Share

Chapter 2

Chapter 2

"Kamusta naman ang first day of school?" nakangiting tanong ni Mama pagkatapos naming maghapunan.

"Exciting!" As usual, Clark answered so lively.

"Boring," tugon ko naman sabay inom ng tubig. "Ako na po ang maghuhugas." Pagbo-boluntaryo ko bago sinimulang samsamin ang mga pinagkainan namin at dumiretso patungong lababo.

"Ikaw talagang bata ka! Paano na lang kapag nagkolehiyo ka na? Aba! Hindi na puwede 'yong ganyan na papetiks-petiks ka lang, Shane." Rinig kong sermon ni Mama habang nakasunod sa 'kin.

Pinigilan ko ang sarili na umirap. "I know, Ma. Don't worry too much. Sinisiguro ko po sa inyo na makakapagtapos ako hanggang kolehiyo. That, I assure you." Pagtatapos ko ng usapan. Mamaya kung saan na naman mapunta 'to, eh.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "Pinapaalala ko lang naman. Kaya pagkatapos mo riyan ay gawin mo na ang mga takdang-aralin mo, hah. Pinatingnan ko ang mga notebook mo sa kapatid mo kanina at marami-rami ka raw takdang-aralin."

Nagpanting ang tainga ko nang dahil sa narinig at halos mabitiwan ko ang hawak na pinggan dahil sa inis.

Lagot talaga sa 'kin ang batang 'yon! Nangielam na naman ng gamit ng may gamit!

Minsan tuloy ay ayoko na lang magsulat ng kahit ano, eh. Para wala silang nakikita.

Hindi na ko umimik hanggang sa marinig ko ang papalayong yabag ni Mama. Mayamaya pa ay nakita ko naman si Clark na nakasilip sa pinto habang naka-peace sign. Babatuhin ko sana siya ng bula pero mabilis na kumaripas ng takbo ang loko. Napa-iling na lang ako.

Pagkatapos kong maghugas ay chineck ko muna kung nakasarado at naka-lock ba maigi ang mga pinto at bintana, bago umakyat at tumungo sa kuwarto ko. Bibihira lang ang mga pagkakataon na nanonood kami rito sa bahay at mas madalas na nakakulong sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Si Mama ay paniguradong mayroon na namang inuwi na trabaho. Habang si Clark naman ay nasisiguro kong nag-a-advance lessons na. Advance mag-isip ang lalaking 'yon, eh.

Ako naman ay naghahanda na para mahiga at magmuni-muni. Tinatamad pa akong gumawa ng assignment namin. Bukas na lang siguro pagkagising.

Nang makahiga ay kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table at nagsimulang mag-browse sa f******k. Nakaka-ilang scroll pa lang ako ng bigla kong maalala ang number ni Lance.

Text ko kaya? Pero ano naman ang sasabihin ko?

Nah. Baka mag-assume pa siya na may gusto ako sa kanya. Si Ralph nga na matagal ng may number sa 'kin ay hindi ko pa na-text!

Nag-isip pa ako saglit ng may bigla akong maalala.

Tama. Hihingi na lang ako ng tawad dahil sa naging pakikitungo ko sa kanya kanina. Nakalimutan ko rin kasi banggitin kanina no'ng nagka-usap kami.

Kaya kahit labag sa ego at pride ko ay natagpuan ko na lang ang sarili na tumitipa ng mensahe para sa kanya.

Shane:

Good pm. Shane 'to. Remember? 'Yong nabunggo mo kanina?

Then I hit send. Napatampal naman ako sa noo nang ma-realize na ang rude ng pagkaka-text ko. Ngunit huli na para bawiin ko pa 'yon.

Nag-iisip ako ng maaari pang sabihin ng biglang tumunog ang phone ko, tanda na may isang mensahe ang dumating.

Lance:

Hi! Sorry pala ulit kanina, ah? How did you get my number, anyway? :)

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako nang makita 'yong smiley emoticon sa text.

Shane:

Binigay ni Mia sa 'kin kanina. Kinuha ko para makapag-sorry na rin.

Tama. May rason din naman pala kung bakit ko naisipan kunin ang number ng lalaking 'to, eh.

Akala ko ay hindi na siya sasagot pa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla uling tumunog ang phone ko.

Lance:

Ah. 'Yon lang ba? Naku, wala 'yon. Basta ikaw :)

Napakunot noo naman ako sa sagot niya. Ang weird niya talaga.

Shane:

What do you mean by that?

Sa isang iglap ay nawala bigla ang antok ko. Tutok na tutok ngayon ang mga mata ko sa screen ng phone ko.

Lance:

Hmm. Wala. May itatanong sana ko.

Tumaas ang kilay ko. Ano naman kaya ang itatanong ng loko?

Shane:

Ano 'yon?

Ilang minuto rin ang lumipas bago uli siya nag-reply.

Lance:

May assignments ka na ba? Tapos ko na 'yong akin, eh.

Napanganga ako nang dahil sa nabasa. Akala ko naman ay kung ano na.

Hindi na lang ako nag-reply sa huling text niya at muling binalikan ang f******k ko. Puro browse lang ang ginagawa ko rito kaya naisipan kong i-explore muna 'to.

Pumunta ko sa friend requests section. Pinadaanan ko lang ng tingin ang mga pangalan at profile pictures na nando'n sabay scroll uli. Delete lang ako ng delete dahil karamihan sa kanila ay hindi ko naman kilala.

Hanggang sa matigilan ako nang may mahagip akong pamilyar na litrato. Tiningnan ko ang katabi nitong pangalan at gano'n na lang ang gulat ko.

Lance Buenavista

Confirm     Delete

Napakurap ako. Nasa bandang dulo na siya ng mga nag-friend request sa 'kin dati. Ibig sabihin, matagal na 'to?

Kung gano'n ay matagal na ba akong kilala ni Lance? O, baka naman random add lang 'to katulad ng madalas na gawin ng mga kabataan noong bago pa ang f******k.

In spite of what the main reason is, I click 'Accept'.

Nang magsawa ako sa kaka-scroll ay bigla akong napahikab.

Dahil tinablan na ng antok ay napagpasyahan ko ng matulog. Pero bago ko pa man patayin ang data ko ay narinig ko ang pop-up notification tone ng messenger ko.

Nagulat pa ko nang biglang lumabas 'yong chat head ni Lance.

Lance:

Thanks for the accept.

Magtitipa pa sana ko ng ire-reply ko pero tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

-----

Pagpasok ko kinabukasan ay naabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko na may kanya-kanyang kumpulan. Napailing na lang ako at dumiretso patungo sa upuan ko. Tumaas ang kilay ko nang bigla akong salubungin ng nakabusangot na mukha nila Mia at Kim.

"Hi, Shane," walang gana nilang bati sa 'kin.

"What's with the face?" balewalang tanong ko sa kanila pagkalapag ko ng bag sa upuan ko.

"Eh, kasi naman! Naka-ilang padala kami ng text kay Lance kagabi! As in tinadtad namin siya ng text ni Kim pero ni isa sa 'min, eh, hindi man lang niya nireplayan! Kahit nga raw 'yong iba pa nating mga kaklase," nakangusong reklamo ni Mia.

"True, Sis! Anong silbi ng pagkakaroon natin ng number niya kung hindi naman siya magre-reply sa 'tin, di ba? Eh, kahit sa messenger nga ay ni hindi man lang niya in-accept 'yong message request natin." Nilingon ako bigla ni Kim.

"How about you, did you try texting him, too?" she asked curiously.

Natigilan ako nang dahil sa tanong niya. Ibig bang sabihin, sa lahat ng nagpadala ng text sa kanya kagabi, eh, ako lang ang nag-iisang ni-replayan niya? To think na isang beses ko nga lang siya tinext dahil agad naman siyang sumagot.

''Yeah,'' nag-aalangan kong sagot. Dali-dali naman silang lumapit na dalawa sa 'kin.

''Really? Did he reply to you?''

Gusto kong ngumiwi nang dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa 'kin.

''Oo. Nag-sorry lang naman ako dahil nasungitan ko siya kahapon. Tapos ayon, ang sabi niya ay ayos lang daw sa kanya.'' Nagkibit-balikat lang ako. Hindi naman kasi big deal sa 'kin ang bagay na 'yon.

Nanlaki naman ang mga mata nila. ''Ano? Sinungitan mo siya? Don't you know him? I can't believe that you actually did that!'' pabulong na sigaw sa 'kin ni Mia na para bang ayaw niya na may ibang makarinig ng ginawa ko.

Tumango naman ako. ''Well, to tell you honestly, I don't really know him until yesterday.'' May sarili nga kasi akong mundo at wala akong masyadong malay tungkol sa mga tsismis na umiikot o sa mga taong sikat dito sa school.

Wala sa loob na napatingin naman ako sa may puwesto ni Lance sa harap at saktong nagtama ang paningin naming dalawa.

He is smiling at me.

Now, I can't help but to wonder about what is the reason behind his smile.

"My Gosh, Shane! For your information, Lance Buenavista is the team captain of  the basketball team. He also joined the school festival's singing competition for the past years and no one has yet to beat him up as a winner. An honor student and consistent part of Section A." Biglang natigilan si Kim.

"Now that I mentioned it, I wondered what really happened on why he became part of this class all of the sudden?" Kim curiously asked more to herself.

Napamaang ako sa kanya. Sa totoo lang ay ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa mga impormasyon na 'yon.

Nasagot nito ang tanong sa isip ko kung bakit close agad sila Lance at Ralph. Pareho pala silang galing ng Section A, sumali sa school festival at parte ng basketball team.

Crush ko si Ralph. Pero bilang lang sa daliri ang mga panahon na nanood ako ng laban ng team nila at sa kanya lang talaga nakatuon ang atensyon ko kung sakali man. Kaya baka hindi ko rin napansin si Lance noon.

Natigil lang sila sa pangungulit sa 'kin nang biglang dumating si Ms. Reyes. Agad na nagbalikan sa kanya-kanyang upuan ang lahat. Pagkalapag pa lang niya ng mga gamit sa teacher's desk ay agad siyang nagsalita. "Pakipasa sa unahan ang mga takdang-aralin n'yo."

Mabilis na kumilos ang lahat. Bubuksan ko na sana ang bag ko ng may bigla akong naalala. Napapikit ako nang mariin dahil tinamad akong gumawa kagabi at nakalimutan ko namang gumawa kanina!

Wala pa namang patawad si Ms. Reyes sa mga hindi nakakapasa ng takdang-aralin sa kanya.

Nanlulumong napaayos na lang ako ng upo. Nagsimula ng magpasa ang lahat. Bahala na nga!

Nang makarating na ang lahat ng papel sa unahan ay kinolekta na ito ni Ms. Reyes kada hanay. Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan niya at sinimulang isa-isahin ang mga 'to at nag-check sa class records niya.

Doon ko lang napansin na nakatingin pala sa 'kin si Lance. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to?

Nakita kong napataas ang kilay ni Ms. Reyes nang matapos siya sa pagche-check, bago nag-angat ng tingin sa direksyon ko.

Naging guro ko na siya sa asignaturang Filipino nitong nakaraang taon at nasabi na rin naman niya ang mga patakaran niya kahapon, kaya alam ko na ang parusa sa mga hindi makakapagpasa ng kanilang takdang-aralin nila.

"Ms. Sandoval. Labas. Ngayon din," maawtoridad na utos niya.

Taas-noo akong tumayo at humakbang palabas. Nadaanan ko pa ang ilan sa mga kaklase ko na nagpipigil ng kanilang mga tawa.

Hindi ko napigilan ang mapairap. Paniguradong kung hindi sila nagkopyahan, eh, wala rin naman silang maipapasa. 'Yon pala ang pinagkakaguluhan nila kanina.

Mga feeling perfect.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hardin nitong school. Naupo ako sa isa sa mga bench dito. Wala namang ibang tao rito maliban sa 'kin dahil oras na ng klase.

Sa totoo lang ay mas okay na 'yong ganito na napalabas ako. Kaysa makinig sa boring niyang pagtuturo.

I am enjoying the peacefulness of the place when suddenly, I felt a presence beside me. Nilingon ko ito at gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Lance.

Wait. Si Lance na honor student daw ay walang assignment?

"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat habang nakatingin sa mga bulaklak sa harap namin. "Just like you."

Kumunot ang noo ko. "Paano naman nangyari 'yon? Ang sabi mo sa 'kin kagabi ay tapos ka na sa mga assignments natin, ah."

Sa pagkakataong 'to ay nilingon na niya ko. "Napansin ko kasi na hindi ka nagpasa. Kaya hindi ko na lang din ipinasa 'yong akin."

Napansin pala niya 'yon. Pero teka, mas lalo akong naguluhan nang dahil sa sinagot niya. "Bakit? Eh, ako sanay na kong napapalabas at napaparusahan pagdating sa mga ganoong bagay rati. Pero ikaw, sa tingin ko ay ito pa lang ang unang pagkakataon mo."

Maaaring isang assignment lang 'yon. Pero kahit gano'n ay paniguradong may posible pa rin 'yong epekto sa magiging grado niya.

Tumango naman siya habang nakangiti. "Yup!" Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya dahil mukhang natutuwa pa siya.

"Pero bakit nga?" pangungulit ko pa. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman ang dahilan niya.

Natahimik naman siya at nanatiling nakatitig lang sa 'kin. Hindi hadlang ang mga salamin na suot niya para hindi ko makita ang isang klase ng emosyon na dumaan sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan.

Ilang minuto pa ang dumaan na nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Umihip ang malakas na hangin, dahilan para bahagyang magulo ang nakaayos niyang buhok at tumabing ang ilang hibla ng mahaba kong buhok sa mukha ko. Inipit ko ang mga nilipad na hibla sa likod ng tainga ko na sinundan lang niya ng tingin.

Sa sobrang tahimik ng paligid ay muntik pa kong mapatalon sa gulat ng bigla siyang magsalita.

"Mag-isa ka lang kasi. Gusto lang kitang samahan. Also, I can't let the chance slip out of my hand once again," halos pabulong niyang sagot. Pero sapat lang para umabot sa pandinig ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Gusto kong kurutin ang sarili dahil sa pagkaka-utal. Hindi ko gusto ang namumuong tensyon sa kaloob-looban ko.

Lumamlam ang kanyang mga mata kasabay ng pagkagat niya ng pang-ibabang labi. Kusa namang bumaba ang tingin ko roon at bahagyang umawang ang aking bibig.

What the hell are you doing, Lance?

"Kung ang maparusahan lang ang tanging paraan para makasama ka, handa akong sumuway at magkasala ng paulit-ulit."

That made my mouth totally shut.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status