Share

A Tale That Wasn't Right
A Tale That Wasn't Right
Author: Anne_Tumcial

SIMULA

2003

Isang maalinsangang tanghali ang nagpa-bagot sa batang si Aroon.  Kanina pa nakikipag kwentuhan ang kanyang ina sa isang kaibigan nito kaya hindi na niya napigilan ang pagka-inip at lumabas sa isang kubo.

Wala siyang alam sa lugar na iyon dahil hindi naman siya taga roon. Isang hamak na dayuhan lamang sila ng kaniyang ina sa bayan ng Ormoc dahil binisita nila ang ina ng kaniyang ama. Nasa isang lalawigan ng Thailand nakatira ang kaniyang ama kung kaya't ang ina nito ang nag-aalaga sa kaniyang lola tuwing bakasyon.

Hindi niya alam kung saan ang tungo niya. Binaybay niya ang anino ng puno ng talisay na nag po-protekta sa kaniya sa sinag ng haring araw. Ang huni ng ibon at hampas ng alon lang ang tanging nagsisilbing tunog na naglalaro sa kaniyang pandinig.

Umupo siya sa buhangin at inalala ulit ang naging sagutan nila ng kaniyang Ina.

“Ayoko dito! Gusto ko kay papa! Gusto ko sa Thailand! Ayoko dito Mama!”

Hindi na niya napigilan ang pagsigaw habang nag uunahan ang mga luha niya.

"Hindi mo ba naiintindihan?! Hindi na babalik ang papa at hindi kita papayagang makasama siya, Naiintindihan mo? Naiintindihan mo Aroon?! Hindi ka aalis sa tabi ko!"

Isang taon na niyang hindi nakakasama ang ama. Sa murang edad ay ramdam na niyang wala ng pagmamahal na namamagitan sa mga magulang niya.

Hindi na nakayanan ng kaniyang ama ang araw araw na pag aaway nila kung kaya't lumipad ito patungong Thailand.

Mas malapit siya sa kaniyang ama kumpara sa kaniyang ina dahil mas nagkakaintindihan sila at hinahayaan siyang gawin ang gusto niya,hindi tulad ng kaniyang Ina.

Nakatitig siya sa dagat habang unti- unting tumayo at tinungo ang alon. Hanggang baywang na niya ang tubig ngunit wala siyang pakealunti

“Kung ito lang ang natatanging paraan para makapunta ako kay papa, gagawin ko.”

Bulong niya sa isip.

Ang haring araw ay unti-unting natatabunan ng mga ambon. Ang mapayapang alon ay unti-unting lumalakas. Unti-unti ring pumapatak ang ulan.

Dahil bata, mas matimbang ang takot kaysa sa determinasyong makita ang ama. Umatras siya ngunit tinatangay ng halimaw na alon ang walang lakas niyang katawan. Pilit niyang nilangoy ang daan pabalik sa dalampasigan ngunit hindi niya malabanan ang lakas nang daloy ng alon.

"Tulong!Tulong!" Sigaw niya.

Napapasukan na ng tubig ang kaniyang bibig kaya mas pinili niyang ikaway ang mga kamay at hindi na sumigaw.

Dahil sa dilubyong hatid ng alon, natatabunan na ang batang si Aroon. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata at tinanggap ang kinasasapitan ng kaniyang desisyon.

Sa kabilang buhay nalang papa…

Bulong niya bago lumubog.

Hindi mapakali si Sid dahil sigurado siya sa nakita. Isang batang nalulunod. Gusto na niyang talunin ang dagat ngunit hindi pa dumadaong ang sakayan na kanilang pag aari. Nang makitang unti-unting lumubog ang bata ay hindi na siya nagdalawang isip pa at tinalon ang naglalakihang alon.

Laki siya sa dagat kaya marunong siyang lumangoy. Hindi naging madali ang paglangoy patungo sa batang nalulunod dahil sa bagsik ng Alon.

"Sid! Sid!" Sigaw ng kaniyang lola.

Sinisid niya ang kailaliman ng dagat at natagpuan ang wala nang malay na si Aroon. Agad niyang hinila ang lalake at tinangay sa mababang parte ng dagat. Nang nasa dalampasigan na ay hinila niya pahiga ang walang malay na si Aroon. Niyugyog niya ito ngunit wala siyang nakuhang tugon.

"Unsaon man ko ni?" (anong gagawin ko dito?)

Napasabunot siya sa buhok at niyugyog ulit ang bata. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, wala siyang tugon na natanggap.

Natataranta siyang tumingin sa paligid at nagbabakasakaling may makitang tao at makahingi ng tulong ngunit sa kasamaang palad, wala ni isang tao. Ang sakayan nila man ay wala na ring tao at paniguradong nakababa na ang kaniyang lola at kuya.

“Kusi nasad ko ani ron” (Kurot na naman ako nito)

Bulong niya sa isip.

Biglang pumasok sa isip niya nang minsang may pinanuod sila ng kaniyang lola.  Nalunod ang bidang babae sa pilikula. Sinagip siya nung bidang lalake at dinala sa dalampasigan. Walang malay ang bidang babae kaya ang ginawa nung bidang lalake ay pinagdikit nito ang kanilang mga labi at tinakpan ang ilong nito saka binigyan ng hangin.

Tinitigan niya ang walang malay na batang lalake. Binaybay ng kaniyang mga mata ang mata nito patungo sa mga labi. Lumunok siya at nag aalinlangang inilapit ang kaniyang mukha.

“Unsa mani akong gi buhat, oy!”

(Ano ba 'tong ginagawa ko!)

Bulong niya.

Niyugyog niya ulit ang walang malay na si Aroon ngunit wala pa rin itong tugon kaya sa ikalawang pagkakataon, hindi siya nag alinlangang ilapat ang labi nito sa labi ni Aroon.

Tinakpan niya ang ilong at ibinuka ang bibig bago binigyan ng hangin.

Walang nangyari sa unang subok kaya inulit niya ng inulit ang ginawa at hindi ininda na lalake ang binubuhay niya.

Ano nga ba ang malay ng isang bata?

Sa huling subok ay naging matagumpay ito nang magsimulang umubo si Aroon at naglabasan ang mga tubig na kaniyang nainom.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Sid. Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingala.

"Salamat Ginoo!" Sigaw niya.

Unti unting tumayo si Aroon. Hingal na hingal siya na tila tinakbo niya ang Ormoc papuntang Merida. Umupo siya at tumingala kagaya ni Sid.

"Thankyou Lord. " Dasal niya sa isip.

Nang makabawi ay tumingin siya sa estrangherong nagligtas sa kaniya.

"H-hi..."Hinihingal niyang bati.

"hi rin." Nakangiting sambit ni Sid.

"Salamat, ha? Kung hindi dahil sayo, baka patay na ako..."

"A-ah... Ano.... Ginoo unsaon mani nako pag tubag? Tagalog man diay ni!" (Diyos, paano ko ito sasagutin? Tagalog pala ito!)  Sambit niya sa isip..

"A-ah... Walang... Salamat?"

Natawa si Aroon hindi dahil sa maling sinabi ni Sid kundi dahil sa hitsura nito.

"Walang anuman. Yan yung tugon."

Ah…” Tumango tangong tugon ni Sid.

"Sa Maynila ikaw nakatira?"

"Oo."

"Nganong... Bakit.. Bakit kayo nandito?" Nahihirapan siya sa pagsasalita ng tagalog.

"Nandito si Lola,yung mama ng papa ko kaya nandito kami. Pero, di kami dito nakatira. Inaalagaan lang ni Mama si Lola"

Tumango si Sid at muling tumingala…

"Bakit ka pala naliligo? Di ka naman marunong lumangoy diba? Nagpapakamatay ka?"

"Hindi ako nagpapakamatay. Gusto ko lang puntahan ang papa ko."

"Papa? Bakit sa dagat? Wala jan yung tatay mo. Pero baka shokoy yung tatay mo? Hindi naman?"

Tumawa si Aroon at napailing.

"Hindi shokoy! Nasa Thailand ang papa ko. Gusto ko siyang puntahan."

Nawala ang ngiti sa mukha niya nang maalala muli ang pagkawalay sa Ama.

"Sino ba ang kasama mo dito?"

Matamang tanong ni Sid. Ramdam niya ang kalungkutan ni Aroon kaya kahit hindi bihasa sa wikang Tagalog ay nakapag salita siya nang diretso.

"Yung mama ko pero... ayoko siyang kasama. Mas gusto ko sa papa ko. Lage niya akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko, di gaya ni Mama…"

Mahihimigan sa boses ni Aroon ang lungkot at pangungulila. Mahal niya ang mama niya ngunit mas nararamdaman niya ang pagmamahal at pag aaruga sa ama dahil laging wala ang mama niya dahil sa trabaho.

Labis ang kalungkutan niya nang mag desisyong magpakalayo layo ang ama niya.  Araw-araw siyang tumatawag ngunit lagi siyang nahuhuli ng kaniyang ina kaya lagi siyang napapagalitan na naging sanhi nang paglayo ng loob nito sa ina.

"Mabuti ka nga e, may mama pa. Wala na 'koy mama, iya mi gi biyaan tungod sa lain nga lalake pero wala gihapon koy kalagot niya kay naa man koy lola.. Wala man koy katungod nga mag dumdom niya kay siya may nag anak nako.. Pero ako pangandoy karun, maka adto ug manila para makakita niya… " Yumuko si Sid at inalala ang ina. Kahit hindi naintindihan ni Aroon ang sinasabi ni Sid, ramdam niya ang pangungulila nito sa ina.

( wala na akong mama, iniwan niya kami para sa ibang lalake pero wala akong galit sa kaniya dahil may lola naman ako. Wala naman akong karapatang magalit dahil siya ang nag luwal sa'kin. Ang pangarap ko ngayon, ang makapunta ng maynila para makita siya)

Umusog si Aroon palapit kay Sid at inakbayan ito.

"Sayo nalang ang mama ko."

Napatingin si Sid kay Aroon at binatukan ito.

"Boang ka!"Sigaw niya sa bata. Napahimas naman si Aroon sa batok niya at naguguluhang napatingin kay Sid.

"Sayo na nga yung mama ko nambatok ka pa!" Sigaw niya pabalik sa bata.

"Bakit mo pinamimigay mama mo?"

"Para may mama ka na, nalulungkot ka diba?"

"Hindi pwede yun. Ikaw naman ang mawawalan ng mama..."

Napaisip si Aroon sa sinabi ni Sid.

"Oo nga no? Sige ganito nalang... Hati nalang tayo, pwede mo rin siya maging mama pero mama ko pa rin siya, okay na ba?"

Natawa si Sid at tumango.

"Sabi mo yan ah?" Natatawa niyang tanong.

"Oo naman." Tumawa rin si Aroon.

“Aroon!”

Nagitla silang dalawa at napatahimik sa pagtawa dahil sa sigaw ng nanay ni Aroon.

"Sid!!" Nakasunod naman ang lola ni Sid na may dalang pamalo.

"Ikaw bata-a ka!! Nganong ni lukso man ka sa tubig ha? Ganahan ka atakehon kos kasing-kasing?!?"

( ikaw na bata ka! Bakit ka tumalon sa tubig ha? Gusto mo bang atakehin ako sa puso?!?)

Sigaw ng lola ni Sid sabay palo sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi umiyak at humingi ng tawad. Pero sa loob niya, wala siyang pinagsisihan dahil nailigtas niya ang kaibigan na niya ngayon na si Aroon.

Hindi naman nakayanang tignan ni Aroon na paluin ng lola si Sid kaya pumagitna siya at sinalubong ang palo ng matanda.

"Aroon!" Sigaw ng mama niya.

"Lola tama na po, iniligtas po ako ni Sid kanina dahil nalulunod po ako.. Wag niyo po siyang paggalitan..." Umiiyak niyang pakiusap sa matanda.

Natinag ang puso ng matanda at ng mama ni Aroon sa sinabi ng bata. Kapagkuwa'y inimbitahan nito ang mag lola sa kanilang bahay at doon na ikinuwento ng dalawang bata ang nangyari. Pinagsabihan lang ang mga ito.

Matapos ang araw na yun ay palagi nang magkasama si Sid at Aroon. Halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Inubos nila ang bakasyon sa paglalaro, pagligo sa dagat at pagkwekwentuhan. Hindi na rin na muna bumalik sila Sid sa Camotes dahil may inaasikaso pa ang kaniyang lola sa Ormoc na naging pabor sa bata.

Kakatapos lang nilang maligo sa dagat. Maghapong tinuruan ni Sid si Aroon na lumangoy. Tila walang kapaguran ang dalawa dahil naghabulan pa sila. Tawa at kilitian kapag nahuli ng isa ang isa.

Nang mapagod ay umupo muna sila sa dalampasigan at pinakinggan ang hampas ng alon. Dahil hapon pa, tanging hampas ng alon at radyo lamang ang naririnig nilang dalawa.

Sabay silang napatingin sa isa't-isa nang tumugtog ang pamilyar na musikang paborito nila.

You know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything

Panimula ni Sid. Tumabingi ang kaniyang ulo at hinintay ang dugtong ni Aroon. Tumawa si Aroon at tumango.

You see I feel sad when you're sad

I feel glad when you're glad

If you only knew what I'm going through

I just can't smile without you…

Tumayo si Sid at tinulungang tumayo si Aroon. Pinagsiklop nila ang kanilang mga kamay at umindayog.

You came along just like a song

And brighten my day

Who would have believed that you were part of a dream

Now it all seems light years away

And now you know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything

You see I feel sad when you're sad

I feel glad when you're glad

If you only knew what I'm going through

I just can't smile

Nag ngitian silang dalawa at isinandal ni Sid ang ulo sa balikat ni Aroon.

"Balik ka ulit dito bukas ah?" Pakiusap ni Aroon.

"Oo... B-bago... Bago kami balik... Camotes" Nabubulol na tugon ni Sid.

Ngumiti si Aroon at tinapik sa balikat si Sid bago naghiwalay ang landas nilang dalawa...

Dumating ang araw na napuno ng iyakan ng dalawang bata. Kailangan nang bumalik ni Aroon at ng kaniyang mama sa Maynila upang ipagpatuloy ang pag aaral nito ng elementarya.

"Mama! Ayoko! Ayoko! Dito lang ako!" Namamaga na ang mga mata ni Aroon kakaiyak. Umiiyak naman si Sid yakap-yakap ng kaniyang lola.

"Aroon, babalik naman tayo dito, diba? Bibisita ulit tayo dito. Kailangan mong mag aral anak…”

"Dito nalang ako mag aaral mama!! Please mama!! Kahit itapon niyo na po lahat ng toys ko! O ibalik niyo nalang kay Santa, please mama!! Please!!" Lumuhod si Aroon sa harap ng mama niya habang ikinikiskis ang dalawang palad.

Bumuntong hininga ang mama niya bago tinanguhan ang lola ni Sid.

" Sige na Sid, mag paalam ka na… "Sabi ng lola niya.

 Umiling si Sid at mas ibinaon pa nito ang mukha sa kaniyang lola. Ayaw niyang makita na umiiyak siya. Ayaw niyang mapalayo sa kaibigan.

"Sid wag matigas ang ulo!"

Walang nagawa si Sid kundi humiwalay sa kaniyang lola at lumapit sa nakaluhod pa ring si Aroon.

"A-aroon... Tumayo ka na jan..." Hinawakan niya ang balikat nito at tinulungang makatayo. Yumakap ng pagkahigpit si Aroon sa kaniya at ayaw na siyang bitawan.

"Ayokong maghiwalay tayo..." Ungot ng bata.

"Kailangan mong mag aral... Magkikita pa naman tayo, diba? Tsaka tutuparin pa natin yung pangako natin..." Pinatiling matatag ni Sid ang boses...

Humiwalay si Aroon sa kaniya at lumiwanag ang mukha..

"Talaga?"

"Oo. "

Naguguluhang ang dalawang ginang sa pinagsasabi ng mga bata.

"Ano yun?" Tanong ng mama ni Aroon.

"Pangako namin sa isa't- isa mama na magsasama kami sa iisang bahay paglaki para hindi na kami maghihiwalay..." Tugon ni Aroon habang lumubo ang sipon.

Natatawang umiling ang kaniyang ina at pinahid ang mga luha sa pisnge ng bata.

"Mag aral muna kayo para matupad niyo ang pangarap niyo, okay?"

Tumango si Aroon.

"Pangako yan mama?"

"Pangako..."

Nagyakapan muli ang magkaibigan sa huling pagkakataon bago sumakay sila Aroon sa sasakyan at tuluyan na nga silang naghiwalay...

Magsasama tayong dalawa, pangako yan...

Song used: I cant smile without you by Barry Manilow

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status