Share

Chapter 5

Chapter 5

"Shane! Teka lang! Sabay na tayo!''

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Ralph. Nilingon ko siya at hinintay na makalapit sa 'kin.

Hinihingal na tumigil siya sa harap ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Mukhang kanina pa niya ko hinahabol. Bakit hindi niya kaagad ako tinawag?

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay punas ng namuong pawis sa noo ko. Nakatigil kasi kami ngayon sa field kung saan ay damang-dama namin ang init ng sikat ng araw na tumatama sa 'min.

May mangilan-ngilan namang estudyante ang napapadaan, pagkatapos ay nagbubulungan. Habang ang iba naman ay tila toro na umuusok ang ilong habang masamang nakatingin sa 'kin.

Bakit nga naman hindi? Kasama ko lang naman ang tinagurian nilang campus prince. Habang si Lance naman ang campus heartthrob.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga tao sa paligid bago ko muling itinuon ang mga mata kay Ralph.

Pinakalma muna niya ang sarili bago tuwid na tumayo. Bahagyang inayos ang nagusot na polo at nagulong buhok. Pagkatapos ay may kinuha siya na kung ano mula sa loob ng kanyang bag.

Isang nakatuping kulay puti na papel ang iniabot niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya. "Ano 'yan?"

Awtomatikong tumaas ang magkabilang sulok ng kanyang labi. May nababanaag akong kislap ng kapilyuhan sa kanyang mga mata.

Muli niyang inilapit sa 'kin ang papel kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kunin ito.

"Para saan ba 'to?" ulit kong tanong sa kanya. Maaga pa naman kaya ayos lang kung babasahin ko muna ang nilalaman nito.

Akmang bubuksan ko na ito nang mabilis niya kong pinigilan. "Hey! Mamaya mo na buksan pag-uwi para surprise, okay? Tara na.''

Naguguluhan man ay napatango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol sa kung anuman ang nilalaman ng papel na 'to.

Ano nga kayang nakasulat dito?

Nagkibit-balikat na lang ako bago napagpasyahang ilagay ang papel sa loob ng bag ko. Marami pang ibang bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon at wala akong plano na dagdagan pa 'yon.

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa paglalakad. Nagbigay ako ng maliit na distansya sa pagitan naming dalawa, dahil nagsisimula na talaga kong mairita sa mapanuring mga mata na kanina pa nakatingin sa 'min.

Pero katulad ni Lance ay makulit din si Ralph. Kahit anong paglayo ko sa kanya ay pilit lang siyang lumalapit.

"Wag mo sila pansinin. Hindi ka masasaktan ng mga 'yan. Dahil alam nila ang maaari nilang kahantungan." Nakangiti niya kong sinilip habang nakapamulsa.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

He wiggled his eyebrows. "Malakas ang kapit mo sa nakatataas, eh."

"Huh?"

Tumawa lang siya at hindi na muling umimik pa.

Ang weird rin pala ng isang 'to. Magkaibigan nga silang dalawa ni Lance.

Hindi na lang din ako nangulit pa hanggang sa makarating kami ng classroom namin. Kung dati pa siguro nangyari ang ganitong eksena na kasabay ko siya sa paglalakad at nakakausap ko pa, malamang ay hindi ko na rin naiwasan ang tuluyang kiligin.

Pero iba na kasi ngayon.

Mayroon ng nag-iba.

Mas lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko nang makita kami ng mga kaklase namin at nagsimula na namang manukso. Pero may iilang babae pa rin ang napataas ang kilay. Sanay naman na kami pareho ni Ralph sa ganito kaya wala na lang sa 'min ang maging tampulan ng tukso.

Dire-diretso lang akong naglakad patungo sa puwesto ko. Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakaupo ay pinasadahan na ko ng tanong ng dalawang lukaret.

"Bakit kayo magkasamang dalawa?" excited na tanong ni Kim.

"Don't tell me, something's going on already between the two of you?" nagdududang tanong pa ni Mia.

I just rolled my eyes at them. Napakamalisyosa talaga ng dalawang 'to kahit kailan.

"Ang advance n'yo naman mag-isip. Para nagkasabay lang ng pasok, something's going on agad?" naiirita kong tugon sa kanila.

"Well, who knows. Baka kasi mamaya naglilihim ka na sa 'min, eh," maarteng sabi ni Kim sabay hawi ng kanyang mahabang buhok. Sinamaan ko siya ng tingin nang bahagyang tumama ang dulo nito sa pisngi ko.

Tatahimik na sana ko ng may maalala.

"Ako pa talaga ang may inililihim, hah. Hindi kaya kayong dalawa?" nakangisi kong tanong sa kanila.

Tingnan natin ngayon ang isasagot n'yong dalawa sa 'kin. Akala n'yo hindi ko kayo nakita kanina, hah?

Gulat na nagkatinginan sila bago bumaling sa direksyon ko. Halata ang pangamba sa kanina'y mapanukso nilang mga mata.

"A-Anong ibig mong sabihin, Shane?" Napalunok si Kim. Halatang may itinatago.

"Joke lang." Napangisi ako nang bigla silang mapahinga nang maluwag.

I'm sorry, my dear friends. Pero may kailangan lang muna kong kumpirmahin. Sigurado naman kasi akong hindi kayo aamin sa 'kin, eh.

Mayamaya pa ay dumating na si Ms. Reyes. As usual, walang katapusang activities at recitation lang ang ginawa namin. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay nakapagbasa ako kagabi.

Yeah right. Tinamaan ako ng kasipagan kagabi. Kahit nga ako ay hindi ko alam kung bakit.

Dumaan ang break time na hindi namin kasabay kumain sina Ralph at Lance. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Wala naman sila rito sa canteen.

"Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon?" Mia curiously asked before she took a bite of her tuna sandwich.

"Ang narinig ko lang kanina kay Ralph ay may aasikasuhin daw sila sa may Student Council Office," Kim answered, then sipped her can of soft drinks.

Natigilan ako. Ano naman kayang gagawin nila roon?

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa, habang nilalantakan ang pagkain kong pasta.

Sa unang pagkakataon magmula ng sinimulan kong iwasan si Lance ay ngayon lang siya hindi lumingon o tumingin sa 'kin ni isang beses.

I was looking at him for the entire period. Pero nanatili lang siyang nakatalikod sa 'kin. Hindi katulad rati na mahuhuli ko na lang siya bigla na nakalingon at nakangiti na sa 'kin.

Iniiwasan na rin kaya niya ko?

If that's the case, I should be happy, right? Because that's what I want as well. It's for our own good.

But why do I have this achy feeling inside of me?

Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana. Hanggang sa mga sumunod na subject ay lutang ang isip ko.

"Excuse me po. Puwede ko po bang makausap si Lance saglit?"

Napakurap ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ni Lance. Agad na tumuon ang mga mata ko sa pinto.

Isang matangkad na babae ang nakita kong nakatayo mula roon. Nakatali ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, na halos umabot na sa kanyang beywang. Medyo maputla ang kulay ng kanyang balat. Balingkinitan ang katawan at ramdam ko ang maawtoridad na aura sa kanya. Bilugan naman ang kanyang mga mata.

"It's okay, Shirley," nakangiting sagot ni Mr. Amparo na teacher namin sa subject na MAPEH.

Tumayo naman si Lance at nag-excuse para puntahan 'yong babae. Nakangiti niya itong sinalubong hanggang sa hinila niya ito palabas para roon sila mag-usap.

Sino naman kaya ang Shirley na 'yon?

"Ang ganda niya, no?" bulong sa 'kin ni Kim na nakatitig din sa dalawang nag-uusap sa labas.

"Yeah," walang gana kong sagot. Well, she's beautiful, I won't deny that. So?

Habang nagsasalita si Mr. Amparo ay hindi maiwasan ng mga mata ko na dumapo sa labas. Tumaas ang kilay ko nang makitang hinahampas-hampas pa siya sa braso no'ng babae.

Is she his girlfriend? Pero ang akala ko ba ay wala pa siyang nobya?

Napailing ako bigla nang dahil sa naisip. As if I care!

"Okay ka lang, Shane? Masakit ba ulo mo?" Kim asked worriedly.

Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti. "I'm fine."

Di naman nagtagal ay muli ng pumasok uli sa loob ng classroom si Lance. Tumingin ako sa labas at nagulat pa ko nang bigla na lang akong kinindatan ng babaeng kausap niya.

What is that all about?

-----

Dumating na ang oras ng uwian at mabilis na namang nagpaalam sa 'kin sina Mia at Kim. Nagdududa na talaga ko sa dalawang 'to. Napapansin ko na madalas ay may kung anong lakad silang dalawa.

Kung kailan pagabi na?

Dahil cleaners ako ngayong araw ay isa ako sa mga naiwan. Sa pagwawalis ako nakatoka. Habang ang iba naman ay nag-aayos ng upuan, nagpupunas ng bintana at nagbubura ng nakasulat sa board.

Natigil lang ako nang bigla akong lapitan ni Wella, ang nerd kong kaklase, matapos niyang ayusin ang mga inurong kong upuan.

"Shane, may tanong pala ko sa 'yo."

"Ano 'yon?" Nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi siya nilingon.

"Kayo ba ni Ralph?"

That question made me stop. I looked up and meet her questioning look. "What? No!" I answered firmly.

Napatango naman siya. "How about Lance?"

Kumunot na ang noo ko. Bakit ang dami atang tanong ng babaeng 'to?

"No. Why?" Nagdududa ko siyang tiningnan.

Umiling lang siya at ngumiti. "Wala naman." Tumalikod siya at kinuha ang bag na nakapatong sa upuan niya. "I'll go ahead."

Tumango na lang ako kahit pa nahihiwagaan pa rin ako sa mga tanong niya.

Nang matapos ay umalis na rin ako. Ako ang pinakahuling lumabas sa 'min dahil nauna na rin ang iba. Nasa akin ang susi ngayon kaya kailangan kong pumasok ng maaga bukas.

"Hatid na kita sa inyo." Muntik na kong mapatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko.

That voice.

Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya para kumpirmahin ang hinala ko. Hindi naman ako nagkamali.

"Bakit nandito ka pa?"

Si Lance.

"Hatid na kita," ulit niyang sabi ng hindi sinasagot ang tanong ko.

Parang kanina lang ay hindi siya namamansin. Tapos ngayon may paandar siyang paghatid?

Umiling ako. "Wag na. Kaya ko ang sarili ko."

Nagsimula na kong humakbang papalayo sa kanya. Ang akala ko ay hindi na siya sumunod dahil nakalabas naman ako ng gate ng matiwasay.

Pero no'ng naglalakad na ko para bumaybay ng jeep ay nagulat na lang ako nang makitang kapantay ko na siyang naglalakad.

"I insist," pangungulit pa niya.

"But—"

Wala na kong nagawa nang bigla siyang pumara ng jeep at hinila ko para sumakay. Magpupumiglas pa sana ko. Pero bakas na sa mukha ng mga pasahero ang iritasyon sa paghihintay kung sasakay ba kami o hindi. Sa huli ay nagmamartsang umakyat ako ng jeep.

"Saan ka nga nakatira?" tanong niya habang kumukuha ng pamasahe.

"Sa West Hill Subdivision," sagot ko habang kumukuha ng sariling pambayad. Gusto ko mang makipagtalo ay alam kong wala na rin namang silbi. Isa pa ay gusto ko na rin talagang umuwi.

I was about to give it to him, but he refused.

"Ako na." Aangal pa sana ko ng mag-abot na siya ng bayad.

"Bayad ho. Dalawang West Hill, estudyante."

Napailing na lang ako. Parang kanina lang ay dedma rin siya. Pagkatapos ngayon ay inaatake na naman ng kakulitan ang loko.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas at hindi ko magawang ibaling ang paningin ko sa direksyon niya dahil ramdam ko ang matiim niyang titig sa 'kin.

Hanggang sa ang bibig ko na ang nagkusa para magsalita.

"Bakit hindi na lang 'yong babaeng kausap mo kanina ang hinatid mo? Baka magalit 'yon pag nalaman niyang may hinatid kang iba."

Sa pagkakataong 'to ay nagtagpo na ang mga mata namin. "Huh? Bakit naman siya magagalit?" salubong ang kilay niyang tanong.

I looked at him in disbelief. "Duh. Kahit naman siguro sino ay magagalit kapag nalaman nilang may hinatid na iba ang boyfriend nila," naiinis kong sagot sa kanya. Natatangahan kasi ako sa tanong niya, eh.

Mas lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo. Pero mayamaya lang ay biglang tumaas ang magkabilang sulok ng kanyang labi.

Ano bang problema ng isang 'to? Mood swing?

"Hindi naman siya gano'ng klase ng babae. Malaki ang tiwala niya sa 'kin." Kumindat pa ang loko kaya napairap na lang ako.

Hindi ako nakaimik. Maraming salita ang gustong kumawala sa 'king bibig. Ngunit hindi ko alam kung paano ko maisasatinig ang mga 'yon.

Pero minsan ay mas mabuting manahimik na lamang.

"Tabi lang po!" Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang pagtapik at paghila na naman sa 'kin ni Lance. Namumuro na ang isang 'to kakahila sa 'kin.

Hanggang sa makababa kami ng jeep ay magkahawak ang aming kamay. Wala sa loob na napatingin ako roon. Parang may mga dagang nagsitakbuhan sa loob ko nang biglang tumambol ng malakas ang puso ko sa pagkakadantay ng aming mga balat.

Tila napapasong hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko ng may maalala. Dumaan ang pagkadismaya sa kanyang mukha, pero agad niya kong sinuklian ng ngiti.

"Saan ba ang inyo? Ihahatid na kita."

Mabilis akong umiling. "Wag na. Sobra-sobra na nga 'yong ginawa mong pagsama sa 'kin sa biyahe. Kung tutuusin ay hindi mo dapat ginawa 'yon. Your girlfriend might get hurt once she finds out what you did. Hindi ko rin naman pinangarap na makasira ng relasyon."

"Pero—"

"Gabi na rin at kailangan mo ng umuwi. Kaunting lakad na lang naman ay sa 'min na." Pagtatapos ko sa anumang sasabihin pa niya.

Halata ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Pero hindi ako nagpatinag at humalukipkip.

Malalim siyang napabuntong hininga. "Fine. I'll go ahead then. Pero hihintayin muna kitang makaliko sa kanto bago ako umalis."

Napailing na lang ako bago nagsimulang  humakbang palayo sa kanya. Gustuhin ko mang lingunin siya bago ako lumiko ay hindi ko na ginawa.

Dahil hindi 'yon tama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status