Chapter 27
"Ito na ba lahat? Basic lang 'to!'' mayabang na sabi ni Lance habang isa-isang tinitingnan ang mga notes kong nakakalat sa ibabaw ng mesa.Kumuha ko ng isang unan sa sofa bago hinagis sa mukha niya. ''Ang yabang! Ikaw na magaling at matalino.''Tumawa lang nang malakas ang loko.Napanguso na lang ako nang basahin niya ang mga 'yon at ipinaliwanag sa 'kin. Samantalang ako na present sa klase nitong mga nakaraang araw at taimtim namang nakinig ay hindi man lang maintindihan ang iba sa mga 'to.Kasalukuyan kaming nandito sa sala. I was sitting on the single couch while he's on the floor. Ipinakita ko kasi sa kanya 'yong kopya ko ng mga lessons namin no'ng mga araw na absent siya para naman mapag-aralan na niya. Nag-effort pa kong sulatin ang lahat ng 'yon kahit may pagkatamad ako magsulat para sa kanya.Siya mismo ang nagsabi na wag na raw kaming pumasok ngayon. I didn't think twice and agree with him. Dito na lang dChapter 28Shane Chrystelle's POVIlang minuto na kong nagbabasa ng notes ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaalis sa isang page. May kung ano kasing gumugulo sa isip ko kaya hindi ko magawang intindihin ang binabasa ko.Exams week na kasi. Kaya naman ay naisipan kong pumasok ng maaga ngayon para sana makapag-aral. Pagkatapos naman ng linggong 'to ay sembreak na. Kaya kahit papaano ay mapapahinga na ang utak ko no'n.Normal na araw lang naman para sa 'kin ang nagdaan na mga sembreak. Halos puro kain at tulog lang naman ang ginawa ko no'n. Ang tanging bagay na kahit papaano ay nagbigay kulay sa buhay ko no'n ay ang pakikinig ng musika.Pero iba na ngayon. Dahil bigla na lang akong nakaramdam ng excitement. Gustong-gusto ko na ngang matapos ang linggong 'to, eh. Makakasama ko na kasi si Lance ng mas mahaba pang oras at pansamantalang wala na kong ibang iintindihin pa.''Shane!''Napaangat ako ng tingin n
Chapter 29Sembreak came so fast. Parang kailan lang ng may dumating na problema sa pamilya namin.But everything is now okay and settled. Nagulat na lang ako isang araw nang bigla kong sinalubong ng nakangiting mukha ni Mama na tila ba walang nangyari.Halos maiyak ako no'n sa sobrang saya dahil ilang araw ko ring hindi nakita sa kanya ang matamis niyang ngiti.Kagagaling ko lang sa school no'n at katatapos lang ng pinakahuling exam namin. Napagdesisyunan kong pumunta sa kumpanya kung saan dating nagtatrabaho si Mama para umapela.Tinanggal ko ang lahat ng hiya na mayroon ako sa katawan. Lalo pa at nasisiguro ko ang posibilidad na mayroong anomalya na nangyari.But I was surprised when I saw that Mama's there too. Nakangiting nakikipag-usap siya sa tatlong medyo may edad ng lalaki na sa palagay ko ay pawang mga matataas ang posisyon.Then she finally turned around and saw me. Agad siyang tumakbo palapit sa 'kin at
Chapter 30Kinapa ko si Lance sa tabi ko. Ngunit mabilis na napamulat ako ng mga mata dahil bakante na ang espasyo ro'n. Napabalikwas ako ng bangon bago inilibot ang tingin sa paligid.Pero walang kahit anong senyales na nandito pa siya. ''Shane, gumising ka na riyan. Tanghali na!''Napalingon ako sa pinto nang dahil sa lakas at sunod-sunod na pagkatok ni Mama ro'n.Nalipat naman ang atensyon ko sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas-dose na pala ng tanghali! Kaya pala nagwawala na si Mama sa labas.Sabagay, madaling araw na rin kasi kami nakatulog kanina. Pinagod na naman kasi ako ng lalaking 'yon. Bukod ro'n ay nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-anu.Tila pumapak nga siya ng asukal kagabi dahil puro matatamis na salita ang binitiwan niya. Pagkatapos ay kinantahan niya pa ko hanggang sa tuluyan na nga kong nakatulog.''Shane! Hindi ka pa ba talaga babangon diyan?''Nabalik naman
Chapter 31Nandito ako ngayon sa bahay nina Dylan. Kung hindi nga siguro ako inalalayan ni Dylan, malamang ay hindi ko na kinaya ang maglakad pa nang maayos dahil sa pagkatulala at sobrang panginginig ng buong katawan ko kanina. Nahihiya nga ko sa kanya dahil kung tutuusin ay siya nga 'tong may sakit. Kaya katulad ng nauna kong plano kanina ay sasamahan at aalagaan ko siya.Kasalukuyan akong nasa kusina at nagluluto ng lugaw para sa kanya. I may not be good in cooking, but I think I can manage this one. This is the least thing that I can do for him right now.Pero kahit anong gawin ko ay pakiramdam ko lutang pa rin ako. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko ngayon na tanging si Lance lang ang makakapagbigay ng sagot.But I don't really know if I am ready to know the answers.My heart is still aching. My eyes can't stop from crying. My mind keeps on thinking a lot of things.Malalim akong napabuntong hininga. Kailangan ko
Chapter 32"Oh my God! What the hell is happening here?''Napamulat ako ng mata nang bigla kong makarinig ng malakas na sigaw. Napaangat ako ng tingin at kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para mas maging malinaw ang imahe na bumungad sa harap ko ngayon.Pero tuluyang nawala ang antok ko at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita na si Dylan pala 'to. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak at napatabi sa kanya.But the worst thing was my head is resting on his chest while he's shirtless! What the hell? Sa pagkakatanda ko ay may suot pa naman siyang damit kanina, ah!Agad akong napabalikwas ng bangon at gano'n din naman ang ginawa niya. Natataranta kong napalingon kay Ate Shirley na nakatulala ngayon.''Ate, it's not what you think—''Kusa kong napatigil sa pagsasalita nang makita ko si Lance na nakasandal lang sa hamba ng pinto, habang nakahalukipkip. Walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi siya nakatingin sa 'kin
Chapter 33My phone keeps on ringing in my pocket. But I didn't bother to check who it is. I just keep on running. Without any idea on where should I go.Ngunit natigilan at napayakap na lang ako sa sarili ko nang biglang humangin ng malakas. Kaya naman ay rinig na rinig ko ang malakas na pagpagaspas ng mga dahon.Pero mayamaya lang ay muli ng binalot ng katahimikan ang paligid. Tila ba nakikisimpatya 'to sa pagkawala ng isang mahalagang tao sa buhay ko.Napatingala ko. Sobrang dilim ng kalangitan at halos kakaunti lang ang mga bituin. Kasing dilim ng pag-asa na mayroon ako ngayon.Malalim akong napabuntong hininga. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay naniniwala ko, na sa pinagsama-samang bilang ng mga bituin ay mabubuo ang malaking liwanag ng pag-asa. It can defeat the darkness and gives hope.Halos tatlong oras na rin ang lumipas magmula ng tumigil ako sa parke na malapit sa school. Kanina pa ko nag-iisip ng mga posibleng da
Chapter 34It's been three days since I locked myself here in my room. Away from the people, pain, truth and judgment.Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay wala kong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Kaya naman ay nasisiguro ko na mugtong-mugto na ang mga mata ko ngayon. Ni hindi ko na nga nagawang makakain man lang ng maayos.Hindi ako lumalabas dito kahit ano pang pilit nila. Wala rin akong kinakausap na kahit sino sa kanila at hinahayaan ko lang silang magsalita at kusang magkwento ng mga nangyayari sa labas.I want to be alone. Gusto kong mag-isip. Gulong-gulo na kasi talaga ko at pagod na pagod na rin. I am emotionally, mentally and physically drained. Dahil masyado pang masakit at hindi ko pa rin magawang tanggapin ang lahat.I feel so broken and there's only one person who can fix me.But he didn't even bother to visit me. To check if I was still alive and fine.So, is this really the end of us?Muli kong
Chapter 35"So what can you say, Sir? Do you like it?" nakangiti kong tanong sa lalaking kliyente ko ngayon. Kahit pa ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang irapan.Halos manuyo na kasi ang lalamunan ko sa kakasalita magmula palang no'ng sinimulan naming libutin ang mga model house na mayroon sa subdvision na 'to, pero hindi naman siya nakikinig. Ang bahay na kinaroroonan namin ngayon ay ang pang-apat at panghuling modelo na kailangan naming puntahan. Kaya lang ay pansin ko ang hindi niya masyadong pagtuon ng atensyon sa lahat ng mga bahay na napuntahan namin.His eyes were too focused raking my body that made me want to puke. Kahit sa tuwing nakatalikod ako ay ramdam ko ang mapanuri niyang tingin.Kaya naman ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ilang. Pero kahit gano'n ay pilit pa rin akong nagpapatuloy sa pagsasalita at pagngiti kahit gusto ko ng ngumiwi at manapak."Sir?" I asked once again when he remained like a statue by just standing in front of me.H