Share

Chapter 23

Pasado ala una ng hapon nang kumain silang dalawa ng lunch. Matapos 'yon ay bumalik sila sa kubo kung saan sila matutulog sa loob ng isang linggo habang nagbabakasyon sa beach resort na 'yon. Hindi lang basta kubo 'yon. Iyon ang pinagi-stay-an ng mga turistang pumupunta sa lugar na 'yon. Mas gusto nga ng karamihan ang ganoon kasi unique pagmasdan. Feel na feel mo talaga ang pagbabakasyon na malayo sa siyudad.

Mainit pa kasi sa labas kaya doon muna silang dalawa nanatili sa loob. Habang nakadungaw si Isabel sa may binata ay nakatanaw siya ng isang duyan na nasa ilalalim ng dalawang punong niyog na hindi naman gaano kataasan. Nagkaroon tuloy siya ng ideya na puntahan 'yon. Hindi naman mainit sa parteng 'yon dahil sa may mga punong niyog doon. Malapit na 'yon sa may dagat.

Dali-daling naglakad si Isabel ngunit nakasalubong niya si Callix sa may pinto kaya naman ay tinanong kaagad siya nito kung saan siya pupunta.

"Saan ka pupunta? Lalabas ka ba?" tanong ni Callix sa kanya. Mabilis nama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status