Share

Chapter 3

KINGSLEY WESTON BAMFORFD

"What's the matter Hero?" tanong ko kay Hero, my private investigator and my friend as well. We both graduate in the same university but not the same course. I took Business Administration while he wants to become an agent. We are childhood friend so I really trust him on his works. 

"Who's the girl awhile ago?" ngiting tanong niya at sa kanyang mga ngiti ay may kakaibang ibig sabihin nito. 

"A journalist" maikling sagot ko. "So what's the matter? Any news? Why are you here?" sunod-sunod kong tanong. 

Hindi naman kasi mag aaksaya ng panahon na pupunta dito ng sa wala lang. I'm pretty sure na may ibabalita siya sa akin. 

"Bad news, nalaman kasi namin na dito mismo galing sa kumpanya niyo ang article and the worst thing is that your company is aware into this!" sabi nito na ikinagulat ko.

Paano galing dito sa kumpanya namin ang mga maling article na it supposed to be na sa amin ang tama kasi si Ms. Lazaro ang mismong may hawak nun. How come? 

"Say what? What do you mean?' gulong tanong ko, hindi ko maintindihan! F*ck!

"Naibenta ng legal yung article King, at may signature ang Daddy mo dito" 

"Come on Hero, hindi iyon magagawa ni Daddy sa company, especially for the girl he's f*cking!" halos pasigaw ko ng sabi dahil sa inis ko. 

"Relax Kingsley we don't know yet if it is the signature is genuine or not and believe me hindi iyon magagawa ni tito" pagpapakalma sa akin ng kaibigan ko but hell I can't! Yeah, Hero is right baka sadyang napeke lang ang signature ni daddy.

"Okay we need to check with the experts" suggestion ko para malaman talaga. Pwede nilang gamitin ang article na yun laban sa kompanya.

"Okay balitaan nalang kita. I have to go" saka na tumayo si Hero at aalis na. Tumango lamang ako pero habang nakatulala ako at hindi pa siya nakakaalis ay nagsalita siyang muli.

"By the way Kingsley, a woman earlier who is she?" anak ng! ihahabol pa niya talaga? Naka kunot-noo akong tumingin sa kanya, "your woman?" pang-aasar niya sa akin.

"Shut up! Just leave!" pagtataboy ko sa kanya pero mas lalo lang siyang tumawa sa naging reaction ko. Hindi ba niya alam na naiinis ako dahil yun ang babaeng iyon ang nagpabago ng buhay ng pamilya and I hate her the most. I promise not to love her! I swear!

"Tsk! Kingsley she's beautiful I like her, can I get---" hindi ko na siya pinatapos ng ibato ko sa kanya ang hawak kong ballpen kaya naman napahalakhak nalang siyang lumabas. 

'MACKENZIE LAZARO' yan ang pangalan na kailanman hindi ko makakalimutan. Naiinis at nagagalit ako tuwing naririnig ko ang pangalan niya mula kay daddy. 

Behind her innocent face, she such a gold digger woman! I will make sure that she will pay for what she did to my family. 

Ang hindi niya pag alis dito sa company ay kasali lahat sa plano ko and I want her to experience the bitterness of shame! 

MACKENZIE LAZARO

Naalimpungatan ako ng gising ng marinig ko ang panay pag ring ng cellphone ko. Hindi ko alam sino ito kung bakit kay aga aga eh tumatawag siya. 

Baka si Kyomi na naman ito! Dinampot ko nalang ito sa ibabaw ng lamesa at agad kong sinagot ni hindi ko na tinignan kung sino ito at dali-dali akong nagsalita.

"Oh ano na naman Kyomi? ang aga-aga alam mo istorbo ka talaga!" pasigaw kong sabi pero nagtaka ako bakit walang nagsasalita kaya naman nag hello ulit ako at laking gulat ko ng ibang boses ang nasa kabilang linya at doon ko tinignan kung sino ang tumawag at new number nga! Patay ka Macky!

"Hello? Sino po sila?'' ngayon ay malumanay na ako kesa kanina. Tumikhim muna ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita. Kinakabahan ako.

"Ms. Lazaro pinapasabi po ng CEO na papasok ka daw at seven in the morning" si Claire. Hala! Bakit na naman daw? Nataranta ako.

"Ha? Bakit daw po?" kabadong tanong ko. Biglaan na naman niya akong pinapatawag. Baka kung ano na naman ang nagawa kong mali.

"Basta yun po ang bilin niya sa akin" sabi ni Claire Total wala naman akong magagawa kaya susundin ko nalang ito.

"Sige po ma'am" sabi ko saka ko na binaba ang tawag at agad-agad na akong nagtungo sa banyo para maligo. Wahh! hindi ako sanay na ganito ang pasok ko!

'Ang lamig!' sigaw ko sa loob ng banyo dahil sa totoo lang ang lamig talaga ng tubig. Hindi ako sanay ganito kaaga maligo. 

Daig ko pa ang isang estudyante na nagmamadali dahil malalate na siya sa kanyang first subject. Grabe ang CEO na yun kung makapag demand! 

Daig pa akong secretary niya? Hindi ako secretary! Journalist ako! Pero sympre, wala din akong magagawa, pambawi ko nalang ito sa nagawa ko sa kanya at sa kumpanya.

Naku! naalala ko na naman ang tungkol sa article na yun. Bakit naman kasi ako nagkamali, ayun tuloy nakuha ng ibang producer/kumpanya.

Sakto ang dating ko 7:01 palang ng umaga, siguro naman wala pa si boss, ang sabi kasi sa akin ni Claire hihintayin ko nalang siya dito sa entrance ng company marahil hindi dito gaganapin ang meeting na sinasabi nila.

Maya-maya lang ay may dumating na magarang sasakyan sa mismong harapan ko, at isang lalaking napaka kisig ang bumaba mula dito na animo'y isang modelo ang dating. He's wearing black suit katerno ng sasakyan niya. He so stuning.

"Ms. Lazaro?" kunot-noong tawag niya sa akin. Hindi ko na pala namalayan na nasa harapan ko na siya at naaamoy ko na ang lalaking pabango niya na masarap sa ilong. Napaka fresh!

"Yes po sir?" taranta ko pero hindi ko ipinahalata at baka mapagalitan na naman ako. Nakaka pressure ang awra niya pero naibabagay parin naman sa kanya, gwapo padin.

"Sir saan po tayo pupunta?" tila nahihiya ko pang tanong. Sa totoo lang, hindi naman ako ganito makipag communicate sa ibang tao, haller!? journalist ako pero pagdating sa kanya, parang umaatras ang dila ko tuwing nakikipag-usap ako sa kanya.

'Get in the car." mariin niyang utos sa akin. "Hintayin mo ako sa loob at may kukunin lang ako saglit" dagdag pa niya.

The way he talk Tagalog ay may accent na hindi ko matukoy pero magaling siyang magtagalog. Tumalikod na at nagalakad na papasok sa building.

Hindi ko alam kung saan ako pwepwesto, kung sa may bandang likod ba o sa harap mismo na katabi ng driver seat? Dito nalang ako sa back seat at baka may kasama siya e di uupo sa may front seat.

Habang hinihintay ko muna siya ay nag open muna ako ng aking email at baka sakaling may ganap doon.

Busy ako sa kacecellphone ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko siya na nakatayo na doon, at dahil sa matangkad siya at naka upo ako kaya kita ko ang umbok na nasa harapan niya. Sh*t! Napalunok ako ng wala sa oras.

"Doon ka sa harap uupo at hindi diyan. Hindi mo ako driver" tila galit niyang sabi.

Hindi ko nakikita ang hitsura ng mukha niya pero rinig na rinig ko ang salita niya. For the second time, lumunok ako. Nakaka distract ang nasa harapan ko kasi. Hindi ba siya aware?

"What? Won't you move?" inis na nitong tanong at yumuko na siya para makita ako. Our eyes met, we staring in a seconds pero ako itong unang umiwas ng tingin. Hindi ko kaya.

Hindi nalang ako nagsalita at dali-dali nalang akong bumaba at nagpunta sa harap.

Ganun din ang ginawa niya at pumasok narin. So mean, just the two us? at saan naman kaya kami pupunta? Gusto kong magtanong pero huwag na nga lang.

"It will help you with the article that you are handling right now" seryosong sabi niya at pambasag sa katahimikan na namumutawi sa loob ng sasakyan. Sa akin ba siya nakiki-usap?

Hindi ako nagsalita at tipid nalang na ngumiti. Should I ask? or say thank you? Ano ba?

Nakakatakot naman kasi ang magsalita. Speakin of article na hawak ko ngayon na binigay niya kumakailan lang ay patungkol sa mining industry ng bansa.

"Ganyan kaba talaga katahimik?" sarkastikong tanong niya kaya hindi napigilan ng mata kong tignan siya.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil iyon lamang ang alam at bukod tanging gagwin ko dahil wala akong alam na sasabihin sa kanya o isasagot man lang.

"Sh*t!" mahinang mura niya pero rinig ko padin. Maya-maya'y ramdam ko na parang bumilis ang takbo ng sasakyan. Nakaramdam ako ng kaba at takot.

"Sir, mukhang bumilis ata tayo?" kunwari ko pang tanong para lang malaman niya na hindi siya nag-iisa sa loob ng sasakyan at baka nakalimutan lang niya.

Nakita ko ang pagngisi niya at parang sinapian siya ng katopakan o kademonyohan.

Dahil sa pagkasabi ko, mas lalo pa niyang pinabilis at abot-abot langit na ang kaba ko. Ayaw ko pang mamamatay. Kahit walang masyadong sasakyan sa kalsada ay nakakatakot padin.

"Sir!" medyo napalakas ang boses ko pero imbes na babagalan niya ay mas binilisan pa niya.

Racer ba ito? Hindi lang ako nainform? Baka naman may tinatakasan siya at idinamay lang ako? Maiiyak na ako sa nerbyos Lord!

"Sir, ano ba?! Kung gusto mong magpakamatay mag-isa mo lang! Huwag mo akong idamay!

Madami pa akong pangarap!" sigaw ko at halos maiyak na ako. Feeling ko talaga nasa racing competition kami eh.

Napasubsob ako sa lakas ng preno at hindi ko inaasahan iyon, buti nalang naka seatbelt ako dahil kung hindi baka tuluyan ng bumangga ang ulo ko sa harap ng sasakyan.

"You are afraid to die?" ngising tanong pa niya. Nang-aasar ba siya? O nag jojoke? Pwes hindi mabenta ang mga jokes niya! Hindi ako natutuwa!

"Oo naman! Dahil madami pa akong pangarap!" ingos ko sa kanya at hawak-hawak ko parin ang aking dibdib, dahil ramdam ko hindi pa naka pwesto ang puso ko na bahagya atang nagalaw mula sa pagkakaposisyon niya.

"Takot mamatay pero hindi takot makasira ng ibang tao?" makahulugan niyang sabi pero hindi ko gets. Hindi ko alam kung ang mga salitang iyon ba ay para sa akin o hindi.

Ang alam ko lang naman na nagawa kong mali ay ang article na last na hawak ko. Saka, hindi naman yun nakasira ng ibang tao ah? Honest mistake kasi iyon!

Hindi nalang ako kumibo dahil wala akong dahilan para makipag argue sa topak na CEO na ito.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho at sa ngayon ay katamtaman nalang ang takbo. Sa muli, silence hit us at ayaw ko na ako ang babasag sa katahimikan na iyon. Bahala siya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status