"She's looking at us."
"Who?"
Umirap ito. "Sunday, of course. And them."
Napatingin s'ya sa paligid. Nakatingin sa kaniya ang mga kababaihan. Sanay na naman s'ya doon at wala s'yang pakialam.
"Is this your plan?"
"Huh?"
"To get her jealous?"
"Yes," agad naman nitong sagot.
"That's childish." Tinanggal niya ang kamay nito sa kaniya. Hindi na naman nito iyon ibinalik. "If you want to get David then do it in your way 'cause I'm doing mine."
"But this is the easiest way."
Tumigil s'ya sa paglalakad. "Really?"
Nangunot naman ang noo nito. "Is that what you want? You want me to tell her myself?"
"Isn't that what you want too?" balik niyang tanong. "What's the use of using me? You think I'm useful to get him?"
Humalukipkip ito. "Fine then. I'm going to have my own way as you said and I can't promise
Umuubo-ubo nang magising si Sunday kinabukasan. Sinisipon din s'ya at medyo sumasakit ang kaniyang ulo. Binalingan muna niya ang anak at siniguradong hindi ito mahuhulog sa kama at saka lumabas na. Naabutan niya si David na nasa kusina. "H-Hindi ka umalis?" Nilingon s'ya nito na ngayon ay nagtitimpla ng kape. "Nope." Lumapit ito sa kaniya at hinalikan s'ya sa pisngi. "Good morning." Napatitig ito sa kaniya pagkatapos. "Masama ang pakiramdam mo? You don't look well." Umiling naman s'ya. "Hindi, ayos lang ako. Masakit lang ang lalamunan ko dahil naparami ang inom ko ng beer kagabi." "Huwag kang pumasok." "Hindi pwede." "Sunday." Lumapit s'ya sa rice cooker para sana magluto pero nakita niyang mayroon ng laman 'yon. "It's done already. Umupo ka na lang do'n. Igagawa kita ng tea." Ngumiti naman s'ya at sinunod ito. Maya-maya lang din ay lumapit ito sa kaniya. "Starting next week, hindi ka
🔥🔥🔥🔥🔥Kung hindi lamang ito guest sa hotel na ito'y kanina pa sana sinagutan ni Sunday ang babaeng ito na kanina pa nananadya."Oppps," maarteng bulalas ni Abby na kunwaring nasagi ang isang galloon na nips. Nagkalat tuloy ito sa sala. Idagdag pa na mga bilog ito at madulas kaya kung saan-saang direksyon na iyon nagkalat sa carpeted na sahig. Kanina ay sinadya nitong ilaglag ang basong hawak, muntik pa nga s'ya noong matalsikan sa mukha dahil nagpupulot s'ya ng mga basurang sinadya yata nitong ikalat.Nagtitimping inipon iyon ni Sunday pero maya-maya'y hindi na s'ya nakatiis kaya hinarap na niya ang babae na ngayon ay nakangisi na sa kaniya."May problema ka ba sa'kin?" tanong niya. Sumasakit na rin ang ulo niya kaya hindi na niya kaya pa ang pananadya nito. Kanina pa s'ya naglilinis pero hindi s'ya matapos-tapos dahil panay din ang kalat nito."What do you think?"Napairap s'ya sa kawalan. "Kaya nga tinatanong kita
Nagising si Sunday nang makarinig nang kalabog mula sa labas kaya bumangon s'ya para tingnan iyon. Hindi na gaanong kumikirot ang ulo niya pero alam niyang may lagnat pa rin s'ya."Matteo--" Natigilan s'ya nang makita ito sa sahig at may dugo sa gilid ng labi. Tiningnan niya ang may gawa niyon at kahit nakatalikod ito sa gawi niya'y kilala niya ito."Anong ginawa mo sa kaniya?" galit na tanong ni David.Ngumisi si Matteo at saka tumayo. "I'm just taking care of her since she is sick. Why? Takot ka na ba ngayon na maagaw ko s'ya sa'yo?--- Ah fuck!""David!" bulalas niya nang suntukin muli nito si Matteo. Lumingon sa kaniya ang lalaki at agad na lumapit sa kaniya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito."Let's go.""Bitawan mo ako. Nasasaktan ako David," bawi niya sa braso dahil masyadong mahigpit ang kapit nito at nasasaktan s'ya ngunit hindi nito iyon binitiwan imbis ay hinila s'ya."I'm so much worried about you pero nandi
Para s'yang nakikipaglaro ngunit hindi niya makuha ang tamang sagot para ipanalo ang larong 'yon. Will she be happy if she choose David over Matteo? And if she does, pareho pareho silang masasaktan, iyon ang nakakatakot doon. Matatali sila sa isang commitment na mahirap ng labasan kung hindi magiging maayos ang kalalabasan.Pero hindi, mahal naman niya si David, nagulo lang ang isip niya nang dumating si Matteo. Mahal nila ang isa't isa at sigurado s'ya doon. Ang kasal na ito lang din naman ang kaniyang hinihintay. Ngunit nariyan si Matteo. Isa pa sa ikinatatakot niya iyon. Paano kung kapag nagpakasal na sila ni David ay kunin nito sa kaniya si Lexi? Siguradong gagawa iyon ng paraan para makuha ito. Hindi niya kayang malayo sa kaniyang anak.Naguguluhan na s'ya. Hindi niya alam kung anong desisyon ang dapat niyang gawin."Ah, ma'am, paki-angat po ng braso," sabi ng tumutulong sa kaniya upang magsukat ng wedding gown. Narito sila sa at nagsusukat ng damit p
Ilang segundo muna ang lumipas bago makahuma si Sunday. Agad niyang inilayo ang katawan sa lalaki. "Bakit mo 'yon ginawa?"Kita niya ang mapaglarong ngiti nito sa labi pero agad din iyong nawala at naging seryoso."Kung hindi ko 'yon ginawa, wala ka sana dito sa harap ko ngayon.""A-Ano bang pumasok sa isip mo at bigla-bigla ka na lang nanghihila." Napatingin s'ya sa gilid at nakitang may ilang nakatingin sa kanila, particularly, kay Matteo."You didn't show at Amara for a week and the manager told me you've resigned.""P-Pero hindi naman 'yon dahilan para sumulpot ka na lang dito at manghihila ka na lang ng basta-basta dahil lang sa gusto mo." Naalala niya 'yong unang beses nitong hinila at makuha s'ya. At ang katagang 'yon ang palagi nitong binabanggit."I've missed you."Natigilan si Sunday habang nakatingin sa mga mata nito. Totoo ba ang sinabi nito? Hindi ba s'ya nito pinaglalaruan lang para lang makuha ang gusto?
Nakatayo si Sunday sa may railings, yakap-yakap niya ang sarili. Matapos ang nangyaring pag-uusap nila kanina ni Matteo ay hindi na muli silang nag-imikan. Matapos nitong sabihin iyon ay iniwan na s'ya nito doong walang ibang magawa kundi ang isipin ng isipin ang sinabi nito. Pinamimili s'ya nito. Bakit kailangan nitong gawin 'yon? Bakit kailangan nitong pahirapan s'ya ng ganito? Natigilan s'ya nang mapansing parang tumigil ang yate. At nang tumingin s'ya sa ibaba ay tama nga s'ya. Tumigil ito. Maya-maya pa'y nakita niya si Mang June na palapit sa gawi niya. "M-Manong June," bati niya sa matanda. "Bakit ho tayo tumigil?" "Ah, utos po kasi ni Sir Matteo." Nagtaka naman s'ya. Mukha namang nakuha nito ang pagtataka niya kaya muli itong nagsalita. "Sa parte kasi na ito maganda para mag-scuba diving." Napatingin naman s'ya sa gilid niya. Nakita niya ang islang pinuntahan nila noon. "Nasa baba si Sir Matteo. Kung nais rin
Matapos pakainin ang anak ay nakiusap muna si Sunday kay Jennie na bantayan si Lexi. Hindi nila nakasabay sa pagkain si Matteo at hindi pa niya ito nakikita simula kaninang pumasok s'ya dito sa resthouse.Lumabas s'ya para hanapin ito. Nagtungo s'ya sa dalampasigan at tumingin sa paligid. At sa kanan niya'y nakita niya ito. Sa harap nito'y kahoy na sinisigaan.Habang pinapanood niya ito ay ramdam niya ang malungkot nitong presensya. At kahit s'ya ay nadadala sa ipinapakita nitong emosyon.Napabuntong-hininga s'ya at lakas loob na lumapit sa lalaki. Walang imik s'yang umupo sa tabi nito. Tumingin naman ito sa kaniya."It's cold here," ani nito.Gustuhin man niyang magalit at sigawan ito dahil sa ginawa nito ay hindi niya magawa."Payag na ako," sabi niyang hindi tumitingin sa lalaki. Nakita naman niya sa gilid ng kaniyang mata na lumingon ito sa kaniya. "S-Sige. P-Payag na akong k-kunin mo si L-Lexi," garalgal ang boses niyang sabi pero
Nagising si Sunday nang wala si Lexi sa tabi niya ng umagang 'yon kaya agad s'yang kinabahan at dali-daling lumabas."Lexi anak?""Mama!"Nakahinga s'ya ng maluwag nang makita itong nasa salas at nakasakay sa elepante nitong stuffed toys habang binabantayan ni Jennie."Good morning ma'am."Nginitian niya ang dalaga at saka nagpalinga-linga para hanapin si Matteo."Hinahanap niyo po ba si Sir Matteo? Nauna na po s'ya sa resort. Kaninang madaling araw pa sila umalis ni Mang June."Napatango naman s'ya."Ihahanda ko lang po ang almusal. Kumain po muna kayo bago bumalik.""A-Ah.. Hindi na, ako na lang," sabi naman niya at agad na tinungo ang kusina. Ininit niya ang pagkain na nandoon at pagkatapos ay tinawag na ang mga ito. Pinakain niya si Lexi habang s'ya naman ay panaka-naka lang na sumubo. Kahit masarap ang pagkain ay parang wala iyong lasa sa kaniya."Si Mang June, nariyan na ba?" tanong niya kay Jennie hab