Share

Chapter 14: Her Old Version

HINDI MAKAPANIWALA si Kai sa kanyang nakikita kung kaya’t mangilang ulit niyang kinusot ang kanyang mga mata para maniwalang totoo na gising na ang dalaga.

“This isn’t a dream, is it?” hindi makapaniwalang tanong ni Kai.

Patuloy lang na pinagmamasdan ni Blessie si Kai na tila ba nahuhumaling ito sa binata.

“P’wede ba kitang asawahin?” diretsahang tanong ni Blessie na hindi nawawala ang pagkahumaling nito sa kanyang mga mata.

“Ha? Ano bang sinasabi— "

Hindi na nagawang ituloy ni Kai ang kanyang sasabihin nang tanungin ito ni Blessie sunod-sunod.

“Single ka ba? Ilang taon ka na? Anong pangalan mo?” sabik na tanong nito.

Doon lamang natauhan si Kai sa mga inaakto ni Blessie. Inilayo niya nang bahagya ang dalaga sa kanya at tinignan ito sa mata.

“Do you know who I am?” tanong niya.

“No, that’s why I’m asking you. Teka, ba’t ka ba nag-iingles? Nasa Pinas tayo kaya matuto kang magtagalog,”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status