Share

Chapter 6

Chapter 6

Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain muna ko bago dumiretso ng kuwarto. Pero bago pa man ako tuluyang umakyat ay sinigurado ko muna ang pagkakasara ng pinto at mga bintana. Ako pa lang kasi mag-isa ang nandito.

Marahil ay nag-overtime na naman si Mama. Habang si Clark naman ay nag-text sa 'kin na may tatapusin lang daw silang activity sa bahay ng kaklase niya.

Hanggang sa makaupo ako sa ibabaw ng aking kama ay iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa ginawang paghatid sa 'kin ni Lance.

Nasa'n kaya ang nobya niya at hindi ko ata nakita buong araw kanina?

Napailing ako bago nahiga. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala.

Mabilis akong napaupo at agad na hinagilap sa loob ng bag ko ang papel na ibinigay ni Ralph sa 'kin kanina.

Marahan ko itong binuksan bago sinimulang basahin. Hindi naman mahaba ang nakasulat dito pero sapat na para matigilan ako.

Shane,

I just wanted you to know that I like you. But my feelings for you is not that deep enough to pursue you.

Open your mind and your heart. Because somewhere out there is him, the one who truly cares for you from the very start. Someone that you deserve. He may not tell it to you by his words, but I know that he never fails to make you feel it through his actions.

Just feel and hear out the beating of your heart. It will never lie to you.

Ralph

Kanina ko pa tapos basahin 'yong sulat pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako rito.

Sino kaya ang tinutukoy niya?

Inilapat ko ang kanang kamay sa kaliwang dibdib ko. Nakasaad sa sulat na gusto niya ko. Pero bakit...

Bakit wala akong nararamdaman.

-----

Ilang minuto na kong nakatayo at nakatitig sa harap ng salamin. Pakiramdam ko kasi ay tila may kulang.

Mayamaya lang ay natagpuan ko ang sarili na naglalagay ng pulbos at lipstick. Nang matapos ay muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili.

I let out a contented smile. Bahagya pa kong tumagilid para tingnan ang dulo ng buhok ko na naisipan kong kulutin.

When I'm finally satisfied with my looks, I get my things on top of my bed and go already.

Pagkasakay ko ng jeep ay muli kong tiningnan ang sarili sa maliit kong salamin. Pakiramdam ko ay haggard na agad ako nang dahil sa polusyon sa paligid at init ng panahon. Muli sana akong maglalagay ng polbo ng may maalala. Kusa akong natigilan ng dahil doon.

Ano ba naman, Shane? Bakit ka ba nagpapaganda? Dati naman ay wala kang pakielam kahit ano pa ang hitsura mo!

Naiiling na itinago ko sa bag ang maliit at bilog na salamin. Hanggang sa makababa ako ng jeep ay medyo lutang pa rin ang isip ko.

Hindi na maganda 'to.

Binabaybay ko na ang kanto pakanan papunta sa school namin ng bigla akong matigilan dahil sa nakita.

Mabilis na nag-iwas ako ng tingin bago pa magtama ang mga mata namin. Taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan siya.

I don't want to assume, but I can feel his presence behind me. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa kanto. Pero bakit ngayon lang siya papasok? Did he wait for me?

Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko dahil sa naisip. Mabilis ang tibok ng puso ko na tila nagwawala sa loob.

"Lance!"

Awtomatikong tumigil ang mga paa ko sa paglalakad. Natulala rin ako nang biglang bumungad sa 'king paningin 'yong babaeng kumausap kay Lance no'n.

Sinulyapan niya ko bago nakangiting nilampasan upang salubungin si Lance na nasa likod ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng inis. Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Pero agad akong natigilan nang marinig na may tumawag sa 'kin. Kunot noo akong lumingon.

"Shane!''

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita 'yong babae na sumalubong kay Lance. Nakangiti siyang kumakaway sa 'kin ngayon. Habang si Lance naman ay napapakamot sa batok.

"Yes?" alanganin kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maalala.

Hindi kaya nalaman niyang hinatid ako ni Lance kahapon at nandito siya ngayon para sugurin ako?

But why is she smiling?

Naglakad siya palapit sa 'kin. Nagulat pa ko nang bigla niyang ilahad ang kanyang kanang palad sa harap ko.

''Hi, Shane! By the way, I'm Shirley. Shirley Buenavista.''

Sinulyapan ko si Lance na tila hindi mapakali sa isang tabi. Sabagay, kung ako rin ang boyfriend ng babaeng 'to ay baka gano'n din ang maramdaman ko.

Tiningnan ko lang 'yong kamay niya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Pero mukhang hindi siya natinag ng pagtataray ko. Nakangiti pa niyang ibinaba ang kanyang kamay.

''It seems like you don't know me. Hindi pa siguro ako nabanggit ng pinsan ko sa 'yo." Sinamaan niya ng tingin si Lance na nasa tabi niya ngayon at nakahawak sa magkabila niyang balikat. Tila gusto na niya itong paalisin.

Napakurap naman ako nang dahil sa isang salita na sinabi niya.

Muli siyang bumaling sa direksyon ko. "Can't you still recall it? My surname is Buenavista.'' She crossed her arms.

Shirley Buenavista. Pinsan. Shit!

My eyes widen as the realization hit me. Ang slow ko talaga! ''Pinsan ka talaga ni Lance?"

Napapalakpak pa siya. "Yes! Anyway, it's so nice to finally meet you. I got your name on Lance. Madalas ka kasi niyang ikuwento sa 'min, eh."

Natigilan ako. "Nababanggit niya ko sa inyo?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Ate Shirley!" Napatingin ako kay Lance na namumula na ngayon ang tainga. Hindi naman siya pinansin ng pinsan niya at nagpatuloy.

"Oo. Palagi ka niyang binabanggit. That's why we became more curious to know who you are. Pero dahil mukhang walang balak ang pinsan ko na ipakilala ka sa 'min ay ako na ang kusang lumapit sa 'yo ngayon."

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. "Pero bakit naman niya ko ikukuwento sa inyo?"

Natampal niya ang noo. "Hindi mo pa rin ba alam?"

Tumaas ang kilay ko. Pilit kong kinakalma ang sarili kahit na ang totoo ay ang daming gumugulo sa 'kin ngayon. "Alam ang alin?"

Bago pa man siya makasagot ay nahila na siya ni Lance palayo.

Natulala na lamang ako habang sinusundan sila ng tingin.

Bakit pakiramdam ko ay maraming alam ang ibang tao tungkol sa 'kin na wala man lang akong katiting ni ideya?

Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa ang tungkol sa sulat ni Ralph. Tapos dadagdag pa ang makahulugang sinabi ng pinsan ni Lance.

Ano ba talagang mayroon?

-----

Ngayong araw na ito ay tahimik lamang ako buong klase. Sa pagkakataong ito ay mas gusto kong titigan ang mga puno sa labas, kaysa sa mga lectures na nakasulat sa harap.

Natauhan lang ako nang marinig ko na ang tunog ng bell. Sa wakas at break time na. Ikakain ko na lang siguro 'to. Palabas na sana ko ng pinto ng bigla akong tawagin ni Ralph.

"Hindi muna kami makakasabay kumain ngayon. May kailangan lang kaming asikasuhin," nakangiti niyang aniya.

Napatango lang ako bago dire-diretso na naglakad palabas. Naabutan ko naman sina Mia roon na naghihintay sa 'kin.

Paalis na sana kami nang bigla akong matigilan. Narinig ko kasi na may tumawag sa pangalan niya.

Hindi ko na lang sana ito papansinin. Kaya lang ay masyadong tsismosa itong dalawa na kasama ko kaya napatingin na rin ako sa pinagmulan ng boses.

''Hi, Lance!'' sabay-sabay na sigaw ng apat na babae mula sa katapat naming seksyon.

Napatingin ako sa likod ko. Kaya pala. Halos kasabay lang namin ang loko.

Binigyan niya ng tipid na ngiti 'yong mga babae. Pero halata namang pilit lang.

Napangisi naman ako. Hindi ba obvious sa kanila na hindi sila type no'ng tao? Well, it's their problem anymore and not mine.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay dumako naman ang atensyon ko sa katabi naming classroom. May mga babae rin na nakatambay roon. Hindi sila nagpapapansin pero tila hinuhubaran nila si Lance sa paraan ng pagtitig nila. May pagkagat labi pa!

Napailing na lang ako. Mukhang maraming babae ang handa magkasala para sa lalaking 'to.

"Tara na! Nagugutom na ko!" Hinila ko na sina Mia at Kim palayo. Mukhang wala pa kasi silang balak umalis.

Sa paglipas ng oras ay namalayan ko na lang na uwian na. Muli ay nagmamadali na namang nagpaalam sa 'kin ang dalawa.

Tumaas ang kilay ko. Saan ba talaga sila pumupunta ng ganitong oras?

Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako tuluyang lumabas. May kung ano kasing nagdidikta sa 'kin na sundan silang dalawa.

Maingat ang naging bawat hakbang ko. Nagbigay rin ako ng sapat na distansya sa pagitan namin para hindi nila ko mahalata. Pero sakto lang para matanaw ko pa rin sila.

Napahinto ako nang huminto rin sila at agad na nagtago sa natapatan kong gusali. Nandito kami ngayon sa pinakadulong bahagi ng school. Pasado alas singko pa lang ng hapon. Pero kahit gano'n ay medyo dumidilim na rin ang paligid at nagsimula ng bumukas ang mga ilaw sa poste.

Ngunit nanlaki na lang ang mga mata ko ng may lalaki na biglang humila kay Mia at hinalikan siya. Agad na nagpaalam si Kim sa dalawa at tumungo naman sa isang building na hindi na gaanong nagagamit.

Habang sina Mia at 'yong lalaki naman ay magkahawak kamay na tinungo ang bakod at ekspertong inakyat ito. Sa pagkakaalam ko ay may abandonadong bahay roon.

What the hell?

Agad na bumalik ako sa wisyo ng maalala si Kim. Mabilis ngunit tahimik kong tinungo 'yong pinuntahan niyang gusali.

Nagsisimula ng mamuo ang mumunting pawis sa 'king noo dahil sa pinaghalong kaba at init ng paligid. Tanging ang tunog ng pumapagaspas na dahon mula sa matatayog na puno lang ang maririnig.

Nalibot ko na ang ika-una at ikalawang palapag, pero wala pa rin akong nakikita na kung ano. Kahit nag-iikot na guwardiya ay wala. Malamang ay mayamaya pa sila mapapapunta rito.

Hanggang sa marating ko ang ikatlong palapag.

Kasabay ng pag-ihip ng malakas at malamig na hangin ay kusang tumigil ang mga paa ko nang dahil sa narinig na mahihinang pagdaing.

Ramdam ko ang biglang pananayo ng mga balahibo ko. Para akong nasa shooting ng isang horror movie.

Kakaripas na sana ko ng takbo ng muli kong marinig ang isang halinghing. Mas malakas at malinaw kumpara sa una kong narinig.

"Aaaah! Shit! Faster, Mike!"

Napako ako sa kinatatayuan at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Pilit kong pinapagalitan ang sarili na wag ng tumuloy. Pero tila may sariling buhay ang mga paa ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Hanggang sa marating ko ang pinakahuling silid sa palapag na 'to.

Napalunok ako habang dahan-dahang sumisilip sa bahagyang nakaawang na pinto.

Then there I saw Kim with a man on top of her! Nakabukas ang butones ng kanyang suot na blusa at nakataas ang laylayan ng kanyang palda, habang ang lalaki naman ay bahagyang nakababa ang suot na slacks.

I was about to scream when suddenly, a pair of strong arms engulfed me with a hug and covered my mouth with his hands.

Magpupumiglas pa sana ko ng sa pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng kanyang kulay brown na mga mata.

He put his index finger on his lips, silencing me. Napatango naman ako kaya dahan-dahan na niya kong pinakawalan.

Maingat na tinahak namin ang daan pababa at palabas ng gusali. Doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag.

"Si K-Kim," nauutal kong sabi. Pakiramdam ko ay mas nakakatakot pa ang nasaksihan ko kaysa sa naramdaman kong kilabot.

"I know. This is not the first time that I saw them."

Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. "What? Don't tell me, you're also following them?"

Sunod-sunod siyang napailing. "What? No! Nagkataon lang na nakita ko sila ng maiwan ako rito isang beses. Naisipan ko lang puntahan ang lumang building na 'yan no'n dahil hinahanap ako ni Ate Shirley at pinagtataguan ko naman siya." Napakamot siya sa batok.

"Tapos ayon na nga. Nakarinig ako ng mga ungol. Akala ko rin no'ng una ay multo. Pero 'yon pala ay higit pa sa multo."

Nagdududa ko siyang tiningnan. "Eh, bakit nando'n ka kanina? Saka hindi mo sila sinusumbong sa guidance?"

"Ikaw ang sinundan ko dahil nakita kitang nagmamanman sa kanila." Malalim siyang napahugot ng hininga bago ngumiti. "Hindi ko sila sinumbong dahil kaibigan mo sila."

Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.

"Ano naman kung kaibigan ko sila?"

Matiim niya kong tinitigan. Unti-unti ring nawala ang kanyang ngiti. Sa isang iglap ay naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Halos kapusin naman ako ng hininga nang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Nakabibinging katahimikan ang biglang dumaan. Pero nabasag 'yon ng mga salitang sunod niyang sinabi.

"Pinapahalagahan ko ang mga taong malapit sa 'yo dahil gusto kita."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status