Share

Chapter 3

Chapter 3

Madaling araw na ng makatulog ako kanina. Kaya naman ay tinanghali ako ng gising, dahilan para mapatalon ako sa kinahihigaan ko.

Kasalanan 'to lahat ni Lance! Hindi ako pinatulog ng mga sinabi niya kahapon!

Dali-dali na akong naligo at nag-ayos. Ni hindi ko na nagawang kumain ng agahan dahil mas lalo lang akong hindi aabot. Pumuntos na nga ako kahapon kay Ms. Reyes, tapos mukhang madadagdagan pa 'yon ngayon.

Mabuti na lang at kahit papaano ay nakikiayon sa 'kin ang pagkakataon. Wala kasing traffic kaya sakto lang ang naging dating ko.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Akala ko pa naman ay magtutuloy-tuloy na ang pagiging okay ng araw ko. Pero muling nasira 'yon nang matapos ang P.E. subject namin.

Napakurap ako mula sa panonood kay Ralph na kasalukuyang naglalaro ng basketball, nang bigla akong sikuhin ni Kim. Kunot noo ko siyang nilingon. "What?"

Napangisi naman siya. "Ikaw, hah. Hindi mo man lang sinabi sa 'min na si Ralph pala ang crush mo," pang-aasar niya sa 'kin sabay tusok sa tagiliran ko.

Natigilan ako. Paanong...

"Ano'ng ibig mong sabihin? Saan mo naman napulot 'yang tsismis na 'yan?"

I tried to remain as calm as possible. Hindi naman ako natatakot kung malaman man nila ang tungkol doon. Ang inaalala ko ay paniguradong hindi nila ako tatantanan ng pang-aasar nila.

Nilapit nilang dalawa ni Mia ang mga mukha sa 'kin. "Hindi 'to tsismis! Reliable ang source namin. Nakita kasi namin kanina si Ralph na may kausap sa labas. I heard na naging kaklase mo siya last year. Tapos nabanggit niya kay Ralph na crush mo raw ito dahil hindi ka naman daw nanonood ng laban ng basketball kung hindi siya isa sa mga manlalaro."

Napapikit ako nang mariin. Sino naman kaya ang Poncio Pilato na 'yon na nakahalata sa 'kin?

Tumayo na ako at iniwan silang dalawa. Hindi ko naman responsibilidad na magpaliwanag sa kanila at mas makabubuti para sa 'kin ang manahimik.

"Shane! Saan ka pupunta?" tanong ni Mia.

"Magpapalit na ako ng damit!" Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi na sila nilingon pa.

Maagang natapos ang P.E. subject namin ngayong araw. Kaya naman ay naisipan muna naming tumambay rito sa gymnasium. Ayoko pa talaga sana umalis pero hindi matatahimik ang mundo ko kapag nanatili pa ako rito.

Pagkababa ko ng bleachers ay nagulat na lang ako nang marinig ang magkakasabay na sigaw ng mga kaklase ko.

"Shane! Watch out!"

I looked up. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bola na papalapit sa direksyon ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na nagawa pang makagalaw.

Pero bago pa man ito tuluyang tumama sa 'kin ay isang malapad na likod ng matangkad na lalaki ang biglang tumambad sa paningin ko.

"Mag-iingat ka naman sa susunod, Ralph!" Pinasa niya pabalik ang bola kay Ralph.

Saglit akong natulala. That voice. It is Lance!

Napaatras naman ako nang bigla siyang lumingon sa 'kin. "Ayos ka lang ba?" Seryoso ang mukha niya at tila iritado nang dahil sa magkasalubong niyang kilay.

Pero bakit?

Tumango lang ako. "Thanks."

Hindi naman siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang.

"Shane! You okay? Pasensya na. Hindi kita napansin agad."

Napakurap ako nang biglang lumapit si Ralph sa 'min. Nilingon ko siya. "I'm okay. Just be careful next time." Tumango naman siya.

Paalis na sana ako nang marinig ko naman ang malakas na sigaw ni Kim mula sa itaas. "Shane! Bakit namumula ka?"

Napaawang ang bibig ko. What the?

Dahil dinig sa buong gymnasium ang ginawa niyang pagsigaw ay nakisali na rin sa pang-aasar sa 'kin ang mga kaklase naming naroroon pa.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang biglang pagngisi ni Ralph.

"Don't worry, Shane. I don't mind. I'm used to it already." Kumindat pa ang loko.

"Woah!" Nagsigawan naman ang mga kaklase naming lalaki.

Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na may pagkamahangin pala siya!

I raised both of my hands. "Whatever!"

Tumalikod na ako at nagsimulang umalis. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Nakahinga lang ako nang maluwag ng sa wakas ay nakalabas din ako ng gymnasium. Nababahala ako na baka tuluyan ng masira ang tahimik kong mundo nang dahil sa nangyari.

But what worries me the most is Lance.

Dahil bago ko sila tinalikuran ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.

-----

''Shane! Tinitingnan ka na naman ni Ralph! Pakiramdam ko talaga may gusto rin siya sa 'yo!'' bulong ni Mia sa 'kin.

Napadilat naman ako at napaayos ng upo mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa pader. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin at naghihintay sa susunod na subject.

Nilingon ko siya. Ngunit napaatras ako nang biglang lumapit ang mukha niya sa 'kin habang nakangisi. Isang linggo na rin ang lumipas magmula ng nangyari ang eksena sa gymnasium, pero ayaw pa rin nila ako tantanan.

Palihim ko namang sinulyapan si Ralph. Na sana pala ay hindi ko na lang ginawa.

Nakatingin nga siya sa 'kin!

Napaiwas agad ako ng tingin. Pero nang dahil sa ginawa kong 'yon ay nahagip naman ng mga mata ko ang katabi niya. Nakatalikod siya at mukhang busy sa kung anumang ginagawa.

Magmula noong sabay kaming napalabas ni Ms. Reyes ay hindi pa uli kami nakakapag-usap na dalawa. Well, maliban na lang sa bilang na palitan namin ng mga salita sa tuwing nagkakasalubong o nagkakasabay kami.

Sabagay, bukod sa wala naman kaming dapat na pag-usapan, hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng mga salita na binitiwan niya sa garden no'n.

''Naku! May kinikilig!'' Nagulat na lang ako ng biglang tumili sila Mia at Kim. Pati tuloy ang mga kaklase namin ay napapalingon na sa direksyon namin.

Muli ko silang binalingan at inirapan. ''Bakit naman ako kikiligin? Ewan ko ba sa inyo! Kayo lang naman ang gumagawa riyan ng issue.'' Tinalikuran ko na sila para abalahin ang sarili ko sa pagtingin sa labas.

Natigil lang sila sa pang-aasar sa 'kin nang sa wakas ay dumating na ang susunod naming guro. Doon lang napanatag ang loob ko.

Pero nagkamali pala ako. Wala na bang  magandang pangyayari para sa 'kin ngayong araw?

Kasalukuyan akong nakatayo rito sa harapan. Hindi kasi ako nakasagot sa tanong ni Mrs. Lorca kanina.

Ang parusa? Kakanta lang naman!

Kinumbinsi ko siya na kung puwede ay paglinisin na lang niya ako sa labas, kaysa gawin ang kahihiyan na 'to.

Pero hindi siya nagpatinag at kanina pa nakahalukipkip, habang matalim na nakatingin sa 'kin ang kanyang mga mata.

Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng dapat gawin ay ito pa?

Sa totoo lang ay tatlo naman kaming hindi nakasagot. Kaya tatanggapin ko pa kung sabay-sabay na lang sana kaming kakantang tatlo.

Pero hindi, eh! Isa-isa kami at ako pa ang huli. Nasa akin na naman tuloy ang atensyon ng buong klase!

Kung bakit naman kasi ay roon pa ako natawag sa tanong na hindi ko alam ang sagot. Sa English subject kasi namin, sa oras na hindi ka makasagot sa recitation o mali ang sagot mo ay pagkanta ang kaparusahan.

Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Mrs. Lorca nang maisipan niya ang tungkol sa ganitong klase ng parusa? Hindi bale sana kung MAPEH teacher siya.

''So, Ms. Sandoval. What song are you going to sing for us? No worries. You can hit it just until the chorus.'' Seryoso lang ang mukha ni Mrs. Lorca. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Sa kabila ng katahimikan ay bigla namang sumigaw si Mia. '''Yong kanta mo na lang para kay Ralph!'' Dahil doon ay nagsimula na naman akong tuksuhin ng iba pa naming mga kaklase.

Napatampal na lang ako sa noo habang umiiling. Hindi ba talaga sila titigil? Konting-konti na lang talaga at bubusalan ko na ang bibig ng babaeng 'to!

Saka ano ba ang pinagsasabi niya? Wala naman akong kanta para kay Ralph. Buti pa siya aware sa bagay na 'yon. Samantalang ako ay hindi.

''Oh. Why is that? Are you and Mr. Dela Cruz together?'' Pati si Mrs. Lorca na minsan lang kung ngumiti ay napangiti ngayon nang dahil sa kalokohan nila.

Napangiwi ako. ''Hindi po. Wala po 'yon.'' Nagsimula na naman ang walang humpay na pang-aasar ng mga kaklase ko sa 'kin.

I glared at Mia, but she just smirked at me. This is all their fault!

Kahit tuloy nandito ako sa harap ay pinipilit ko na wag mapatingin sa direksyon nila Ralph at Lance.

Wala naman akong pakielam sa ganitong klase ng bagay dati. Pero ewan ko ba kung bakit ako naiilang ngayon nang dahil sa presensya ng dalawang 'to!

''Okay, enough for that. You may now start Ms. Sandoval so that we can go on with the discussion.''

Napabuntong hininga na lang ako. It seems like I don't have any other choice.

Pero ano nga ba ang kakantahin ko? Biglaan naman kasi.

I cleared my throat first. Bahala na nga. Napahinga muna ako ng malalim bago tuluyang nagsimula.

If the heart is always searching

Can you ever find a home?

I've been looking for that someone

I can't make it on my own

Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila. Ang lulungkot kasi ng mga mukha nila, habang ang ilan naman ay nakapangalumbaba pa.

Dreams can't take the place of loving you

There's gotta be a million reasons why it's true

Nilibot ko ng tingin ang buong klase, hanggang sa dumako ito kay Lance. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Our eyes locked to each other for a moment. Nang makaramdam ako ng ilang ay umiwas na ako ng tingin. Sana lang ay hindi 'yon napansin ng mga kaklase namin.

When you look me in the eyes and tell me that you love me

Everythings alright when you're right here by my side

When you look me in the eyes

I catch a glimpse of heaven

I find my paradise

When you look me in the eyes...

Mabilis akong naglakad pabalik sa puwesto ko ng matapos. Ngayon ko lang naramdaman na ang bilis pala ng tibok ng puso ko nang dahil sa kaba. Kahit ang kamay ko ay bahagyang nanginginig.

It's happening again.

Tahimik lang ang paligid hanggang sa nagulat na lang ako nang magpalakpakan ang mga kaklase ko.

''Ang ganda pala ng boses mo, eh! Nakakadala ng emosyon!'' Kim poked me on my arm.

Nginitian ko na lang siya. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa totoo lang ay hilig ko naman talaga ang kumanta.

Pero nang dahil sa sunod-sunod na pagkatalong naranasan ko sa mga kompetisyon na nasalihan ko noon ay matagal ko ng kinalimutan ang pagkahilig ko rito.

Dahil din doon ay umusbong ang takot ko sa tuwing nasa ibabaw ako ng entablado, at nanginginig ako sa tuwing haharap sa maraming tao para kumanta. Nawala 'yong confidence ko.

I'm a loser. Kahit saang bagay ay talo ako.

Kahit nga sa pagiging kaibigan ay hindi rin ako maaasahan.

Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay uwian na. Naiwan na naman ako mag-isa rito sa classroom namin. May lakad kasi sila Mia at Kim. Habang ang mga kaklase ko naman ay kasing bilis ni Flash na umalis pagka-dismissed pa lang ng klase.

Pagkalabas ay nagulat pa ako nang makita ko si Lance na tila nag-aabang. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.

''You know what, your voice is great.''

Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko. Pinuri rin naman ako nila Kim kanina at ng iba pa naming mga kaklase. Pero hindi ko alam kung bakit kakaiba ang epekto ng papuri niya sa 'kin.

Parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko.

Tipid ko siyang nginitian. ''Thanks.''

He smiled. A sad one.

But why, Lance?

''Sana ay magkaroon tayo ng pagkakataon na kumanta ng magkasama.'' I gave him a questioned look.

''You want to sing with me?'' I asked in disbelief.

Nakakagulat naman kasi talaga. Si Lance gusto akong makasama kumanta? Is he joking? Sino ba naman kasi ako kumpara sa kanya?

I'm always a loser. While he is always a winner. I don't think that's a good combination at all.

He nodded. ''Yeah. Anyway, you take care.'' Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob ng classroom namin. May naiwan siguro.

Habang ako naman ay naiwan na nag-iisip. Sa totoo lang ay nalilito na ako sa mga sinasabi at sa mga inaakto niya.

You're one hell of a mysterious man, Lance Buenavista.

Hanggang sa makalabas ako ng gate ay patuloy pa rin ako sa pag-iisip. Kaya naman ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang tumabi sa 'kin at nagsalita.

"Sabay na pala tayo."

Napataas ako ng kilay at dahan-dahan siyang nilingon. "Bakit? Hindi ba sa kabila ang daan mo?"

Napakurap naman siya. Parang hindi makapaniwala sa narinig. "Paano mo nalaman? Sinusundan mo ba ako dahil may gusto ka sa 'kin?"

Hindi ko napigilan ang mapasimangot bago ko siya mahinang sinuntok sa braso. Mas mahangin pa pala siya kay Ralph! "Feeling mo naman! Hindi porke't maraming nagkakagusto sa 'yo ay ibig sabihin gusto na rin kita. Napansin ko lang na doon ka lumiliko tuwing uwian."

Well, I hate to admit, but that's true. 'Yong maraming nagkakagusto sa kanya. Tipong sa tuwing naglalakad siya ay sinusundan siya ng tingin ng mga kababaihan sa school. Minsan nga ay umaabot pa sila sa punto na nagpapapansin sila sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan niya at pagkaway.

Kung tutuusin ay mukha siyang nerd dahil sa makapal niyang salamin. Kaya hindi ko akalain na marami pala ang humahanga sa kanya. Paano na lang kaya kung hindi siya nakasuot ng salamin?

Baka magkaroon na ng stampede.

Biglang naging seryoso ang mukha niya. "Aanhin ko naman ang marami kung wala naman sa kanila ang babaeng gusto ko?"

Napakunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Now, that's another news for me.

Ibig sabihin ay may babaeng nagugustuhan si Lance?

"Sino naman ang babaeng 'yon?" I curiosly asked.

Napatitig lang siya sa 'kin. May mensahe na gustong ihatid ang kanyang mga mata sa 'kin na hindi ko makuha.

Mayamaya pa ay narinig ko ang malakas na paghugot at pagpapakawala niya ng hininga. "Hatid na kita hanggang sa inyo. Gabi na rin kasi." Pag-iiba niya ng usapan.

I shook my head at him and continued to walk. "There's no need for you to do that, weren't even friends," wala sa loob kong sabi.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman kung hindi na siya nakasunod sa 'kin.

Nilingon ko siya. He was staring at me intently. Nakatikom ang kanyang mga labi habang nakapamulsa at tinatangay ng hangin ang kanyang buhok.

May mga pagkakataon naman na nagkakasama kaming dalawa, dahil sumasabay sila ni Ralph sa 'min nila Mia kapag kumakain. Pero ayoko namang bigyan 'yon ng ibang kahulugan. Kahit pa nga kapag sa 'kin ay madalas siyang nakangiti, pero pagdating naman sa iba ay masungit siya.

Sa sobrang intense ng tingin ni Lance ay hindi man lang nito napapansin ang iilang estudyante na napapalingon sa kanya.

Napairap ako. Kung bakit naman kasi malakas ang appeal ng lalaking 'to? Maraming babae at feeling babae tuloy ang nag-aagawan sa kanya.

Lance is unreadable. 'Yong tipong hindi mo mahahalata at mahuhulaan kung ano man ang iniisip niya. He was good at hiding his emotions and true feelings. Tila may isang bagay sa kanya na gugustuhin mong alamin. Then, you wouldn't be satisfied unless you got the answer you want.

"Weren't friends?" he asked. I nodded.

Suddenly, the side of his lips tugged upward. "I don't want to be friends with you, either."

Hindi ko alam kung bakit pero medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Ngunit mas maigi na rin 'yon dahil ayoko naman talaga ng kai—

"But we can start with that." Natigilan ako dahil sa sunod niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. Thinking what he meant by that. Tatanungin ko pa sana siya nang mapansin kung umangat ang kanang kamay niya na tila may pinapara.

"Sumakay ka na. Pagabi na rin. Ingat." Before I knew it, he was already walking away from me.

Palagi na lang niya akong sinasabihan ng ingat kaya nakasanayan ko na lang din. Sumakay na agad ako nang huminto 'yong jeep sa harap ko, dahil nararamdaman ko na talaga 'yong sobrang pagod ng katawan ko. But I'm still wondering about what he had said a while ago.

"I don't want to be friends with you, either."

"But we can start with that."

We can start with being friends, then what?

Napasandal na lang ako sa bintana ng jeep.

You never failed to give me a headache, Lance.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status