Share

IKA-SAMPUNG KABANATA

IKA-SAMPUNG KABANATA

May mga bagay at pangyayari ang hindi natutupad kahit anong gawin mo. May mga rin na nangyayari sa pagkakataong hindi mo inaasahan.

Isang oras bago magsawa ang magbabarkada sa pagtatampisaw sa karagatan. Laro, kulitan at halakhakan ang namayani sa lugar. Aliw na aliw si Aroon sa paglunod kay Josh at Felix. Pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito. Unang umahon si Sid na sinundan naman agad ni Aroon. Nagpabilisan pa sa paglangoy ang tatlo kaya silang dalawa lang ang naiwan na nakaupo sa dalampasigan.

"Nag enjoy ka ba?" tanong niya kay Sid.

Tinukod ni Sid ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran at tumihaya. Pinagmasdan niya ang mga kaibigang naglalaro bago binalingan ng tingin si Aroon.

"Oo naman!"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status