Share

Chapter 18

Pumunta silang dalawa ni Callix sa sinehan para manood ng pelikula. Tanghali na silang pumunta doon. Kumain na muna sila ng lunch. May kasama silang iilang bodyguards ni Callix. Panay lang ang tango ni Isabel kung ano'ng gustong gawin ni Callix. Nagugustuhan rin naman niya 'yon. Nage-enjoy naman siya na kasama ito. Pagkatapos nilang manood ng pelikula sa loob ng sinehan ay nagikot-ikot sila sa loob ng mall. Nakabuntot lang sa kanila ang mga bodyguards ni Callix. May mga nagsisitinginan sa kanilang mga tao na karamihan ay mga babae ngunit hindi naman nila pinapansin ito. Hindi naman siya kilala ng mga ito. Tanging si Callix lang naman ang kilala nito. May iilang babae siyang narinig na sinasabi na baka siya ang bagong girlfriend ni Callix. Natatawa siya sa isiping 'yon ng mga iilang babae ngunit hindi niya ginawa habang kasama si Callix.

Hindi inaasahan ni Isabel na bibilhan na naman siya ng bagong mga damit ni Callix. Naisip niya na sobra-sobra na 'yon na ginagawa ni Callix sa kanya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status