Share

Chapter 7: Tracing the Marks

NATIGILAN ang binata nang sandaling iyon at pinagmasdan ang dalaga na tila ba'y sinusuri iyon ngunit napahinto ito nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para manindig ang kanyang balahibo. Bumangon ito sa pagkakahiga sa buhanginan at kinuha ang mga nagkalat na damit nila ng dalaga sa pangpang. Hindi na nahanap ng binata ang kanina’y suot na dress ng dalaga kung kaya kinuha niya na lamang ang kanyang long sleeves at sinuot iyon sa dalaga. Sinuot niya naman ang basa niyang slacks saka binuhat ang dalaga papunta sa kanyang room at inihiga niya ito sa kanyang kama para mas maging kumportable ang pagtulog nito.

Pasado ala una na ng umaga ngunit hindi madapuan ng antok ang binata dahil hindi siya mapalagay mula nang makita niya ang balat ng dalaga. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may hinanap sa kanyang contacts saka tinawagan.

“Shin, can you do me a favor?” bungad niya sa kausap sa kabilang linya. “Kindly do a background check

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status