapa niya. Ngunit sa likod niyon ay plano ng Daddy niya at ni Manuel. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng
SAMANTALA nagising si Manuel mula sa mababaw niyang tulog ng umalingawngaw ang alarm clock niya. Papungas-pungas siya bumangon para turn off ang cellphone niya na umalingawngaw ang alarm clock n’on. Mabigat ang kanyang pakiramdam. Particular ang kanyang ulo. “Damn this hangover,” naiinis niyang sabi sa sarili. Lasing na naman siya nakauwi dito sa bahay niya. Nang nagdaang gabi. Ginagawa niyang uminom muna bago umuwi para sa gayon ay makatulog na siya agad pag-uwi niya at higit sa lahat hindi niya maiisip si Yza. Simula ng hindi na umuwi si Yza dito sa condo unit niya ay dito na sa sala siya natutulog sa mahabang sofa. Ayaw niya matulog doon sa loob ng kwarto dahil bawat sulok ng kwarto ay pinapaalala lang sa kanya ang dalaga lalo na ang kama. Simula ng naghiwalay sila ng dalaga ay nakaramdam siya na tila may kulang sa pagkatao niya. Hindi niya rin masisi ang dalaga kung galit pa rin ito sa kanya. Malaki ang naging kasalanan niya kay Yza. Ngunit pinagsisihan niya na ang kasalan
“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo Yza?” Tanong ni Tiya Lucing na tinititigan siya ng mabuti. Tila ba sinusuri nito king talagang buo na ang kanyang desisyon.Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. “Sigurado na po ako,Tiya Lucing. Tama po kayo ni April. Dapat harapin ko ang problema ko at hindi tinatakasan. Minsan na po ako nagkamali pero ano ang napala ko?” Huminga siya ng malalim atsaka pinakawalan din agad. “Mas lalong napahamak po ako. Mabuti na lang nandyan kayo ni April na naawa sa akin at kinupkop n’yo ako,” maluha-luhang sabi ni Yza.Hinawakan ni Aling Lucing ang dalawang kamay ni Yza. “Talagang hindi na magbago ang isip mo,Yza? P'wede naman na dito ka muna para may kasama kami ni April.”“Nay, paalisin mo na si Yza,” sabad naman ni April na kanina pa ito nakikinig sa usapan nila ni Tiya Lucing. “April,” saway ni Aling Lucing.“Ang ibig ko pong sabihin umalis na siya para makapag-usap na sila ni Manuel at maayos na nila ang problema nila sa isa’t isa kaysa pahir
“HUWAG na, ako na lang ang bumalik sa condo unit niya. Ako naman ang nag-walk out.”“That's my friend,” palatak sabi ni April. “Support ko ang buhay pag-ibig mo.” Turan nito na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. “Tawag na ba ako ng taxi?”“Yes, please. Magbibihis na rin ako para sa gan'on makaalis na tayo.”Tumayo siya mula sa inuupuan niya sa gilid ng kama. Hinakbang niya ang kanyang mga paa gamit ang saklay pa rin niya, patungo roon sa loob ng banyo, upang maligo at magpalit na rin ng damit. Umalis na rin si April, para tumawag ng taxi doon sa labas nitong subdivision. Mahirap kasi kumuha ng bakanteng taxi dito sa loob ng subdivision. Madalas ang mga taxi dumadaan ay meron ng pasahero.Ilang minuto rin ang nakalipas. Tapos na rin maligo si Yza at nakabihis na rin ng damit pang-alis.Tinitingnan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng maternity dress, halata na rin ang umbok ng tiyan niya. Masuyo niya hinaplos ang kanyang tiyan. Tila naramdaman n