Share

Chapter 4

Chapter 4

Magmula ng naging usapan namin no'ng araw na sinabayan ako ni Lance sa paglalakad ay alam ko na mas nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa.

Madalas na kaming magka-usap sa text, o 'di kaya ay magka-chat. Noong una ay hindi ko siya pinapansin o di kaya ay sini-seen ko lang ang mga chats niya. Pero sadyang makulit talaga ang lahi niya.

Palagi siyang may baon na kung ano-anong kuwento. Pagkatapos ay mas mahaba pa ang mga reply niya kumpara sa 'kin. Ilang beses din niya kong kinulit na ako naman ang magbahagi ng kuwento ng buhay ko.

But I refused. Wala naman kasing interesante sa buhay ko.

Unlike him. Who's been a honor student since grade school, an athlete, a singer, a best friend to Ralph and a popular one.

Akala ko nga noong una ay tanging sa mga katulad naming seniors lang siya kilala. 'Yon pala ay hanggang sa mga freshmen student ay matunog din ang pangalan niya.

But according to him, he's not proud of it. Saka mayroon pa rin daw kulang.

May gano'n pala talaga, no? 'Yong tipong na sa 'yo na ang halos lahat pero may kulang pa rin. Paano na lang kaming wala talaga?

Though he was still quiet in the classroom. Tanging ako at si Ralph lang ang madalas niyang kinakausap. Pero kahit papaano naman ay nakikipag-usap na rin siya kina Mia. Hindi rin naman kasi maiiwasan lalo pa at madalas ko silang kasama.

Ang isa rin sa napansin kung nagbago ay 'yong nararamdaman kong paghanga kay Ralph. I know that it's just a simple crush. Pero sa paglipas ng mga araw ay namalayan ko na lang na hindi na pala ko masyadong nagbibigay ng atensyon sa kanya. I am not actually aware of it. Not until Mia teased me again about it.

Malalim akong napabuntong hininga. Kanina pa ko nandito sa field at nakaupo sa damuhan dahil hinihintay ko si Lance. May usapan kasi kami.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng bigla akong matigilan. Napansin ko kasi ang pares ng itim na sapatos na tumigil sa harap ko.

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa 'kin ang hinihingal na si Lance. Tila galing siya sa pagtakbo.

"Pasensya na ngayon lang ako nakarating. May iniutos pa kasi sa 'kin si Mama bago ako umalis ng bahay."

Tinanguan ko siya. "Ayos lang. Medyo maaga pa naman."

Umupo siya sa tabi ko at agad na pinunasan ang namuong pawis sa kanyang noo. Nang mapansin niya ang hawak kong notebook ay agad niya itong inabot. "Ito na ba 'yon?" nakangiti niyang tanong.

Natigilan ako. Isa pa ito sa masasabi kong may malaking pagbabago.

That smile of him.

Wala sa loob na napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Kung saan ay mabilis na tumitibok ang puso ko na tila nakikipagkarera.

Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tuwing nakikita ko 'yong ngiti niya ay bigla ko na lang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sadyang nakakapanibago dahil hindi ko naman naramdaman ang ganito kay Ralph noon.

It scares the hell out of me. Yet, I chose to ignore it.

Hindi ako puwedeng makaramdam ng ganito.

Dumating ang panahon na nagsimula na kong maging dependent sa kanya. Siya naman kasi ang patuloy na nag-insist hanggang sa ako na lang ang sumuko at nasanay na lang ako na palagi niyang tinutulungan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging palagay ang loob ko.

"Trigo?" Napatango na lang ako.

I know. I'm lazy. But can you blame me? I'm not really a study hard kind of student. Nag-aaral nga lang ako kapag malapit na ang exam.

Well, at least, nag-aaral pa rin.

"Yeah. Sorry, hah. Pinilit ko naman talagang gumawa kagabi. Pero 'yong utak ko na talaga ang umaayaw." That's actually true. I did really try to make one last night. Pero inantok at nakatulog lang ako.

Napanguso ako dahil sa hiya. Awtomatiko namang bumaba ang tingin niya roon. "Don't do that," nagtatagis ang bagang na sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "What?"

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Kaya naman ay sinalubong ako ng namumula niyang tainga.

Bakit na naman kaya namumula ang isang 'to?

"W-Wala. Basta wag mo na uli iuusli 'yang nguso mo. Hindi bagay."

Napairap naman ako nang dahil sa sinabi niya. Akala ko naman kung ano na.

"Eh, bakit ka namumula riyan?" nagdududa kong tanong sa kanya.

Sasagot na sana siya ng bigla kaming may narinig na tumatawa. Sabay kaming napalingon sa likod namin.

Kumunot ang noo ko nang makita si Ralph. Ano naman kaya ang problema ng isang 'to?

"Bakit ka tumatawa riyan?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Napailing naman siya. "Wala lang. Para kasi kayong ewan na dalawa. Dalian n'yo na nga lang diyan at malapit na magsimula ang klase." Kumaway pa siya bago umalis.

Napapantastikuhan ko siyang sinundan ng tingin. Bakit ko nga ba naging crush ang mahangin na 'yon?

Sa muli kong paglingon kay Lance ay abala na siya sa pagsagot ng assignment ko.

Pinakatitigan ko siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapaisip.

Paano ba kami humantong sa ganitong klase ng sitwasyon?

-----

Dumating ang oras ng break time at isa ako sa mga naunang lumabas. Susunod na lang daw sina Kim at Mia dahil dadaan pa raw sila ng banyo.

Physics and Trigonometry never failed to make me feel drained and starved!

Papasok na ko ng canteen ng bigla na lang may humarang sa 'kin na tatlong babae.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko. Problema naman ng mga 'to?

"Are you Shane?" tanong ng babaeng tila sinuntok sa pula ang pisngi. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Yes. Do I know you?" I asked back. I looked at her as well. But I started from toe to head.

Pinagkumpara ko, eh. Parang magkapareho lang naman kasi.

"Ano ka ba ni Lance? Bakit ba palagi kang nakabuntot sa kanya?" tanong naman ng isa habang nakahalukipkip. Pulang-pula naman ang labi niya na akala mo ay may pumutok na dugo.

Pero teka. Parang mali ata 'yong tanong niya. Because it's the other way around.

"I am his friend. Why do you care?" imporma ko sa kanila. Wala akong panahon sa komprontasyon ngayon. Hindi nila gugustuhing galitin ako lalo pa at gutom ako.

"Friend? Pathetic. Gasgas na ang linya na 'yan. Baka feeling girlfriend kamo. Kung ako sa 'yo, aalamin ko ang lugar ko. Hindi kayo bagay. Can't you see that? You're nothing compare to Chloe!" Panduduro naman sa 'kin ng sa tingin ko ay leader nila.

Nagpanting ang tainga ko nang dahil sa akusasyon nila. Sinusubukan talaga ko ng mga babaeng 'to, ah. Sino kaya sa 'min ang pathetic?

One more thing. Who's Chloe anyway? Never heard of her name.

Ramdam ko ang pares ng mga mata na nakatingin sa direksyon namin ngayon. Mayroon pa kong narinig na tila nagchi-cheer.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo sa 'kin ni Mama. Kaya kahit gustong-gusto kong pagsasampalin ang matatabil nilang mga dila ay pinilit kong pigilan ang sarili ko.

"Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin. Wala akong panahon makipag-usap sa mga desperada na katulad n'yo. I won't dare stoop down to your level. Because I'm better than that." Lalampasan ko na sana sila nang bigla na lang haltakin ng leader nila ang braso ko.

Handa na sana kong itulak at sampalin siya dahil nasagad na ang pasensya ko, nang may bigla na lang nagsalita mula sa likod ko.

"Bitiwan n'yo siya." Tatlong salita lang kung tutuusin. Pero ang pagbabanta sa tono ng boses niya ay sapat na para manginig 'yong tatlong babae na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa likod ko ngayon.

Alam kong sobrang lapit lang niya sa 'kin. Dahil ramdam ko ang mabigat at mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko.

Nag-aalinlangan naman akong binitiwan ng babae na humablot sa braso ko.

"L-Lance. Siya 'yong nanguna! Pinagtanggol lang naman namin 'yong mga sarili namin, eh!" Sa isang iglap, ang kaninang matapang niyang mukha  ay biglang naging maamong tupa.

Naningkit ang mga mata ko. Talaga namang binabaliktad pa ng isang 'to ang mga nangyari!

"Hindi 'yon ang nakita ko." Dahan-dahan kong nilingon si Lance. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang nagtatagis niyang mga bagang, habang nakakuyom ang kanyang kamao. Matalim ang tingin na ibinabato niya sa tatlong babae na tila hindi na alam ang gagawin ngayon.

"Lance. Hayaan mo na. Hindi naman ako napano, eh. Kumain na—"

Mabilis na nabaling sa 'kin ang atensyon niya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa braso ko na namumula dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa 'kin ng babaeng 'yon.

Ang kaninang nag-aalab niyang tingin ay napalitan ng pag-aalala. Mayamaya pa ay muli siyang bumaling sa tatlo.

"No. Hindi puwede na hayaan ko lang ang nangyari. Sisiguruhin kong mananagot silang tatlo."

Natigilan naman ako nang makita ko sina Mia, Kim at Ralph na humahangos palapit sa 'min.

"Anong nangyari rito?" nag-aalalang tanong ni Mia. Dali-dali silang pumunta ni Kim sa tabi ko nang makita nila ang braso ko.

"Who did this to you?" Matalim ang mata nilang nakatingin sa braso ko.

I was about to answer them when Lance spoke. "Ralph, ikaw na ang bahala sa mga 'yan. They started the fight and this school don't tolerate such thing."

Agad namang tumango si Ralph at pinasunod sa kanya 'yong tatlong babae. Aangal pa sana sila pero sinamaan sila ng tingin ni Lance kaya wala na silang ibang nagawa kung hindi ang sumunod.

"Okay ka lang ba, Shane? Naku! Kung kasama mo lang kami kanina ay malamang na nakalampaso na sa sahig ang mukha ng tatlong 'yon," galit na turan ni Kim.

"Ayos lang ako. Kaya ko naman sila. Pero hangga't maaari ay ayoko ng gulo," I assured them.

Ngunit nagpatuloy pa rin sila sa paghihimutok. Napailing na lang ako at napabaling kay Lance. He looked mad and frustrated at the same time. Sa dami ng emosyon na nakikita ko sa mukha niya ay hindi ko na alam kung ano ba ang mas nangingibabaw.

Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa matitipuno niyang bisig. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na tila ba ayaw na niya kong pakawalan.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsinghap. Gusto ko siyang itulak palayo dahil mas lalo lang niyang pinalalala ang sitwasyon, pero hindi ko naman magawa. Natulos lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kawalan.

Anong nangyayari?

Bakit umabot sa ganito?

"Sorry. I'm late. I promise that it won't happen again. From now on, I'll protect you," he whispered.

Hindi ako naniniwala sa pangako. Dahil lahat ng naipangako sa 'kin ng mga taong mahalaga sa buhay ko ay hindi naman natupad.

Pinaniwala lang nila ko sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.

But I don't know what's with Lance's words that urge me to believe in it.

I want to believe in promises. Again.

-----

Days passed. I don't know when, how and why. It simply happens. That I, myself, haven't even noticed it. All I know is that, I just woke up one day with my heart beating so fast. Not by the first one who caught my attention. But by that someone who first catch my heart.

"From now on, I'll protect you."

Those words. The words that kept on replaying in my mind.

Then that hug. It's been a long time, but it seems like it's just happened yesterday. Cause that mushy feeling was still there. When his warm skin touched my soft body. It's just...

Overwhelming.

As of now, I'm really, really confused. I'm new to this. I don't even have a single idea on how to deal with this.

Ramdam ko rin na gustong-gusto na kong tanungin nina Mia at Kim sa kung ano ba ang nangyayari. Pero lihim kong ipinagpapasalamat na nanatili lang silang tahimik.

Dahil sa totoo lang, kahit ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong na alam kong maaari nilang ibato sa 'kin.

Magmula ng maging malapit kami ni Lance, alam ko na posibleng mangyari ang mga gano'ng senaryo. Alam ko rin na maaaring maging magulo ang dati ay tahimik kong buhay. Sa dami ba naman ng nagkakagusto sa kanya.

Pero hindi ko pa rin nagawang pigilan ang sarili ko.

'Yon nga lang, nang dahil sa nangyari ng araw na 'yon sa canteen ay mas lalong gumulo ang lahat. Lalong naghinala ang mga tao sa paligid namin at mas lalong kumalat ang usap-usapan tungkol sa 'ming dalawa.

Kaya humantong ako sa isang desisyon. Tanging pag-iwas lang sa kanya ang naisip kong solusyon. Na dapat noong una pa lang ay ginawa ko na. Hindi na sana humantong sa ganito kakomplikadong sitwasyon ang lahat.

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko.

Inabot ko ito sa ibabaw ng mesa ko. Pina-ilaw ko ito at nakitang may isang mensahe na dumating.

Nagdalawang-isip pa kong buksan ito. Pero sa bandang huli ay binasa ko na rin.

Lance:

Hey. Just wondering. Why do you keep on ignoring me this past few days? Have I done something wrong?

Pagkabasa ko ng mensahe niya ay pinatay ko ng muli ang ilaw ng phone ko at ibinalik ito sa pinaglalagyan kanina. Halos isang linggo na rin akong hindi nagre-reply sa mga text at chat niya. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

Indeed, he did something wrong.

In my heart.

I sighed. Lance is too perfect for me. Guwapo, mabait, matalino, masipag, at magaling kumanta. He was even doing better in sports.

Samantalang ako ay exact opposite ng lahat ng 'yan. In short, hindi bagay sa isang katulad niya.

Dahil ayaw akong dalawin ng antok ay napagpasyahan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat pa ko ng maabutan ko si Mama na nag-aayos ng kung anong papeles sa mesa. Sinamsam niya ang mga ito bago tumayo.

Halata rin ang gulat sa kanya nang makita ako sa hamba ng pinto. "Oh, Shane. Nakakagulat ka namang bata ka. Bakit gising ka pa?"

Lumapit siya sa 'kin at ngumiti. She looks tired and yet, she still managed to let out a smile.

Hanga talaga ko sa sipag at dedikasyon na ibinibigay ni Mama sa trabaho niya. Alam kong ginagawa niya ang lahat para mabigyan lang kami ng magandang buhay. No words can express how thankful I'm to have a mother like her.

"Hindi po ako makatulog, eh. Saka nauhaw po ako."

She patted my head. "Sige. Pagkatapos ay matulog ka na, hah?" She leaned forward and kissed my forehead before she go.

Pagkaalis niya ay dumiretso na ko sa ref para kumuha ng maiinom. Pero muntikan ko ng maibuga ang tubig na nainom ko ng may biglang nagsalita.

"Alam ko ang nangyayari sa 'yo sa school, Ate. Kahit magkaiba tayo ng schedule at year level ay umaabot sa 'kin ang mga balita tungkol sa 'yo at sa team captain ng basketball team ng mga seniors. Hindi kita tatanungin tungkol do'n. I just want you to know that I'm here, willing to listen. Hindi rin ako pala-away na tao. Pero sa oras na makarinig ako ng hindi magandang salita laban sa 'yo, I swear, I will bring myself to the guidance office for the first time."

Natigilan ako at dahan-dahan siyang nilingon. Pero tanging ang likod na lang niya ang sumalubong sa 'kin, hanggang sa tuluyan ng lamunin ng dilim ang bulto niya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Behind his behave and good image is my protective brother.

"I'll do the same, Clark. I'll do the same to you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status