Chapter 17
Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan ni Chloe ay agad kaming sinalubong ng katulong na pinapunta umano ng kanyang mga magulang. Galing pa raw kasi ito ng probinsya kaya ngayon lang nakarating.Siguro naman ay may mag-aalaga na sa kanya rito.''Alis na kami,'' paalam ni Lance. Patalikod na kami ng biglang sumigaw si Chloe.''Pupunta na ba kayo ng school?''Tinanguan lang siya ni Lance.''Saglit lang! Sasabay na rin ako. Wala rin naman akong gagawin dito, eh.'' Bago pa man kami makatanggi ay dali-dali na siyang pumasok sa loob.Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na makapagsabi ng masasamang salita.Hanggang ngayon talaga ay hindi ko maiwasan ang mapaisip kung saang parte ba ng katawan n'ya mayroong masakit o bali? Dahil kung wala naman kasi ay ako na mismo ang magbibigay!Nagulat pa ko nang bigla na lang akong hilahin ni Lance papasok sa kotse. Bago siya mabilis na umikChapter 18Kasalukuyan na kong nasa loob ng kuwarto ni Ate Shirley. Pareho na kaming nakabihis pero ako na lang ang hindi pa naaayusan.Nakalugay at nakakulot ang kanyang buhok. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang naka-make-up. Mas lalo pang humaba ang kanyang pilikmata nang dahil sa mascara na kanyang inilagay. Her dress is a purple A-line deep V-neck sleeveless, which she matches with a black 3-inch stiletto.Abala siya sa pagkukulot din ng buhok ko nang bigla siyang magsalita.''Kayong dalawa, hah. Ano bang ginawa n'yo na nahuli kayo at naging dahilan pa ng pagkaka-late ng dating n'yo?'' Tiningnan niya ko nang mapanukso mula sa salamin na nasa aming harap.Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang aking pisngi. Kanina pa kasi niya ko kinukulit tungkol sa bagay na 'yon.Pinagsabihan kasi niya si Lance dahil ang tagal naman daw niya kong sunduin. Hindi na nga ko umimik pero humirit pa ang magaling na lalak
Chapter 19Abala ang lahat sa paghahanda para sa darating na school festival next week. Paniguradong hindi ko rin muna masyadong makakasama si Lance.Parte kasi siya ng senior basketball team. Lumabas na kasi ang resulta ng naging try out niya kahapon. Late na siyang nagpa-register kaya hindi namin inaasahan na mapapasama pa rin siya.Ang sabi niya ay nag-aalangan daw siyang sumali no'ng una dahil baka hindi ako pumayag. Napailing na lang ako dahil do'n. Kung sinabi niya agad no'ng una pa lang ay hindi sana siya nahuli.But at the end of the day, it is the result that matters.Aaminin kong kinilig ako dahil do'n. Hindi ko akalain na mahalaga pala ang opinyon ko para sa kanya.Kahit na ang totoo ay nakaramdam ako ng pag-aalinlangan no'ng una.Pero sino ba naman ako para tumutol? I know that he really loves to play basketball. So I told him that it's fine with me and I'm just always here to support him.Nakag
Chapter 20School festival week na. Wala kaming klase buong linggo, pero required naman kaming um-attend ng event.Mas gusto ko sanang tumambay lang sa bahay maghapon. Kaya lang ay wala rin naman akong gagawin doon. Isa pa ay sayang din ang attendance namin dito. Extra points din 'yon para sa extracurricular activities. Pandagdag din sa grades kahit papaano.Nakatambay tuloy ako ngayon sa school field mag-isa, habang nanonood sa mga naglalaro ng football.Malalim akong napabuntong hininga. Ano bang masaya sa larong 'to? Parang wala naman, eh. Sisipain mo 'yong bola tapos hahabulin.Nasa galaan kasi sina Mia at Kim. Nagsulat lang sila sa attendance at sumaglit, bago umalis kaagad. Niyaya naman nila ko sa lakad nila. Pero tinatamad rin ako. Kung hindi ako mahilig sa mga ganitong klase ng bagay ay mas lalo naman sila.Si Ralph naman ay kanina ko pa hinahanap. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Ni hindi rin s
Chapter 21Sa wakas ay Biyernes na at huling araw na ng school festival. Sa susunod na linggo ay balik na naman kami sa mga nakakaantok na lectures.Kasalukuyan akong papunta sa gymnasium para manood ng magiging laban nina Lance. Niyaya ko si Clark na sumama pero tumanggi naman ang magaling kong kapatid. May ibang bagay raw kasi siyang kailangang gawin.Pero nasisiguro ko na may iba pa siyang dahilan. He's been acting weird since last night. Sa totoo lang ay pareho sila ni Mama. Naalala ko na naman tuloy bigla 'yong mga sinabi nila sa 'kin bago ako umalis kanina.''Alis na po ko, Ma.'' I kissed her right cheek. Papalabas na sana ko ng bigla naman akong tawagin ng magaling kong kapatid.''Ingat ka, Ate. Just take it slowly, okay?'' He grinned.''What?''May slowly pa siyang nalalaman, eh alam naman niyang madalas na may pagka-slow talaga ko.''Wag mo na lang intindihin 'yang kapatid mo. Basta ako anak, I tru
Chapter 22Nagising ako nang maramdaman kong may marahang tumatapik sa pisngi ko.''Wifey, wake up. We're here already,'' bulong niya pa sa 'kin.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. ''Anong oras na ba?'' tanong ko nang mapansing medyo madilim na sa labas.''It's almost 6pm. Tara na?'' he said.Tumango ako bago humikab. Akmang bubuksan ko na 'yong pinto ng bigla niya kong pinigilan.''Wait.'' Mabilis siyang lumabas at umikot papunta sa puwesto ko para pagbuksan ako ng pinto.Napakurap ako. Why so sweet?Inilahad niya pa ang kanang kamay sa 'kin. Nakangiti ko naman itong tinanggap, bago niya ko inalalayan palabas.Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. Ganito ba talaga ang epekto kapag nananalo sa basketball? Mas nagiging sweet?Pero unti-unting nawala ang ngiti at antok ko nang ilibot ko ang tingin sa paligid.Napalunok ako. Anong gagawin namin dito sa hotel?
Chapter 23Malalim akong napabuntong hininga, bago padabog na tumayo at kumuha ng mga gamit. Papasok na sana ko sa banyo upang maligo, nang mapatingin ako sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding.Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-dose na pala ng tanghali!Binilisan ko na ang pagkilos ko. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na namalagi ako sa isang hotel, kaya siguro napahaba ang tulog ko.Pagkatapos kong mag-ayos ay pinasadahan ko ng huling tingin ang sarili sa harap ng malapad na salamin. Nakasuot ako ng kulay yellow na v-neck shirt, khaki short at puting converse na sapatos. Naglagay naman ako ng kaunting polbo sa mukha at manipis na lipstick.Nang makuntento na ko sa ayos ko ay lumabas na ko ng kuwarto namin ni Lance. Naabutan ko naman siyang naghihintay sa couch. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at binatukan.Gulat na napatayo siya at napatingin sa 'kin. ''What's that for?''Sinamaan ko siya
Chapter 24Lance's POVI woke up early this day just to prepare all of the necessary things that we'll need for our escapade later.Shane doesn't have an idea on where am I going to take her. But I know that she will be happy once we get there.Bago pa man kami pumunta rito ay planado ko na ang lahat ng mga gagawin namin. I even asked Tita about the things and the place that she hasn't done and gone yet. Gusto ko kasi na ako ang kasama niya sa iba pang 'first' sa buhay niya.The day went well and everything that had happened was according to the plan. Seeing her this happy was totally priceless. Lahat ay kaya kong gawin makita ko lang na masaya siya at palaging nakangiti.Then the night came. The set-up was almost perfect. May balak pa nga sana ko na kantahan ulit siya rito sa restaurant. I know that she doesn't want an expensive gift and extravagant dates. But she really deserves to received and experienced those things. Sh
WARNING: Mature Content | R-18Chapter 25Shane Chrystelle's POVNaalimpungatan ako nang biglang tumunog ang message tone ng phone ko. Nakapikit na kinapa at kinuha ko ito sa ibabaw ng mesa. Pero bahagya ko ring binuksan ang isa kong mata para tingnan kung sino ang nag-text.Ralph:Hey! Kamusta na kayo riyan? Kwentuhan mo ko pag-uwi n'yo, hah X)A smile formed on my lips. Kahit kailan talaga ay napakatsismoso ng lalaking 'to.Pero agad ring nawala ang ngiti ko nang may bigla kong maalala. Napabalikwas ako ng bangon at muling tumuon ang tingin ko sa hawak na phone para tingnan kung anong oras na.It's 10:30 am already. Malapit na rin pala ang lunch time. Ang tanghali ko talagang magising kahit kailan.Nakatulugan ko na pala ang paghihintay kay Lance rito sa sofa. Speaking of Lance, nakauwi na kaya siya? Pero gigisingin naman niya siguro ako kung sakali.Tumayo na ko at nag-inat. Maglalakad