Share

Chapter 2

MACKENZIE LAZARO 

Pumasok ako sa office namin na may ngiti sa labi at saka ako umupo sa may upuan ko na nakangiti.

"Oh bakit ka nakangiti diyan?" tanong ni Kyomi sa akin.

"Masaya ako baks kasi tapos na ang problema ko"chika ko sa kaibigan ko. Nakataas parin ang isang kilay niyang nakatingin sa akin.

"Really? Paanong nangyari yun aber? Wala ka namang ginawa kundi ang lumabas lang saglit ah. Wala pa ngang 15 minutes eh" sabay tingin pa sa relo nito.

"It's a miracle" I smiled at her na lalo atang nagpagulo sa kanya. Yes, I can say that is was a miracle especially that our new CEO ang gumawa ng paraan.

"Ano ba Macky!?" sigaw niya sa akin. Ewan ko ba sa babaeng ito at parang kasalanan ko pa kapag hindi ako magkwento sa kanya. Naging mandatory na ang pagshashare ko sa kanya.

"Sa atin lang ito ha?" pinanlakihan ko siya ng mata. Alam ko na kasi ang magiging reaction niya kapag sasabihin ko. Minsan ang mga pagtili at pagsigaw niya ay nagcacause ng chissmiss sa office.

"Yung CEO ang gumawa ng paraan" sabay kindat ko sa kanya and obviously hindi agad siya maniniwala doon.

"Yung totoo Mac's. Paano?"

"Hindi ko rin alam basta pagpasok ko doon sa editorial office nandoon siya tapos pinapunta niya ako sa office niya" kwento ko. Natahimik siya sa saglit na tila nag-isip.

"Mac's Isang himala nga! Isang himalang panaginip!"

"Kung hindi ka maniwala, lumayas ka sa harapan ko" pagtataboy ko. She pouted her lips. Ayaw talaga maniwala.

"Pero tsk! Yung totoo kasi baks?" nakanguso parin siya. Napakamot nalang ako sa aking ulo. Parang ito pa ang naging problema ko ngayon imbes na tapos na.

"Totoo nga! Basta ang sabi hindi na daw mauulit iyon" inis na wika ko dahil sa totoo lang malapit ko ng masabunutan ang babaeng ito. Promise!

"Ibig sabihin niyang baks, malakas ka sa bagong boss" saka ngumiti. Malapad na ngiti, isang ngiti na may ibig sabihin.

"Huwag kang ano diyan Kyomi. SPG na naman ang tumatakbo sa utak mo" saway ko sa kanya. Nakakakilabot kasi ang paraan ng pagngiti niya.

"Haba ng buhok mo girl! Yan ang tunay na ganda!" tudyo niya sabay hawak sa baba ko na tila ba pinapaamo niya akong pusa. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi niya dahil kung papatulan ko ito baka bukas pa matatapos ang disgusyon. Iniisip ko nga rin kung bakit ako tinulungan ng bagong CEO? Hayssts! nakalimutan ko, para nga sa kumpanya pala iyon. Huwag kang assuming self okay?

"Oh tignan mo natulala ka agad"muling tudyo ng kaibigan kong bruha.

"Hindi ah!" depensa ko pero hindi talaga titigil. Maitatanong ko nalang talaga kung bakit siya ang naging kaibigan ko. Sa mga ganitong usapan active na active siya.

"Eh bakit ka nakatulala?" umiiling pa ito na tila ba nabisto niya talaga ako. Di lang niya alam na tama ang iniisip ko. Bukod sa para sa kumpanya iyon, masaya parin talaga ako kasi tinulungan niya ako.

"Bahala ka baks, isipin mo kung anong gusto mong isipin" suko na ako. Tumayo ako para kukuha ng tubig ko na iinumin ko at para matakasan ko na din ang makulit at chismosa kong kaibigan.

Ewan ko ba sa kumpanyang ito at parang school lang ang dating. Nasa labas ang water dispenser kaya kailangan ko pang lumabas mula sa office namin, at habang kumukuha ako ng tubig ng may biglang nagsalita sa mula sa aking likod.

"Ms Lazaro?" tawag sa akin ng boses babae at dahil sa hindi ko inaasahan dahil sa pagkagulat nabitawan ko pa ang water bottled ko buti nalang gawa ito sa stainless at hindi nabasag, nag cause lang ng ingay.

"Sorry po" paumanhin nito sabay pulot sa gamit ko at iniabot sa akin. Nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko na lang din siya.

"Yes po? anong kailangan nila?" tanong ko.

"Pinapatawag po kayo ni CEO?" walang kaexpre-expresyon ang mukha niya. Natigilan ako. CEO? Bakit kaya? May nagawa ulit kaya akong mali?

"Bakit daw po?" tanong ko sa lalaki na marahil secretary ni CEO. Iginaya niya ang kanyang kamay kung ibig sabihin ay maglakad na kami at nauna na siyang naglakad at sumunod na lamang ako.

I don't know kung ano ba ang mararamdaman ko, hindi ako sanay na pumupunta sa CEO's Office samantalang dati halos doon ang tambayan namin ni Kyomi nung hindi pa napapalitan ang CEO. Magkaiba kasi sila, kung ang dating CEO ay mabait, masungit naman ang pumalit.

Narating namin ang office niya and as usual naka upo lang siya sa kanyang swivel chair tulad ng pag-iwan ko sa kanya kanina lang.Nakakatutok lang siya sa monitor ng computer at hindi alintana ang pagpasok namin ng secretary niya.

"Sir?" tawag ng secretary niya at tanging "ummp?" lang ang lumabas sa bibig niya at hindi man lang nag effort na tignan kami.

Sa limang segundo na pagtitig ko sa kanya, nakita ko sa kanya talaga ang angking kagwapuhan. Makapal na eyebrows, pouted and pink lips, at upo palang nito ay talagang matikas dagdag sa kanyang kagwapuhan.

Lalaking lalaki ang datingan. Sa isip-isip ko, single kaya siya? Pero naalis lang ang pag-iisip ko ng kung ano-ano tungkol sa lalaking nasa harapan ko ngayon ng magsalita ang secretary niya.

"Maupo po kayo Ms. Lazaro" yaya niya sa akin at iginaya pa niya sa akin ang upuan at ngumiti ako sa kanya. Buti nalang mabait ang secretary niya, opposite talaga sila pero hindi pa ako nakakaupo ng magsalita siya.

"Who told you to do that?" nasa akin ang direksyon ng kanyang mata pero hindi ko alam kung kanino niya sinasabi, sa akin ba o sa secretary niya.

"Sorry po sir" yumuko ang secretary niya dahilan ng pagkabasa ko ng kanyang pangalan at siya si Claire.

Binaling niya ang kanyang tingin kay Claire dahilan para lumabas na ito, marahil nabasa niya ang ibig sabihin nito kasi hindi naman siya nagsalita pero alam niya.

Pagkalabas ng secretary niya ay siyang pag-iwan naming dalawa sa loob kung saan ramdam na ramdam ko ang kaba. Para akong nakaupo sa isang ordeal at papatawan na ako ng kaparusahan dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"I will give you another project" deretsong sabi nito at titig na titig parin sa akin.

"Ah, o--okay sir" utal na sagot ko at kinuha ko ang iniaabot niyang folder sa akin.

"But I don't want you to repeat your msitake, never again. Did you get me?" may diin ang pagkasabi nito.

"I will sir! Makakaasa po talaga kayo na hindi na mauulit iyon" pagsisiguuro ko na bakas parin ang ngiti sa aking mukha na kahit kabadong-kabado na ako.

"Make it sure Ms. Lazaro." sabi nito at tumango nalang ako. Wala ng imikan at hindi ko alam kung paano ako makakaalis. Baka may sasabihin pa siya sa akin.

"Meron po pa ba kayong sasabihin sir?" hindi ko na matiis. Gusto ko ng umalis dahil ramdam ko ang tensyon dito sa loob lalo na't nakatitig lang siya sa akin.

Gusto ko din salubungin ang mga mata niya pero hindi ko kaya, pakiramdam ko malulusaw ako.

"By the way, how old are you?" biglang tanong niya. Napaka out of the topic lahat ng mga tanong niya. Nakakagulat.

"Twe-twenty five po sir" utal kong sagot. Nakakailang kasi ang tanong niya at sa paraan ng pagtatanong niya. Napraktis ba niya na tuwing nagtatanong ay nakatitig lang saiyo ni halos hindi kukurap?

"You look so young and fresh" he said in a sexy tone. Para sa akin sexy ang pagkabigkas nito.

Nababaliw na ata ako! Ngumiti lang ako and I said "Thank you sir" pero nagbago ang expression ng kanyang mukha na tila ba nagdilim na ito at parang galit. Galit ba siya? May sinabi ba akong mali?

"I won't be surprised if you already have a boyfriend sa ganda mong yan" ngising sabi nito pero nasa mukha nito ang hindi ko mailarawan na pang-iinsulto. Ewan ko but I feel that way.

"But you cant--" napatigil siya ng pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto ng office niya at isang lalaking matangkad ang pumasok . Ngumiti siya sa akin at nakangiti ding tumingin sa CEO na naka-upo lang.

"Go back to your work" seryosong utos niya sa akin at ngumiti nalang ako at yumuko bilang tanda ng pagpa-alam ko sa kanya.

Hindi nga dapat ako yumuyuko eh, hindi naman niya ako secretary!

Bago ko pa masara ang pintuan ay narinig kong tinawag siya sa pangalang "Kingsley Weston Bamford, how are you? at hindi ko na narinig ang naging sagot ni sir Kingsley.

Napangiti ako at tuluyan na akong bumalik sa office namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status