Share

Chapter 15 - A Great Deal

Lahat nag-aabang ng susunod na mangyayari. Base sa pagkakakilala nila sa kanilang lider ay hindi malabong tuluyan nito ang aroganteng binata na ito.

"Hanga rin ako sa tapang mo. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganito katapang na binata na kahit nasa dulo na ng paa ang hukay ay kalmado pa ring nakikipaglaro kay kamatayan." puri ni Malcov na sinundan ng malakas na halakhak. "Anong pangalan mo?"

"Hindi ka ba nangangalay? Bakit ayaw mong iputok muna ang baril na 'yan? Hindi ba makapangyarihan naman ang gang niyo? Saglit niyo lang maitatago ang bangkay ko pagkatapos mo akong patayin." Hindi tumugon si Luke sa tanong ni Malcov sa halip ay hinamon niya pa itong iputok ang hawak nitong baril.

"Gusto mo ba talagang kalabitin ko ang baril na'to?" nakataas ang kilay na tanong ni Malcov.

"Sige lang. Ikaw lang din naman ang mangangalay." wika ni Luke saka muling isinandal nang husto ang sarili sa sofa. Kampanteng pinagmasdan lamang niya si Malcov.

Ilang saglit lang ay kinalabit nga ni Malcov ang baril
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status