Share

Chapter 1

Chapter 1

Shane Chrystelle's POV

Saglit akong tumigil sa paglalakad upang punasan ang namumuong pawis sa noo ko. Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito sa loob ng school at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kung nasaan ba 'yong classroom ko para sa huling taon ko rito.

Our school is quite big. No, scratch that. It's actually big. It was consisted of fifteen sections per year level. Idagdag mo pa ang ibang facilities. How was that, right?

A typical public school. I know.

Pareho kaming nag-aaral dito ng nag-iisa kong kapatid at tanging si Mama lamang ang kumakayod para sa' min. Gustuhin man niya kaming pag-aralin sa isang pribadong paaralan ay hindi naman sapat ang kinikita niya, na kung tutuusin ay sumasakto lang sa pang-araw-araw naming gastuhin at pambayad ng mga bayarin.

Isang taon lang ang tanda ko sa kapatid kong lalaki. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay masipag siya mag-aral at hindi gano'n kadali na maimpluwensiyahan ng kung sino. Hindi tulad ng karamihan sa mga lalaki rito na wala ng ibang ginawa kung hindi ang mag-cutting class at magbisyo. Mga high school student pa lang, pero akala mo kung sino ng siga sa kanto. Eh, galing pa rin naman sa pera ng mga magulang nila ang pinanggagastos nila.

Masasabi ko na sa 'ming magkapatid ay si Clark ang pinakapag-asa ni Mama. Bukod kasi sa mas matalino ay di hamak na mas matino rin siya sa 'kin.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago muling nagpatuloy sa paghahanap. Nagsimula na uli akong magtingin-tingin sa mga listahan na nakadikit sa pinto ng bawat silid na hindi ko pa napupuntahan, kung saan ay nakapaskil ang mga pangalan ng bawat estudyante rito.

Maigi kong sinusuri ang bawat listahan at sinisiguro kong walang malalampasan ang mga mata ko.

Sa totoo lang ay nagsisimula na akong mairita dahil kanina pa ako naiinitan. Dagdagan mo pa ng buhos ng mga estudyante na paroon at parito. Pinipigilan ko lang din ang sarili ko na magkomento sa mga nakakabangga sa balikat ko dala ng pagmamadali.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang gusali na nasa likurang bahagi na ng school at mapatigil sa unang pinto na nadaanan ko roon. Pinasadahan ko ng tingin ang listahan sa labas nito.

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng mumunting ngiti sa 'king mga labi ng sa wakas ay nakita ko na ang pangalan ko.

20. Shane Chrystelle Sandoval

Napaangat ako ng tingin kung saan nakalagay ang magiging seksyon ko. Hindi naman na ako nabigla sa nakita dahil nakalagay rin naman ito sa form ko. Masasabi kong kahit papaano ay achievement ng maituturing 'to.

Class 4-I

Nagkibit-balikat na lang ako. Huling taon ko na sa paaralan na 'to pero hindi ko man lang naranasan ang mapunta sa higher sections. Pero at least, nakapasok na ako sa pang-siyam na pangkat sa taon na 'to. Noong mga nakaraang taon kasi ay madalas talaga kong napupunta sa lower sections.

Hindi naman sa mahina ang utak ko. Sadyang tamad lang talaga ako mag-aral.

Papasok na sana ako sa loob ng bigla na lang akong may naramdaman na bumunggo sa likod ko.

"Ano ba naman 'yan!" Inis akong napalingon sa likuran ko para tingnan kung sino ba ang tila bato na bumangga sa 'kin. Halos masubsob kasi ako sa lakas ng impact nito kung hindi lang ako agad nakakapit sa pinto.

"Sorry, Miss! Hindi ko sinasa—" napahinto siya sa pagsasalita nang magtama ang paningin naming dalawa. Nanlaki ang kanyang mga mata na tila ba nakakita siya ng isang multo.

Nakataas ang kilay ko siyang pinagmasdan dahil sa pagkakatigil niya. Magulo ang kanyang alon-alon na itim na buhok na tila ba hindi man lang napadaanan ng suklay. Marahil ay dala ng pagmamadali. Bahagya namang nakababa ang suot niyang eyeglasses na para bang mahuhulog na ito. May katangkaran din siya na sa tantiya ko ay nasa 5'5 ang taas kaya medyo nakatingala ako sa kanya. Manipis ang mamula-mula niyang mga labi na bahagya pang nakaawang dala ng pagkagulat.

Teka, parang pamilyar sa 'kin ang lalaking 'to.

I saw him blinked. "P-Pasensya na uli!" Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang muli siyang magsalita.

"Sa susunod kasi ay tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Pwede?" inis na aniya ko sa kanya para mapagtakpan ang hiya dala ng ginawa kong pagsisiyasat sa kanyang mukha.

Napatungo naman siya na tila isang bata na pinagalitan ng magulang. "S-Sorry. H-Hindi k-ko t-talaga s-sinasadya," nauutal niyang sabi. May bakas pa ng kaba ang boses niya na sadya ko namang pinagtaka.

Am I that scary? Parang halos lahat na lang ata ng nakakausap ko ay nauutal.

Tumango na lang ako kahit hindi naman niya nakikita at nagdire-diretso na lang ng pasok sa loob. Medyo nakonsensya naman ako bigla sa tinuran ko sa kanya. Mukha pa naman siyang mabait.

But I'm just too tired and irritated, that's why.

Pero ano nga kayang problema niya at nauutal-utal siyang magsalita? Dahil ba masyado ko siyang natarayan? O, sadyang may problema lang siya sa pagsasalita?

Still, it's unsual for a man to act like that. Sayang, guwapo pa naman sana. But duh, the hell I care.

Iisang lalaki lang ang guwapo sa paningin ko na kahit papaano ay may pakielam ako, bukod sa kapatid ko.

Pero hanggang paghanga lang 'yon.

Kabi-kabilang ingay sa paligid ang agad na bumungad sa pandinig ko pagkapasok. Abala sa pakikipag-usap ang halos lahat ng mga kaklase ko habang ang iilan naman ay nakaupo pa sa mismong arm chair. Normal naman na sa 'kin ang mga ganitong klase ng eksena.

Naghanap ako ng bakanteng upuan sa bandang likod. Mabuti na lang at bakante ang upuan sa tabi ng bintana. Kaya naman ay dumiretso na ako rito at umupo. Hindi ko pa man nailalapag ang bag ko ay agad ng may mga nakipagkilala sa 'kin.

Hindi ako masyadong pamilyar sa karamihan sa kanila dahil ngayon ko lang sila naging kaklase.

Nakikipag-usap naman ako sa mga kaklase ko at sa ibang tao kahit papaano. Pero pili lang at wala akong tinuturing na kaibigan o best friend na kasa-kasama parati. I preferred to be alone and I'm used to it already.

I have my own world.

Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na sa wakas ang magiging unang guro namin.

We did the usual thing. Something like to introduce yourself. Boring, isn't it?

Wala akong ganang makinig kaya nagsulat na lang ako ng kung ano-ano sa kwaderno ko ng bigla akong makarinig ng tilian. Nakuha nito ang atensyon ko dahilan para matigil ako sa ginagawa at mag-angat ng tingin.

Sinalubong ang mga mata ko ng kulay tsokolate niyang mga mata. Nasa harap na pala siya. He is standing there with authority and confidence. Malayong-malayo sa weird na lalaking bumunggo sa 'kin kanina.

"Good morning, everyone. My name is Lance Buenavista," he said in a formal tone.

Impit namang nagtilian ang mga kababaihan dito nang dahil lang sa simpleng pagpapakilala niya, dahilan para sitahin sila ni Ms. Reyes na isang matandang dalaga.

Mukhang sikat ang isang 'to rito sa school. Pero bakit hindi man lang ata ako na-informed?

Sabagay, wala nga pala kong pakielam sa mga nangyayari at balita sa paligid ko.

Pabalik na siya sa upuan niya ng biglang may sumulpot mula sa pintuan. Humahangos siya at hinihingal. "I'm sorry, Ma'am. I'm late."

Matalim siyang tiningnan ni Ms. Reyes. "Sige. Pagbibigyan muna kita ngayon tutal unang araw pa lang naman ng klase. Pero sa susunod ay alam kong alam n'yo na ang nangyayari kapag may nale-late sa klase ko." Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng klase bago bumalik sa bagong dating na paupo na sana sa tabi ni Lance.

"Bago ka umupo ay ikaw na ang sunod na magpakilala rito sa harapan."

Pinunasan muna niya ang namuong pawis sa kanyang noo at inayos ang bahagyang nagusot na polo, bago taas-noong naglakad patungo sa harap.

"Hi! My name is Ralph dela Cruz. I hope that we can be friends." Malapad ang ngiting pinakawalan niya na mas lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko.

Ralph dela Cruz is the first guy that I have ever admired aside from my brother. Unang taon ko pa lang sa eskuwelahang ito ay madalas na akong nakakarinig ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa siya sa panlaban ng school sa tuwing may quiz bee event, kasali rin siya sa basketball team at tumutugtog din siya tuwing school festival. Consistent honor student pa ayon sa pagkakaalam ko.

Sa totoo lang ay masaya ako na maging kaklase siya. In fairness, nakaka-inspire ang achievements niya sa buhay. Siya lang ang kaisa-isang lalaki na nakapukaw ng kuryosidad ko.

Pero paanong ang isang katulad niya na consistent sa Section A ay napunta rito?

'Yon ang tanong na gumugulo sa isip ko hanggang sa matapos na ang klase. Wala rin naman kaming ibang ginawa bukod sa nagbigay lang si Ms. Reyes ng naging takdang-aralin namin.

Seriously? An assignment on the very first day of school?

Pagkalabas ni Ms. Reyes ay nagsimula na namang mag-ingay na parang bubuyog ang mga kaklase ko. Absent daw kasi 'yong susunod naming guro kaya para na namang nasa palengke ang silid na 'to.

Hindi ko na lang sila pinansin. Hinagilap ko sa loob ng aking bag ang dala kong phone at sinaksak dito ang aking earphones, bago ito sinalampak sa magkabila kong tainga para walang mang-abala sa 'kin. Pero nakuha ang atensyon ko ng dalawang babae na nag-uusap sa tabi ko. Wala naman kasi talaga kong kanta na pinapakinggan.

"Grabe! Ang guwapo talaga ni Lance! Lalo lang nakadagdag sa appeal niya 'yong pagsusuot niya ng salamin!" kinikilig na sabi ng katabi ko na si Kim.

Natigilan naman ako at wala sa loob na tumuon ang mga mata ko sa pinaka-unang row kung saan siya nakaupo.

But I was surprised when I caught him staring at me already. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Sa totoo lang ay kanina ko pa siya napapansin na patingin-tingin dito sa bandang likod. Guwapo nga. Kaso ang weird naman. So, no thanks.

"Tara, girls! Kunin na natin 'yong number niya! Pagkakataon na natin 'to dahil hindi natin siya malapit-lapitan last year. Alam niyo naman." Tumaas ang kilay ko nang dahil sa narinig.

Unang araw pa lang ng pasukan pero mukhang may gagawa na agad ng first move. To think na manggagaling pa sa isang babae. Ano na ba ang nangyayari sa henerasyon namin ngayon?

Napa-iling na lang ako. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang bumangon sa hukay si Rizal.

"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend. I don't even consider that bitch as one. So, I'll make sure that I'm going to be his first," sabat ni Mia na katabi naman ni Kim sa bandang kanan niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi nila. We're just fourth year high school students for crying out loud! Pagkatapos ganyan na agad ang mga maririnig ko mula sa kanila?

But wait. Who is the bitch she is referring to, anyway?

Nakita ko pang bumulong si Kim kay Mia. Pero hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila at wala rin naman akong pakielam.

Babae din naman ako at kahit hindi ako marunong magmahal ay marunong naman akong humanga kahit papaano. Pero hanggang doon lang. I know my limitations.

Mas lalong hindi ako katulad ng mga katabi ko na halos mangisay na sa kilig. Hindi uso sa 'kin ang kiligin.

Napansin kong tumayo si Mia at naglakad patungo sa kinauupuan ni Lance. Sinusubaybayan ko lang ang bawat galaw niya, habang si Kim naman ay mahina pang nagchi-cheer sa tabi ko.

Nakipag-usap lang saglit si Mia kay Lance, bago niya iniabot ang phone sa huli. Mukha namang wala lang ito kay Lance na kinantiyawan pa ni Ralph. Marahil ay sanay na siya sa mga ganitong klase ng eksena.

Pero teka, kanina ko pa napapansin na tila malapit sa isa't isa sila Lance at Ralph. Pagkarating pa lang kasi ni Ralph ay nag-usap na sila. Ngayon lang ba 'yan o dati pa? Hindi ko naman kasi nakikitang kasa-kasama ni Ralph si Lance noon.

Nang ibalik ni Lance 'yong phone ni Mia ay ngumiti lang ang huli at nagpaalam na. Nagsimula na siyang maglakad pabalik dito sa puwesto namin ng may ngiting tagumpay.

Winagayway niya ang hawak na phone. "Got it! Sabi ko naman sa 'yo kayang-kaya 'yan, eh! Kung alam ko lang na hindi naman pala siya mahirap kausap, eh, di sana noon pa lang ay kumilos na ako para mapalapit sa kanya," maarte niyang sabi bago ipamigay ang nakuhang numero kay Kim.

Napailing na lang ako at napagpasyahang isandal na lang ang ulo sa pader para umidlip muna kahit saglit, ng maramdaman kong may kumalabit sa 'kin. Idinilat ko ang kaliwang mata ko at ang nakangiting mukha ni Mia ang bumungad sa 'kin.

"Shane, gusto mo rin ba makuha 'yong number ni Lance?" Mia asked out of the blue.

Tuluyan ng dumilat ang dalawang mata ko. Ano raw? Para namang may paki ako sa numero ng lalaking 'yon.

I was about to say, no thanks. Pero iba ang lumabas na mga salita sa bibig ko.

"Okay." Agad naman niyang ibinigay ang phone niya sa 'kin.

Saglit akong natigilan. Bakit nga ba ako pumayag?

Sa totoo lang ay hindi ko rin alam.

Trip mo lang, Shane.

-----

Ilang oras pa ang lumipas at hindi ko man lang namalayan na uwian na pala. Wala pa naman kaming masyadong ginawa kaya maaga rin kaming pinalabas.

Mabilis na nag-alisan ang mga kaklase ko na akala mo ay may bagyong dumaan. Habang ako naman ay saglit na naiwan para kopyahin ang huling takdang-aralin namin para sa araw na 'to. Tinamad kasi akong kumopya kanina at ngayon lang sinapian ng kasipagan.

Nang matapos ay inayos ko na ang gamit ko at sinukbit sa kanang balikat ang shoulder bag ko. Pero pagkalabas ko pa lang ng silid namin ay halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang bumati sa 'kin mula sa kanan ko.

''Hi!'' Nilingon ko ang pinagmulan ng boses.

Oh. Si Lance lang pala.

Nakasandal siya sa pader habang nakataas at nakatukod ang kaliwang paa niya rito. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at nakasabit sa kanang balikat niya ang dalang backpack.

Susungitan ko sana siya ng bigla kong maalala 'yong ginawa kong pagtataray sa kanya kanina. Kung tutuusin ay hindi naman gano'n kalaki ang atraso niya sa 'kin para bigyan ko siya ng ganoong klase ng pagtrato.

So, in the end, I just nod to acknowledge his presence.

Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Ilang beses pa siyang kumurap na parang hindi makapaniwala. Tinampal-tampal niya pa 'yong pisngi niya na para bang ginigising niya ang sarili mula sa mahabang pagkakahimbing.

Kumunot ang noo ko. Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'to? I swear! He creeps me out already.

"Hey, you okay?" takang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya. May sakit ba 'to?

Unconsciously, I lifted my right hand to feel his forehead. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman siya mainit kaya bakit siya namumula?

"Lance?" untag ko uli sa kanya.

Ilang beses pa uli siyang kumurap bago bahagyang inayos ang suot na salamin sa mata. "Y-Yes. I'm o-okay." Napalunok siya.

Tumango na lang ako sa kanya, kahit pa ang weird niyang tingnan nang dahil sa kinikilos niya. Hindi naman siya ganito makitungo sa iba. Base na rin sa obserbasyon ko kanina. "Sige. Alis na ko." Nilampasan ko na siya pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng bigla siyang sumigaw.

"I-Ingat ka!" Nilingon ko siya mula sa kinatatayuan niya kanina pero wala na siya roon. Inilibot ko ang tingin ko at namataan ko pa siyang mabilis na tumatakbo na para bang may humahabol sa kanya.

Seriously, what's up with that guy?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status